Tuesday, May 31, 2016

Top 5 Realizations So Far

Maniniwala ba kayo pag sinabi mid year na? Start counting.
Bilis noh.
Kasama ng bilis ng oras na yan, if you turn back, marami kang narealize. Na in years past, hindi mo pa narerealize. Like what I said, "I am the student of the Universe" - nyabach0i | 2016
Anyway, going back.
Ayun na nga.
At this day and age, marami ka talagang maiisip. Sa tulad ko pang favorite ang magisip. Paminsan mapapaisip ka lang, paminsan magtitrigger ng mga bagay bagay, paminsan mapapa "huh, so yun nga yun?". See how fun the brain works? Bonggels.
So, I'll share some that is shareable. And also, to remind myself din. But of course, secret lang natin to. And another of course, in countdown form.

1. Game of Thrones

Yeah, yeah. Late na ako sa ganap na to. Very, very late. Okay fine maganda nga. Wala naman akong sinabing hindi. Pero kasi, hindi ko na talaga pinapanuod ang overly hyped series. Kasi naiinis ako sa clashing of opinions. At sa mga metaphorical scenes unnoticed. Ergo, maarte lang ako.
Back to GoT, kung may narealize man ako diyan ay, buti na lang hindi ako buhay sa mga panahon na yan. Or sa lumang panahon na ang tingin lang sa mga babae ay pakangkang, taga linis ng bahay, at taga gawa ng anak. No. E.K.I. S. Women empowerment. No to rape. No to human rights violation. No to sexism. Yes to woman of power *snap snap*
Favorite character so far? Arya Stark. Woman (or bata) of power siya.

         1.1 Realization In Relation
              Bet ko ng raven nila. Kaya ng real time message transference. Kung pano nila natetrain.                       Don't ask. 

2. Dumi

Hanggang kelan mo kaya itago ang basura niyo sa bahay? Bawat village, may twice or once a week basura collection. Pero, kung itatago mo? Mga gaano katagal? 1 month? 2? Okay fine, madali kung may sentimental value. Like balot ng bubble gum na kinain mo nung first date mo chuchu. Kaya mo itago sa loob ng isang libro di ba? Makakalimutan mo. Tapos one day makikita mo then boom! Basura ulit. Pero another question, why keep the basura? Why keep it? Dahil may old value? Ganun ba yun? Or is it because, an item will eventually turn a basura? Or alam mong basura siya to begin with? Or is it collector ka ng basura? You love basura so much. The filth. Oh well. Sabi nga nila. Cleanliness is the next to godliness. 


3. Confort Zone

Pero totoo nga ba? Na you have to go out of your comfort zone to grow? Kung gagamitin ang analogy ng mga halaman, kung inuproot mo ang halaman sa paso, then tinanim mo sa ibang lugar, dalawa lang yan. Tutubo or mamamatay. But can you choose?
Kung may narealize man ako about that, you can chose to take the risk. And hope that you learned all the things to keep yourself alive. Di ba? Di baaa? Di baaaaaaa?




4. Trigger Warning - Neil Gaiman

Nyeta ka Mr. Gaiman. Nareiterate lang ang galing mo magsulat. Edi ikaw na. I chose to be just like you when I grow up. Charots.


5. THIS HITTING VERY CLOSE TO HOME

We all carry scars. People only see what they can see. Not knowing how deep. Or how long did it take to heal. Or has it even heal? So when people around you starts comparing explaining scars, whether it was self induced or scarred by another person, in your mind you know.
You know how it feel. When explanations start lashing you again. Again. Over and over. But they don't You go home only realizing you have the same scar again.

Kthanksbye.
-nyabach0i

Wednesday, May 18, 2016

The Dunkin Donuts Story

Well hello there month of May!
So so SOOO much things happened. Devah?? I mean pwede ako mag enumerate ng bagay bagay. Madami! Mga 9 kilos. Pero let us save that for multiple intermittent blog posts. Bigyan niyo ako ng chance please. Kokonti na nga lang tayong blogger, hindi pa ba natin bibigyan ng chance ang isa't isa? 

Okay moving on.

SO, yes, Dunkin Donuts Story.

Kelangan ko ng kape na everyday. Tinatry ko paminsan na wala. Either nagkakamigraine ako or iritable ako. Nakakainis kasi parang nung bata pa ako or around the inarteng adolescent stage, sabi ko sa sarili ko na hindi ako maadik sa kape. May moment sa buhay ko before na hindi ko gusto ang kape at kahit ang amoy ng kape. I guess it comes with adulthood? Ganun ba yun? Pakshet.

Anyway, dahil ako ay reyna ng night shift, pag weekend nasisira ang Eastern Standard Time sleeping pattern ko. Dahil, again, being ang adult, kasama na dun ang chores mo ng weekends. Chores equals general cleaning. Chores equals grocery.

Time warp to grocery time (I understand napakahabang intro na to, wag ka na umarte. Andito ka na eh. Todo mo na.)

Before grocery time, pinilit ko ang nanay ko na shumombay sa Dunkin Donuts adjacent ng grocery entrance. Bilang naginarte ako nung Sunday morning at hindi ako nagkape. Tinry ko mag mind over matter. Ended up with a headache. So shombay at kabig ng order ng black coffee. As black as my heart. Chos.

At as what society tells us, pag nasa kapihan ka, you can't just drink and run. Kelangan mo shumombay. And also, another thing society tells us, if you are shombay mode, you eavesdrop. So please refer to the accurate picture para marealize niyo ang seating arrangement. Katabi namin ng table ay isang Pujay at Junak niya na very much millennial looking with his hipster bright colored shorts and baby tee. And bilang month of May, natapos ang bonggang bongga election season.

I'll try to narrate the conversation. May iba man sa words, pero same meaning. Labo. Anyway.

PUJAY: Bakit niyo naman binoto si Marcos?
JUNAK: Hindi ako. Yung mga kaibigan ko.

Pujay now has annoyed look.

Junak Added: Medyo sikat si Marcos sa mga millennials eh. Madami siyang nagawa sa Senate.... ****blah blah blah more reason I chose not to hear because of personal reasons

Pujay is now furious.

Junak continues to give textbook platforms and conspiracy theories.

Pujay is steaming hot kamote.

PUJAY: Palibhasa hindi niyo alam ang mga nangyari dati.
JUNAK: Yung Martial Law ba yan? Pero maganda in terms of economics at blah blah blah.

PUJAY IS MAD AS FCUK.

PUJAY: Hindi yun discipline. Meron silang kinuha na hindi na mababalik. Naalala ko dati yung mga kumpare ko. Hinuli. Kasi may tattoo sila. Yun lang ang reason. Kasi may tattoo. Tatlo silang kumpare ko. Pinatay yung isa.

Junak in silence.

PUJAY: Meron pa dati. May mga nagwelga diyan sa may SLEX area for human rights. Anong ginawa ng Marcos mo? Inutusan bombahin. After bombahin, bumalik mga ibang tao naman para magwelga. Inutos ulit ni Marcos bombahin. Hindi na sumunod ang PNP kasi sila mismo, alam nilang mali na talaga.

Junak in kroo kroo.

PUJAY: Anong ginawa natin? NagOFW ako. Anong ginawa ng Marcos mo? Yung remittance na pinapadala ko hindi umaabot sa Mama mo. PNP lang ang bank noon na pwedeng mag wire transfer. Wala. Apat na buwan na sweldo ko hindi nakuha ng nanay mo.

Junak sweating bullets.

PUJAY: Alam ng anak niya yan (referring to Bongbong). Alam niya din nasan ang mga nawawalang pera. Pero hindi na niya mababalik yung mga nawala noon.

BOOM MIC DROP.

Nagsorry naman si Junak. Then I ended my eavesdropping.
Intense.

Ayoko maging political about this. Pero ha, do not give me the "Ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak". Yeah, that might be true. Pero he knows. He knows at mukhang wala sa intensyon niya na ibalik. And do not give me the "Look at Ilocos" bullshit. Trabaho niya yun. Expected of them na pagandahin nila ang Ilocos kaya nga sila nanalo.

I will be leaving this Young BBM pic.


Sino binoto kong VP? Hindi si BBM most def.

Okay enough with the political kemisbar.
Nanghihina lang ako pag nakikita ko tax ko sa payslip tapos ganyan ang ganap. Nakakawalang gana.
Osha. Kitakits.
-nyabach0i




QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...