Sunday, December 28, 2014

Friends Ba Talaga Tayo?

Di ba?? Mapapaisip ka rin kasi minsan. Pano mo ba macoconsider ang isang tao as totoong kaibigan? Parang kering keri na i-take lightly ang word na "Friend" ngayon. Pasok sa banga ng meaning ng friend ang social media keme at kahit pasweet na acquaintance lamang. So ano na nga ba talaga? Ano na nga talaga?

Just a brief background chorna, ang taong 2014 ay naginarte sa akin at parang kelangan magrevalidate ng own meaning ko ng true friendship. E dahil panahon na rin ng mga instagram quotes at facebook pasaring, napaisip ako ng mabuti. So habang nagsoscroll ako ng friends list ko sa Facebook, iniisip ko, ano nga naman ang guideline para malaman kung true friend mo ang isang tao? Gut feel? Bumoborderline non-platonic relationship? Bet magpautang kahit kelan?

That is whyyyy napaghugutan ang post na to. I present you, nyabach0i's guide to true friendship! Ten-nen-nen-neeeeeeeeen!

True friend mo siya kung:

1. Alam mo ang basic vital information about the person. Lets start with middle name. Naniniwala ako na pag alam mo ang middle name ng isang tao, may deep relationship na kayo. Combohan mo pa ng birthday na walang Facebook reminder help. Bonus points na kung alam mo ang address, mother's maiden name, city of birth, and all those identity theft informations. Sumakatuwid, kaya mong magfillout ng application form at magpanggap na siya.

2. Deadma kayo sa balahura moments ng isa't isa. Sige wag natin sama na kaya niyo umutot sa presence ng isa't isa. Baboy yun. Pero kung oo, fine pasok na sa jar. Ang minimean ko dito, kaya niyo magsabi about it. For example nabanggit mo na ang line na to sa kanya "Ay teka tawagan kita mamaya jejebs lang ako" and the likes.

3. Kayang kaya niyo magusap ng hindi naguusap. Titigan lang gets niyo na. May pogi? Pak! Sight mo lang friend mo gets na. May pangit? Pak! Sight mo lang ulit tapos tawa na kayo. Kabog ang ESP levels.

4. Hindi mo pinapalampas kahit pisong duling. Naniniwala ako na kung true friend mo ang isang tao, sobrang vocal mo about pera sa kanya. Kasi paminsan kung deadma ka, may sense na winiwin mo pa ang tao. Pasok sa reputation levels. Wait, hindi ko sinasabi na maningil kayo ha. Teka ganitong scenario kasi. 

Friend1 "Uy teka naalala mo yung 2 piso kahapon? Bawas ko na dito sa utang mong 20 so 18 na lang bayad mo"
Friend2 "Tarantado may 30 ako sayo nung isang araw hindi ka nagbayad dun sa extra rice mo!"
Friend1 "Ulul? Bawas mo na lang leche ka. So ako pa nagkautang sayo?"

Gets?

5. Alam mo kung may problema. Pag nanahimik siya, alam mong may something. Hindi na kelangan ng usap usap. Alam mo rin kung kelangan niya ng space at time. Alam mo rin kung kelangan siya kakausapin ulit. And most especially, alam mo kung kelan mo siya tatanungin about it.

6. You value all information about the person. Pag sinabing secret, secret. Pag sinabing wag mo sabihin sa iba, aabot lang sa mga taong alam mong deserve ang information. Pag sinabihan ka ng secret na malala, siya una mong sasabihan at sasabihin mo sa kanya na "Hindi ko kaya itago to magisa! Kelangan may kausapin ako about this!"

7. Nagsasabi ka ng totoo pag sinabi mong pumapayat or tumataba siya.

8. Kilala ka ng magulang nila. Ikaw ang unang una sa listahan ng gate pass sa magulang nila. 

Mujay "San ka na naman pupunta?!"
Ikaw "Kasama mo si nyabach0i!"
Mujay "Ah sige lock mo gate ha"

9. Pwede kang magyabang sa kanya at hindi niya yun itetake as pagyayabang. May bago kang phone? Siya unang makakaalam. Lumaki sweldo mo? Sa kanya ka pa rin magrereport. Pumayat ka? Siya pa rin may alam kung gaano kalaki nalose mo.

10. Sure ka na forever na ang relationship niyo. Naiimagine mong uutangan mo sila pag kwarenta na kayo at wala kang pang enroll sa anak mo. Naiimagine mo rin na tinutubos ka niya sa presinto. Naiimagine mo rin na pag senior na kayo sabay kayong magkeclaim ng free movie tuwing Monday sa SM.

So kung check kayo sa lahat ng yan, edi bongga. Kayo na ang totoong kaibigan. Lolz. Lolz amputa. Haha.

Tandaan niyo, minsan ka lang makakahanap ng totoong kaibigan. Sa panahon ngayon na kering keri na magdeadmahan, kelangan niyo i-cherish ang mga ganyan. Naniniwala ako na mas pasok sa banga ang few chosen good friends kesa sa collect them all Pokemon mode. Mas okay na ang konti basta sure kang totoo sila.

Tsaka sabi nga nila, "Your worth is defined by how much you are valued". Bongga di ba?
Osha, yun na yun.
Lets be friends.
-nyabach0i

Wednesday, December 24, 2014

Unang Putok ni Glentot

Odiba. Wala nang mas gaganda pang timing ang review na to kundi ang thought na Xmas eve ngayon. Let me explain why. Xmas break ko sa work. No work means more time. More time means reading books. Reading books means finally catching up on pending books. Pending books means Unang Putok etc.

Pero ha, una sa lahat, namiss ko magblog. Naalala ko ulit bakit ako nagboblog (wala kasing gusto kumausap sa akin sa totoong buhay) at yung masayang part ng blogging. At that same thought, nainis ako kay Facebook. Kasi parang instead na nagblog ako, nagiinarte ako sa Facebook or nagkecandy crush. Nyeta. Such a waste of valuable time!

Now back to the book.


Ayan ang proof of purchase. Nasa kama ako. Which is very appropriate kasi kung puputukan naman ako ni Glentot, i'll make sure nasa kama ako with my bagong bedsheet. Hindi ko nabitawan ang libro na yan. Pagkagising, kasama sa malling, kasama habang jumejebs... Until natapos ko na lang siya after 1 1/2 days. May weird scenario pa ako sa National Bookstore. May inaantay kasi ako sa Illy the kapihan habang binabasa ang libro. Napatawa ako ng malakas ng very very light. So syempre dahil feeling nila library ang peg ni National Bookstore, tinignan nila ako. Patunay lang to ng effectivity ng putok ni Glentot para hamakin ang pagkatao ng mga unknown people sa sosyalang Illy sa NB.

Pero sorry, kasi late ko na siya nabasa. Malapit na atang mag 1 year old birthday tong libro na to? Pero kala niyo ha. Isa ako sa primetime na bumili. Wala pa sa bookstores meron na ako. 



At oo, nirequire ko na may autograph keme si Glentot. Para pag one day yumaman siya at sumikat, pag binenta ko sa Ebay libro niya with signature and keme, ilalagay ko siya sa category na collectibles.

Pero joke lang. Seryoso kasi I like to think na friends kami since wala akong friends. Charoz another.

Kasi crush ko siya. Charoz another again.

Kasi naiinspire ako sa keme niya. From blog to book. Parang gusto ko maging ganun one day. Which I highly doubt pero malay mo?

In fairness kay Khikhi by the way, bet ko ang mga kaganapan niya. Kung meron man akong pwedeng ihighlight, San Lorenzo Ruiz sealed my 2014 with a bang. 

Bumili na kayo, mga puta kayo!
Charoz.
-nyabach0i

*PS: Magboblog ako ulit promise ko talaga. Although hindi rin naman ako nagsasabi sa million million na nagbabasa (maka million! leche!) gusto ko lang din sabihin out there! At oo, I still owe my horny readers some Nakakabading and Nakakatibo. Shetty wag kayong magunfollow! No! NO! Choz.

Friday, December 19, 2014

OHMYGAHD!!!

OHMYGAHHHHHD!
May blog pa pala ako?
Charoz.
Shetness ang tagal akong hindi nagupdate dito. Kung nagliligawan kami nito ni blogger iniwan na ako nito due to consistency at persistence. Wala akong pinakitang meynteyn na pagibig sa website na to. Sorry, blogger, sorry. I am a failure.
Ohdevahmehgahnun.

Oo na mga leche kayo hindi na ako nagupdate since July. As always, ang explanation ko ay dahil busy ako sa work.

Patawarin na ako please.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...