Friday, August 30, 2013

1 Million Keme Keme At Si Napoles

Yes mga ate at kuya. Pumunta si nyabach0i sa 1 million chuva chuva. Hence the proof of purchase na photo photo. Normally hindi ko papatulan ang mga ganitong bagay. Aminado ako na isa ako sa mga dedmadela na pilipino regarding sa mga kabalastugan ng pinas government.

Yes inaamin ko rin. Konti na lang ang tiwala ko at faith sa pinas government (cue in mga thoughts about gloria, erap, and the likes).

Isa ako sa mga tao na manunuod ng news, tapos "pssss, walang kwenta talaga ang pinas. tignan mo puro showbiz eklat. puro boxing. puro mga walang kapararakan. ang tanga tanga ng pulis blah blah".

Pero for some weird reason, pumunta ako dito. Bakit kamo? Kasi gusto ko gumawa ng something bago ako magdecide kung konti na lang ba ang faith ko or kung zero na talaga. 

Nakakatuwa isipin na mostly ng mga pumunta ay mga working class. Nahahati sa apat ang section ng 1 million kemper kemper na to. Ang mga mega masa na nandun malapit sa stage kasi andun ang mga artista, papansin ng politician, at mga camera. Balak ata makita sa TV. Tapos sa taas ng mga damo damo at putik putik ay ang mga middle class to upper class. Kasama na diyan ang mga schools, religion eklavur, at mga working class tulad ni watashi. Andito rin ang mga sandamukal na mga taga tinda ng banig slash pansapin sa maputik na floor na parang palara. At sa gilid gilid ang mga mega yaman na mga may mga yaya na inutusan pa na magwhite. Mga umuulan ng english speaking eklat. At ang pang apat, ang mga bikers. Bongga ng bikers. Nagkalat sila.

After ko magsisigaw dun, masunog sa araw (kahit walang araw at makulimlim umitim ako), at kumain ng streetfood, umuwi ako na konti pa rin ang faith ko. Well at least hindi zero. At sana sa konting faith ko na yan mangyari ang mga iniisip ko:

a) Bawal maging registered voter and mga walang active BIR hulog.
b) Bawal tumakbo ang mga artista (not unless inactive ka na)
c) Kasama sa application ng candidacy ang photocopy ng bank statements na parang nagaapply lang ng visa.
d) Pagsusulatin ng essay para macheck ang intelligence ng candidate
e) Gawing 25 and above ang limit ng registered voters.

At the end of the day, sila pa rin ang nanalo na tumakbo. Yes alam ko, pwedeng nadaya, nabili or whatever. Pero gets? Sila ang nanalo. ibig sabihin, may bumoto. Regardless if willingly or not. Hindi ba parang mali? Kung bakit nanalo si Erap at si Gloria? Kung bakit nananalo ang mga artista? Kung bakit nanalo si Tito Sotto? Or in this Napoles case, nanalo si Revilla, Honasan, at Lapid?

Tapos tanungin natin sarili natin. Bakit hindi nanalo si Gordon, Hontiveros, etc? Bakit?

Tapos maririnig mo ang mga tao, si Pnoy ang may kasalanan eklat eklat. Excuseme, kahit papaano, si Pnoy in someway may nalaman tayong mga corrupt na pangyayari. Naisip ba natin what if ha, what if lang, si Villar nanalo na presidente. Would you think magkaka Napoles issue? Or lets say, si Erap ulit ang nanalo? Would you think bababa ng 44 pesos versus 1 dollar? Sorry ha. Pero di hamak naman na in some way, better si Pnoy compered kay Gloria or Erap. Wala lang. Hindi ko lang gets kung bakit parang ang mga tao galit na lang kung sino man ang presidente. Automatic ba yun? Like pag presidente ka may mga group na gusto patalsikin ang presidente. E sino na pala gusto nilang presidente? Si Pacquiao?

Sensya na. Wala ako sa mood kasi. Normally hindi ako magrereact sa politics. Pero pag nakikita ko ang payslip at ITR ko, tapos ganito ang makikita ko sa news, tapos maiisip ko ang mga minimum wager at mga nagpapakamatay na magtrabaho etc. Parang nakakapanghina. Wala lang.

Pero partida, iisa pa lang to si Napoles. Malamang sa maalat na alamang, may iba pa yan.
Paki tax refund na lang hulog ko para walang ganitong emotions please.

Ikaw, anong reaction mo about this?
-nyabach0i


Tuesday, August 6, 2013

Nakakabading - Yummy Gay Men

In fairness sa mga ganap sa buong mundo slash pilipinas ha. Malaman at walang pagaalinlangan. Sobrang hitik na hitik. At oo, alam kong matagal na akong hindi nagbablog. Kasalanan ko to. Alam ko naman yun eh. Hahaha. Mamaya natin pagusapan ang mga ganap sa buong pinas.

And yes. I lost 2 followers. Oo na boring na blog ko. Hmph! Haha.

1. Matt Bomer.
Oo. Isa ako sa hindi magkandagulapay nung nalaman kong bekbek si kuya. Pero after some time, dedma na ako na bekbek siya. Kasi naman di ba? Nakikita niyo ba ang itsura niya na yan? Napakalinis. Very chiseled! Sarap dilaan ng... jaw line! And the eyes! Ohhhh the eyes! Alam niyo naman na weakness ko ang mata. Blue eyed soulful eyes. Lahat ng kaong kaong ko nagshake shake shampoo!

At naniniwala ako na dapat siya ang maging Christian Grey. No, hindi ko binasa at wala akong basahin ang 50 shades keme. Pero based sa research ko about sa kung ano mang kabastusan ng libro na yun, bagay siya. At gusto kong partner niya si Alexis Bledel. Manunuod talaga ako promise kahit hindi ko alam yung kwento.

Yummmeeehhhh!



2. Anton Hysen
Sinong magiisip na bekbek yang mukha na yan? Grabe noh! Ibang iba ang norm ng kabekbekan sa ibang bansa versus dito sa pinas. Dito sa pinas ang bekbek automatic ang nasa isip mga parlorista! Sa ibang bansa mega hotness nalalake na malupit ang sense of style.

Anyway, flavor of the month ko si Anton. Swedish football playah yan. Odevah very butch ng sport ni kuya. Walang abog abog na nagout yan si kuya. At masayang masaya naman siya.

Mukha siyang bad boyyyy. I lovettttt!


3. Ryan Barry
AYAAAN! AYAN NA SI RYAN!

Grabeeee. Male mowdel yan (obviously)! Isa siya sa mga gifted na model na kahit anong anggulo sobrang yummy pa rin! Google niyo dali! Hindi kayo magsasawa promise.

Kaso kung naggoogle kayo, may makikita rin kayong pic niya with jowa (which is very lugian na parang jowa rin ni Matt Bomer). Pero keri na.

Nakikita niyo ba ang mej chinito na blue eyes?! SHET!

Anyway.
Ayan na ang offering ko na mga pogi. Pasensya na kayo at medyo hindi ako updated. Alam niyo naman. Hindi ko na uulitin dito kung gaano ako kabusy plus may mga inarteng ganap pa ako sa buhay. Very quarterlife crisis lang ang feeling! Inarte! Pakisampal ako please.

So syempre kelangan natin pagusapan ang naturang sex video ni Chito Miranda at Neri Naig. Yes, pinanuod ko. At ang unang pumasok sa isip ko ay, "Sino si Neri Naig?". So syempre nagumeffort pa ako ng google kung sino siya at kung ano siya sa mundo na to. Star Circle keme pala siya biruin niyo? Well wala naman akong kilala sa Star Circle Quest na yan maliban ang mga sumikat at syempre si Sandara.

So ayun na nga. Nasagot na nga ang tanong kung sino si Neri. Natawa ako sa unang part na doggy scene na biglang walang abogabog sinabi ni ate Neri na "Baby my tummy is so fat". Hence, kaya pala nilayo ang laptop. Natawa ako promise.

At kung tatanungin niyo ako kung ano ang favorite part ko sa sex video na yun ay ito.


Patawa lang ni Chito. Lakas maka first time ang itsura ng reaction na yan. May favorite part pa ako na isa, yung sa dulo. Yung nag rock-on at peace sign siya after ng kung anuman ang ginawa nila. HAHAHA. Benta.

So yun lang ang reaction ko sa sex video nila. Nakakatawa siya. Pero naniniwala ako na wala lang yan. Lilipas rin yan. As if naman "matitinag" sila ng sex video na yan. 

AT EXCUSE ME NAPOLES ISSUE.
Obvious na nagtatangatangahan pa tayo? Grabe noh? Pwede pala yun. 21 years old lang si ate gurl Janet ha. Paalala ko lang. 21 years old versus that kind of lifestyle. Kahit sabihin pa nila na mayaman sila at may hotel kembular malapit sa Disneyland. No. It doesn't translate kung paano ang 21 years old ay umuulan ng mamahaling relo at sasakyan. Ano yan, lokohan?
Obvious na eh!

Yun lang ang sasabihin ko sa araw na to.
Masyado nang mahaba to.
Sige next time na lang.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...