Sunday, July 21, 2013

Second Post Gamit...

...ang cellphone. Bonggaaaaa.

Actually, kasalukuyang bedridden ang peg ko. Sa mga oras na to, namamamaga ang tonsils ko. Kumpleto naman ako sa vitamins and minerals! At hygiene. Not unless chumupa ako. No, to answer that. Wala akong ginagawang masamaaaaa. Haha.

At sa saliw ng bedridden mode ko, napapaisip ako ng mga ibat ibang bagay. Like gaano kaliit ang sweldo ko. Na kelangan ko ng sideline para matustusan ko ang bisyo kong lumamon. Ano ba ang successful na sideline? Susugod na ba ako ng Solaire at Resorts? Sugal na ba ang best bet? Sabi na magpopokpok na lang ako. Charoz.

Napaisip rin ako na itigil na ang panunuod ng series tutal naapektuhan ako at bumalik na lang sa roots ko na bookworm mode. Para at least, kung maapektuhan man ako sa libro, pwede akong gumanti like ibato sa wall or sunugin.

Napaisip rin ako na sobrang lupit ng sideeffect sa akin ng Azithromycin. Nyetang yan. Push ang diarrhea at stomach pain! Ang selan ng bituka ko kala mo petite siya! Che!

At ultimate na naisip ko, kung bakit malala ang forever alone mode ko sa buhay. Haaaaaaaay. Inarteng ganap. Next time ifufulldetails ko na lang to. Or malay niyo phase lang to?

Osha, diarrhea is calling.
-nyabach0i

Tuesday, July 16, 2013

Friendzone.

Ilang taon na nga ba to? Paminsan noh, mapapaisip ka. Mahihirapan ka rin at the same time. Pero kelangan mo rin talaga protektahan ang friendship niyo. Para kasing kung anong anggulo mo tignan, mas okay na friends kayo. Parang known fact naman na yun kasi. Pero may part sayo na magiisip, 'what if nga naging/or kayo?' Ano nga kaya ang buhay mo/niyo ngayon?

Well, hindi rin naman talaga ako nagsisisi sa kung ano man ang posibleng mangyari noon. In fairness, okay naman na ako ngayon. Masaya na akong asexual ang peg. Mas gusto ko nga ata tong magisa. Not unless baliw lang talaga ako. Pero ha, bigay niyo na sa akin, hindi ako nagkakalonely mode. Ewan ko. Baka nga asexual na ako? Shet sayang ang ganda ko.

May nga lang na ganito. Mapapaisip ka. Makikita mo yung shoulda, woulda, coulda mo na okay naman ngayon at mukhang masaya sa kanikanilang someone. Chineck ko naman. Wala namang inggit na nagaganap. Napapaisip lang ako. Hindi naman siguro masama yun di ba?

Well aminado naman ako. Marami akong hung ups sa buhay. Well wala rin akong balak ielaborate isaisa ang mga issues ko sa buhay. Ibigay niyo na sa akin yun. Siguro part yun? Kung bakit walang lumalampas ng friendzone ang mga kung ano man ang meron ako? Or malakas din ang kutob ko na ako mismo ang nagdadala sa akin sa friendzone. Shet, may commitment/relationship issue na nga ata ako.

Kaso may mga moments kasi na magkakasama kayo. Magkikita. Tapos babalik ka sa feeling na yun. Sa intersection na, go or no go. Oh well. Ganun talaga.

Darating naman siguro yung araw na yun. For now, dito muna ako sa friendzone.

O diba ang arte arte ko lang????? Minsan na nga lang magpost ng blog inarteng wagas pa. Che!
Miss you all!
-nyabac0i


QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...