Friday, October 26, 2012

Liebster Churvaloo

Okay, okay. Alam ko nangako ako ng Nakakabading post. Eeeehhhhhh (ako na hectic at walang magandang excuse). Promise talaga! Promise.

Pero infurr dito sa Liebster keme na to ha. Una sa lahat, salamat kay Mr. Tripster at JonDmur sa Liebster award na to. Well unang award ko to simula nung binura ko yung last na blog ko (hindi pa rin ako makagetover sa pangyayari na yun kung bakit ko siya binura. hindi rin ako makagetover na marami na akong followers dun and all. yung mga posts ko pa hindi ko tinago! wala akong kopya! hahaha.) So tagos sa puso at kalamnan na nabigyan ako nito AT uso pa pala ang award award. Haha. Yun pa pala ang issue ko. SUPAHTHANKIERS!

So dahil dalawa kayo, with 2 set of questions, malamang mahaba to. SO pasensyahan na lang.

Pero sige fine. Sasagutan ko na to. Hambastos ko naman kung dedeadmahin ko to. Haha. Lezzgo!



The Liebster Blog Award is given to up and coming bloggers who have less than 200 followers. “Liebster” is the German word for “favorite”.

The rules are:

Each person must list 11 things about themselves.
Answer the 11 questions of the tagger and list 11 questions of your own for the 11 people you will nominate.
Choose 11 bloggers linking them to your post.
Inform them of the nomination.
No tagging back. Tag bloggers with less than 200 followers.

11 Things You Should Know About Me:

1. Ayoko ng kinakalabit. Naiirita ako. Mas lalo na yung sunod sunod. Mas lalong ayaw ko yung sunod sunod na kalabit with matching tawag ng name mo. As in *kalabit using hintuturo* Tabs *kalabit using hintuturo twice as faster* Tabs. Automatic nabubwisit na ako nun internally.
2. Mahaba ang patience ko. Paminsan proud ako dun, paminsan hindi. Katulad sa mga public areas. Like yung mga resto. Kung mabagal ang service, hindi ako nagrereklamo. Kung kulang ang sukli, hindi pa rin ako nagrereklamo. Pero pag umabot sa point na dulo na ng pasensya ko, magtago ka. Kasi last time na umabot sa dulo, binigyan ako ng 40% discount para kumalma.
3. Observant ako. Sobra. Feeling ko pwede ako maging detective.
4. Ayoko ng kape. Amoy at lasa.
5. Natutuwa ako sa self study mode. Gusto ko yung feeling na may working knowledge ako sa ibat ibang bagay.
6. Agnostic ako. Mahabang kwento pero oo.
7. Pag may gusto akong "something", nagiging best in research ako. Kaya sure talaga ako na pwede akong maging detective.
8. Ayokong naliligo with hot water.
9. Nanunuod ako ng gay porn for fun not for pleasure (malamang!)
10. I value personal space.
11. Ayoko ng mushyhan. Weakness ko yan.

So eto ang mga sagot sa tanong tanong ni Mr. Tripster:


1. If you were to break the provisions in Republic Act 10175- Anti-Cyber Crime Act at makukulong ka, sino ang ISANG blogger ang gusto mong makasama sa presinto (note: wag niyo na ako piliin. By that time, hinihintay ko na lang kayo sa loob ng selda. Naunahan ko na kayo)? Bakit siya ang napili mo?
- Si mots. Papaturo ako pano magcomics.

2. From 1 to 10, gaano ka katalino compared kay Sen. Tito Sotto?
-Siguro mga 9? Ibibigay ko yung 1 point sa kanya kasi wala akong alam sa larangan ng pandedengoy at showbiz

3. Describe yourself in 150 characters.
- Matabang magandang babae. Wait, matabang magandang baklang babae. So pano to? Maglalagay na lang ba ako ng mga emoticon para umabot ng 150 characters? So ganun na lang? :p :D o.O (:

4. Whose picture do you keep in your wallet/purse and why do you keep his/her picture? Kung maraming photos, bakit mo naman ginawang photo album ang wallet mo?
- Not applicable. Wala akong picture sa wallet ko.

5. What turns you on?
- Turn me on in what sense? Sexually ba to? Pakipaliwanag ng mabuti.

6. What/Who is your obsession?
- USA Gymnastics Team at si Natalie Tran ng Youtube

7. What’s the song that describes your emotion/status right now?
- Recessional ni Vienna Teng

8. What/Who is the major influence/inspiration in your blogging life?
- Random stuff sa buhay ko. Mga mundane happenings. Nakanamputa! Mundane talaga ang term.

9. If the network of blogs to which you belong was a baranggay or a country, who should be the president/baranggay captain and why?
- Si Glentot. Parang self explanatory na yan.

10. How many ex’s have you had in your life?
- Ex? As in ex jowa? 2.

11. Complete the sentence LOVE IS….. (if it’s difficult then here’s the alternative- TITO SOTTO IS T_NG_, you can only buy vowels, please be reminded of RA 10175). 
- LOVE IS soft like an easy chair.

So eto ang mga sagot sa tanong tanong ni JonDmur:


1. Motto in Life: - Mabuti na ang tamad hindi naman pagod.

2. Any unforgettable Dream? - Dream ba to as in panaginip? Kung oo, siguro yung hinahabol ako ng ipoipo. Kung dream as in goal, well parang ang weird naman kung yan. Haha.

3. Most Happy Moment in Life?  - Hmmmm. Mahirap ata sagutin to.

4. Do you believed in love at first sight? - No.

5. If you are granted one wish what would you wish? - To be granted 5 more wishes. Haha.

6. What is your aim in life? - Aim? Na maging stable in all aspect? As in yung self contented mode.

7. What is your favorite blog post written by other blogger? - Yung mga post ni Bianca Gonzalez na tumbling pics.

8. Any message to your reader? - Awkward tong tanong na to! Hahaha. 

9. Please give some tips for a beginning blogger. - You should blog not to please others. Write because you like to not to be liked.

10. What is your blog’s best entry? Or any blog post that you can recommend to me? - Personally, lahat ng blog posts ko gusto ko. Haha.

11. What is your definition of a best friend? - Sorry. I don't believe in best friends. Haha.

OK. Alam ko kelangan pa pumili ng mga 11 kemekeme. Effort. Hahaha. Pero kasi isipin niyo nga naman, 11 per blogger. So aabot sa point na lahat na lang ng blogger meron nito. Gusto ko lang sagutin yung mga tanong. Ganun ako kapathetic. Hahahaha. Joke lang. So yung mga itatag ko na lang, yung magbabasa nitong blog ko hanggang ditong part. Mehganun?

Eto ang mga tanong ko:

Gaano kadalas ang minsan?
Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi na lang ngayon?
How many pickled pepers did Peter Piper picked?
Why Georgia, Why?
Why, do you always do this to me?
Jumbo hotdog, kaya mo ba to?

OA na sa haba to. Ayoko na magisip pa ng ikakadagdag pa. Pero uulitin ko, salamat sa awardsung na yan. Next time ulit. Hahaha.

Baboo.
-nyabach0i







Wednesday, October 24, 2012

Celebrate And Dance So Free

...one more time! music got me feeling so free.. blah blah (kanta yan ng daft punk). wala lang. fyi lang sa inyo. tinatamad ako. sa sobrang katamaran ko, ayoko mag capital letters ng first letter ng sentence or ng kelangan i-capital. kashumad.

time check. 1:21 ng umaga. sana mapatawad ako ng nanay ko. kung alam lang niya ang sandamukal na patatas na kinain ko ngayon. kasi naman tong kapatid kong fresh from japan, nagluto ng katsukembular. infurness, mega sarap. so hindi ko pinasisisihan ang mga kinain ko. shet pag nalaman to ng nanay ko gigilitan niya ako ng leeg (nasa straight duty si mujayra bilang siya ay isang nars).

nung isang araw, nasa french baker kami ni fresh na fresh kong kapatid from japan. tapos syempre nagbayad kami ng monelya. e buo. tapos syempre malamang si ate mo magsusukli di ba? alam niyo yung.. ay wait.. kelangan niyo malaman na night shift ako at wala masyadong tulog na nagaganap sa katawan ko.. alam niyo yung ginagawa nung mga kahera na iisaisahin yung sukli? yung one hundred, two, three tapos sabay patong sa palad niyo? alam niyo kung anong ginagawa ko? after niya gawin sumigaw ako ng "congratulationsss! four hundred sixty three pesos!" akala ng utak kong inaantok nasa game show ako at nanalo ng salapi. akala ko si ryan bang ang nagbibigay ng pera sa palad ko.

pakshet 1:59 na ng umaga. nakapagtype na ako ng dalawang paragraph binura ko lang. ako na fickle minded! 

so ayun na nga. lately nainvolve ako sa talk of the town online warfare churvaliheyhey. well tapos na siya. at hindi ko na lang din bibigyang detalye. kasi nga tapos na siya. hahaha. pero deadmabels. kembot here, kembot there. gusto ko lang banggitin for the sake of updating. (as if naman kasi may nagbabasa - che!) eto yung mga type na walang nanalo, walang natalo. basta natapos ang boxing.

so habang tinatype ko to, nilaunch ng apple ang ipad mini at ipad 4. ganun kapowerful ng post na to! charotcyfruitgum.

time check. 2:23 na. sabaw na sabaw ang utak ko with a combo of mahapding mata. kanina tinititigan ko yung mga page views ko. bakit ganun. sobrang oa ng mga nagbabasa ng nakakabading posts ko. so anong ibig sabihin nito? anong gusto nito sabihin tungko sa akin at mga nagbabasa? hahaha. so can i conclude na karamihan sa blogger either bekbek or mga merlat na mahilig sa topless? omg super fun! pwede na tayo gumawa ng club! 

on that note, makapagpost nga ng nakakabading bukas na bukas rin.
2:33. baboo.
-nyabach0i



Saturday, October 20, 2012

So Eto Na Naman...

...dis oras na naman. 2:02 ng umaga. o di ba, lakas makaaswang ng mode ko. So parang tulong ko na lang din sa sarili ko ang mga kung ano ano mang random stuff na meron sa utak ko. Kasi naman. Literal na magisa lang ako. As in aabot sa point na pag tinakot ko sarili ko, kayang kayang magkaheartattack. 

Kanina nagDulcolax ako. So nasa point ako na inaabangan ko kung anong oras magkakarambola ang laman ng tiyan ko. Well no, hindi ako constipated. Parang naging weekend habit ko na lang to. Yuck oversharing. Hahaha.

Napanuod ko na yung Christmas Station ID ng ABSCBN. Ok fine. Ibigay na natin. Palaging catchy ang mga kanta nila. Yung mga tipong tatatak sa utak mo. Pero ang pinakainaabangan ko sa mga station ID ng ABSCBN, ay yung part na dulo na parang hindi na involved sa storyline. Katulad nito. Di ba mga tulong tulong keme ang peg ng station ID na to. Sa dulong part, meron dun sunod sunod na ipapakita ang artista na may hawak ng stars. Yung mga ganung keme. Yan ang tinatawag kong listahan ng ABSCBN kung sino ang pinakamalaking talent fee from least to greatest! Mabilis niyo naman mararamdaman na yun na yun eh. Basta kung hindi na pinapakita yung kumakanta, tapos pinapakita na ay yung mga artista with a very taimtim na tingin sa camera, yun na yun! So ayon na napanuod ko, si Anne Curtis tapos si Papa P, yung loveteam ni Kath at Daniel, tapos si Gerald Anderson, tapos si John Lloyd Cruz, syempre si Angel Locsin, tapos si Kris Aquino. Nakanamputa daming pera ni Kris! Ang ultimate question ko, asan si Gary V? ~deadmalunggay na nga. Hindi naman talaga ako mahilig manuod ng TV! CHE!

Lately emoshit ang aura ko. Ewan ko talaga kung bakit. Iniinterpret ko na lang siya na dahil kabuwang pagdurugo ko. Pero hindi rin. Ang weird lang kasi ng mga thoughts paminsan ng tao noh? Wala naman dapat ikaemote, pero hala sige emoterang bullfrog ka pa rin. Nope, hindi ako magpopost ng personal kemerlou!

Narealize ko na Lactose Intolerant pa rin talaga ako. Kumain ako ng Frosty sa Wendys, ayun. Karambola! Nauna pa sa Dulcolax.

So ayun na nga. 2:45 am na. Pakshet. Bakit kaya ganun noh? Pag pinasok mo yung daliri mo sa pusod nararamdaman mo hanggang singit mo. As in may nanlalambot feeling na nagaganap. Naiimagine ko pa lang nangingilo ako. Maximum effect pa ata to kung daliri ng ibang tao ang ipapasok mo.

Ayun lang. Mahapdi na mata ko promise. Alam kong wala tong sense. Kelan ba nagkaroon?
-nyabach0i

Wednesday, October 17, 2012

Nakakatibo - Half Breed slash TV Sitcom Edition

Ay shet. Muntik ko na makalimutan magpost ng Nakakatibo. Pakshet ready pa naman na ako mag rant post or may kung anumang post. Pero fine. Magpopost ako ng Nakakatibo. Well hindi naman sa ayoko magpost ng Nakakatibo. It's just that nahihirapan ako maghanap. Compared to Nakakabading na basta maghubad na lalake ok na sa akin. Eto kasi hinahanapan ko pa ng reason kung bakit ako maiinsecure. HAHA. 

So ayun na nga. Deadma na sa explanation ko. Half breed edition kasi mga half keme half chorba ang bloodline na galing sa TV shows. Malamang self explanatory na yan. Gow na tayo.

1. Shay Mitchell
Half Pinay, Half Irish. Hoy tigilan na ang mga Pinay pride kemerlou na yan ha. Oo Pinay nanay niya. Siya hindi. Pinanganak sa Canada, nagtatrabaho sa states. Wag na natin pagpyestahan na may Pinoy blood siya. (Magpopost ako ng regarding sa Pinoy Pride chuva). 

At oo, siya yung tibo sa Pretty Little Liars. Wit ko pinapanuod ang show na yan. Pinagiisipan ko pa lang. Pero infurr dito kay kumars Shay, hongondoh niya! Nagmowdel din pala to before maging artista. Tapos siya rin ang pinakabatang Pantene girl sa states. Bongga! Peg ko to si ate. Pag nakita ko to babalatan ko to ng buhay tapos susuotin ko. Scary shit! Hahaha.

At ang pinakabetsung ko sa kanya, deadma siya makipaghalikan ng wagas sa mga taonetchi! Deadma sa gender at feslak! Kung ganyan lahat ng tao lahat tayo magkakasakit na! Hahahaha. Kung gusto niyo makita ang buong feslak ni ate, google niyo na lang. Sa Nakakabading lang ako naguumeffort na magpost ng dalawang pic per tao. Hahahaha.

2. Olivia Wilde
Actually hindi siya half breed. Of multiple breed na siya. So parang ang interpretation ko, bunga siya ng orgy. Joke lang.

Ay shet, oo tibo na naman ang role nito ni ate sa OC at bisexual sa House. Hindi ko napansin to not until nung tinatype ko na tong line na to. 

Pero infurness dito kay ate, sobrang ganda ng lineage niya. Asawa niya prince ata tapos both Journalist ang mga magulang niya tapos sobrang exposed sa Politics chuva. Tinatawagan lang siya ni Obama sa cellphone. Binabantayan lang siya ni Christopher Hitchens nung baby pa siya. Kilala niya si Mick Jagger. Mga ganung moment. Binabawi ko na. Siya na ang peg ko. Si Olivia Wilde na yung babalatan ko ng buhay. Tapos google niyo yung kissing scene slash bed scene niya sa House! Kaloka! Kung lamukusin niya yung mukha nung kahalikan niya! 

3. Alexis Bledel
OK FINE. Inulit ko na to at si Olive Wilde (yun ay kung nagbabasa kayo ng binura kong blog before). Ilang oras nang nakablank tong number 3. I swear! Sobrang effort. Lakas makasabog ng utak. Promise. Ready na nga ako ipost ang picture ko dito. As in nagready na ako ng camera. Ganun kadesperada.

Pero di ba? Titigan niyo nga ang mata ni Alexis Bledel? Nakikita niyo ba yan? Parang pag tinitigan ka magiging yelo ka. Kinabog niya ang standards ng blue eyed keme. Plus magaling siya mag piano. Pakshet talaga na mata na yan. Sarap ilagay sa bote.

Ay oo nga pala. Part Argentinian plus Mexican plus Danish. Pinanganak sa America. At oo, siya yung anak sa Gilmore Girls na sobrang sinubaybayan ko na sitcom. Ganun ako kaweird. Naaliw ako ng wagas sa Gilmore Girls.


Grabe nahihirapan ako sa posts na to. Hindi kasi ako superficial tumingin sa Nakakatibo posts! Kelangan may nakakabilib na effect ang mga ate para maqualify! Ako naman si aligaga, akala mo may contest or deadline kung ipressure ang sarili. Akala mo papatayin pag walang post na Nakakatibo. HAHAHA. Pero syempre, hindi ko pa rin to ititigil. Eto na eh. Panindigan na lang natin. Tsaka tama na rin to. Para minsan nagiisip ako. 

So eto, 2:44 na ng umaga. So ano nga bang mga bagong balita? Yung kay Lucy Liu? Yung kay Jessica Sanchez? Yung boxing kemerlou? Wait, anong nangyari na sa Cybercrime? Nautut lang ako ng saglit nawala na? Pero ha, yung kay Lucy Liu sobrang joke time na reaction na yan ha. Heller totoo naman kasi di ba, pag pinaitim mo si Lucy Liu ano magiging itsura niya? Magmumukha siyang maitim na chinita which is very prominent look sa Pinas. Totoo naman kasi. Magiging kamukha ni Lucy Liu si Rosita Bareng ng Pinoy Dream Academy. (see reference below)


Di ba? Matatanggi niyo ba yan? Tsaka hello, buti kung sinabi ni Lucy Liu na "I don't want to look a little Filipino because they are so pangit and mabaho!" Ayan sige racist yan. Pero kasi nga naman, oo nga magmumukhang pinoy nga naman si ate. Or south east asian girl. Siguro nung pumili siya ng south east country ang naisip niya Pinas kagad? Ewan ko. Pero I don't find it racist kasi talaga. Ako lang naman to. Siguro kung ang issue pa ay kung bakit issue ang maging maitim sa kanya, fine. Kasi parang ang dating kelangan pag asian maputi. So parang girl power inner beauty dove girl mode? Ewan na nga. Hahaha. ROSITA BARENG FTW!!

Yun lang.

Ayoko ng mint chocolate. Sana nagtoothbrush na lang ako at uminom ng chuckie. Ganun din naman.
Baboo.
-nyabach0i




Tuesday, October 9, 2012

Nakakabading - Random Edition

OHEMGEE ako mismo naeexcite ako magpost ng Nakakabading. Namiss ko to promise. Sa totoo lang, nasa draft na to mga ilang linggo na (explaining na kala mo naman inaabangan or may nagbabasa talaga CHE!). Pero dahil busy ako sa mga bagay bagay, (tinuloy pa ang explanation kapal ng fez) late ko na to nagawa.

Ready na kayo? Maghanda na ng pampaligo.

1. Armando Reed
Shet Armando. ARRRMAAANNDDOOO. *Armandoooo* Try niyo ng iba ibang version. Pabulong, with Latina accent, with rolling R version. Sobrang hot. Arrrrrrmaaandoooo. Try niyo yung DOO part pabulong. Yung mga tipong kinakapos ng hininga. Armandooooh.

Yummy niya sobra. Kasing yummy ng niluluto niya. Oo chef si kuya. At isa siyang Taiwanese. Minsan ka lang makakita ng mega yummy na Taiwanese. Parang last time F4 time pa hindi pa ako nagagwapuhan sa kanila. Ay teka baka sabihin niyo pangit si Armando. Teka magpopost ako ng face pic.

LAKAS MAKA BASAG NG PANTY!!!!!!!!!

Ok na ako kay Armando. Tutal shubatchoy ako, ipagluluto niya ako ng bongga tapos with matching pretty faceeeee. I love itttttt!

2. Alex Pettyfer
Hindi ako nanuod ng Magic Mike. Well kasi hindi talaga ako movie goer in the first place. Ayoko ng mga movies. Iba kasi ang ugali ko pag dating sa mga watchable stuff. Ewan ko kung may ganun din na iba ha. Bago ko panuodin ang bagay bagay, naghahanap na ako ng spoilers. Kung sitcom ang pinapanuod ko, dinodownload ko siya muna lahat tapos papatayin ko sarili ko sa spoilers. Ayoko kasi naiiba ang emotions ko. From masaya to malungkot to gulat. Tamad ako magadjust ng emotions. WAHAHAHA.

So etong si Alex Pettyfer, tinanong ko lang to sa friend ko. Sabi ko sino ang pwedeng poging isuggest na sureball magwawaterfalls ang kung ano man ang pwedeng magwaterfalls. Sabi niya sa Alex. Sabi ko fine. Google ako. Eto ang tumambad sa akin. Well yes, soulful eyes and kemekeme. Pero eto ang tuluyan na nakapagbasag ng panty ko.






3. Benjamin Godfre
Haaaaaaaayy. Kumpleto na araw kooooooo. Mega crush to death! Mowdel to si Benjamin DATI. Alam mo kung ano na siya ngayon? Pornstar. Hihihihihihihihihihi (open na tayo ng isa pang tab at isaisahin na ang mga bidyoooooooo). Joke lang.

Toroy ng water water effect! Oo water water effect ang papansinin ko wala nang iba. Siguro baka pati yung necklace niya. Or yung tattoo. Pero wala na. Or baka pansinin ko rin na maputi yung legs niya sa katawan niya. At ang namimintog na....





...abs niya.


Shet gusto ko ulit maligo ng malamig.
Haha.
Makapagpost nga ng hindi puro ganito minsan. At yung sasabihin ko ulit na marami akong gusto ipost talaga. Next time na lang ulit. Tatry ko magpost ng Cybercrime chuva chuva. Pero kaso baka bigla kayo mabobohan sa ipopost ko. Wahaha.

Baboo.
-nyabach0i




Thursday, October 4, 2012

Hmmm... Mukhang...

...maraming natakot at walang mga post post ngayon sa blogger.
Kashokot??

Anyway, deadmabelles. Kasi naman. Kahit anong react ang gusto mong gawin, wala rin eh. So wag na lang. Iniinterpret ko na lang siya na maraming natakot kaya walang mga kung anuano dito sa Blogger. Normally meron. Not unless nalabas na nila lahat ng saluloobin nila sa Twitter or Facebook. Fine. Kalimutan na ang Blogger! Charots!

So ayun na nga. Marami akong gustong i-post. Naging busy lang ako sa mga bagay bagay. Ako na ang very busy.

Wala lang. Bet ko lang magpost ng maikli. Bakit ba?

Kthanksbye
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...