Tuesday, January 22, 2019

Ginger Ale + Whisky - 020515

Kausap ko ang buwan ng 5:34am.
Sa totoo lang.
Kanina pa niya ako sinusundan.
Marami ako gustong itanong.
Bakit.
Paano.
Kaso kitang kita rin naman
Na hindi niya alam ang isasagot.
Hinatid ako ng buwan pauwi.
Kasama ko pa rin siya sa paglalakad.
Habang sa pagtawid, dumikit sa akin ang malakas na tunog,
"Ganito lang pala kabilis mamatay"
Tanong ko sa buwan
"Hindi pa ngayon"
Sagot ng buwan
At bumalik kami sa paglalakad pauwi.

4 comments:

  1. Ako naman ang bago kong planner ang madalas kong sinasabihan ng ganap ko sa buhay. Bago pa lang sya dami nya na alam sa akin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa yan sa reason bakit ayoko ng planner/journal. Kasi madami siya malalaman.

      Delete
    2. hahaha so kaoag sobrang dami nyang nalaman pwede na sya itumba? charot!

      Delete
    3. HAHAHA. wag naman tumba. saktong itago lang. haha.

      Delete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...