Thursday, March 30, 2017

OKAY FINE, TAMA NA MUNA SA EMOTERANG POSTS

E kasi nga naman, bigay niyo na.

Kung hindi niyo alam (well malalaman niyo na kasi hindi naman ako nagpapapigil sa pagkwento), madami akong random written poems and echos sa iba't ibang lugar. Sa ilalim ng unan may notebook ako, sa work table, sa Notes ng phone ko, sa random resibo, sa likod ng random notebook, sa gitna ng sketchpad, and so on. Hindi ako nagpapapigil kung may maisip akong chenez. Kaya ibigay niyo na.

In relation to that, paminsan hindi din masaya. Kasi napopollute ang utak ko. Hindi kaya masaya na imbes tulog ko na lang e kelangan ko pa isulat ang random keme sa utak ko. Or hindi rin masaya na kelangan ko mag rethink at rewrite kasi kelangan ko pa ng metaphor over a metaphor para ako mismo hindi ko maalala kung bakit ko sinulat yun in the first place (wuht?).

Kaya again, ibigay niyo na.

Pero eto tayo, nagbabalik. Namiss ko lang ang randomness ng utak. Walang flow na parang kepayla kong 2nd day ang flow (TMI). Kelangan din maging random para hindi naman maging emotionally draining for me ang blog ko, charot.

EQ DIAPER.

Nope, not the actual diapers. Pero naisip niyo ba minsan kung bakit EQ ang tawag sa diaper na yan? And oo, ginoogle ko na. Wala. Walang sagot. Maliban sa mga review na nabasa ko na wag gamitin daw kasi naglileak ang mga sumpa sa gilid keme, wala akong nakuha ng meaning ng E at Q ng EQ diaper.
Pero sige, i-assume natin na Emotional Quotient ang meaning niyan. Iniisip ko kung may connection ba sa mga bata or sa diaper ang EQ per se. Well I guess, in a way, kung najebs ka nga naman in public at na shame ka, masisira ang EQ mo. So kelangan mo ng EQ diaper para hindi kamahumiliate publicly pag nag number 1 or 2. 

Pero sige, todo pa natin. Relate na natin sa Psychology which is number 1 criteria for judging ng EQ ay Self-awareness. So kung kilalang kilala mo na ang sarili mo daw, mataas ang EQ mo. Then Self-regulation, also known as Self-control. Dahil kilala mo na sarili mo, kaya mo pigilan or i-control sarili mo within realms of right and wrong with a pinch of conscience and stuff. Mataas daw EQ mo. So, kung aware ka na jejebs ka at nacontrol mo na maijebs sa diaper, mataas EQ mo. Hence, EQ diaper. Galing di ba.

Pero bakit nga ba tayo nagsasayang ng oras para sa EQ diaper topic? Ang ibig sabihin ko lang, mas maraming adult na dapat hanggang ngayon nag eEQ diaper pa din. Taas taasan naman ang EQ.

LIFE.

Putangina nitong movie na to as in. AS. IN. Taena niyong lahat. <Spoiler alert> Walang naiwan amputa. Wala. Tegibomb. Tegilyn Mercado. Tegi Halliwell. Tegisaurus Rex. Maliban sa galit sa starfish ang writer-creator ng movie na to, galit siya kay Ryan Reynolds. Iaassume ko na lang na napadaan si Ryan sa daan ng pinagshootingan at wala siyang magawa kaya sumali siya for 15 min sa movie. 

"Oi Rye! Busy ka? Sakto may extra kaming Astronaut costume, sali ka na! Lalagay ka namin una sa credits kay Jake promise!"

Is how I assume the conversation went. Accuracy 100%. Andun ako eh, chos.

Panuodin niyo to kung gusto niyo mainis sa buhay at mafrustrate at malungkot ng sabay sabay. Lumabas ako ng sinehan na emotionally comatosed. As in hindi ko alam ang feelings at ang concept nito. Kinailangan kong mag Ctrl+Alt+del via food and coffee.

INTERVIEW.

Naalala ko na bakit ako mediocre nung college. Mahirap kasi ang sobrang magaling. Pag magaling ka, mas madaming responsibility kasi nga challenge yourself daw. Alam namin na kaya mo blah blah. It will maximize your potential ika nga. Sinadya kong maging mediocre nung college maliban sa rebellious stage ay dahil ayokong mahirapan in general. Pero ha, modesty aside, kaya ko naman maging none mediocre. Vivid pa sa utak ko na everytime pabagsak na ang grades ko at kelangan ko ipasa ang last long exam, nahahighest ko naman para wag bumagsak. True enough, hindi naman ako bumagsak nung college. Pero point is, eto. May interview ako work related recently. Narealize ko lang na dahil kinarir ko ang career, mas nahihirapan ako. Tapos pag nakikita ko ang iba na more Youtube or more nganga sa work, nakakainggit. Parepareho naman kaming nasuswelduhan every month. Wala lang. Kalagitnaan ng interview, nag click ang switch ko sa utak na "AH, KAYA AKO MEDIOCRE DATI!"
Yun lang naman. Share ko lang. #adulting

Todo na yan. Next week ulit try ko.
-nyabach0i


Tuesday, March 21, 2017

11:12 PM - Recurrence

I have this recurring dream
A flying kite tied to a rock
Across a riverbend
And when the day turns to night
Untwinkling stars starts falling
One by one by one
As I whisper wishes on each one

I have been searching for meaning
Of each and every detail
All seems to give definition
Of wishes as far as the stars
And will never be true
As my kite slowly falls down
I whisper one last wish

-M


QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...