Parang nakakatawa na nangiinis ang Youtube minsan sa mga lecheng suggested videos niya. Okay fine, usually sa work, nakikinig lang ako ng Youtube songs/documentary/blabbers habang nagwowork. You know, life of an IT.
That particular day, itago natin sa like a day ago (also known as yesterday), habang nakikinig ako ng my choices of songs, biglang bumulaga sa akin ang:
And at that moment...
Napahinto ako.
Naalala ko yung mga panahon dati at ngayon. From 2004, 7, 8, 9, 2012 etc.. etc.
Nakakainis noh? May kanta talaga na powerful.
Pero mas nakakainis na hindi naman triggering ang kanta na to in general. Hindi mabagal. Hindi malungkot ang lyrics. Pero for some reason, natitrigger ako. May own meaning kasi ako? Ewan.
Naalala ko din na meron ako nito sa karag kong iPod tapos every time nahahagip sa shuffle playlist ninenext ko kasi ayoko matrigger.
Mas nakakainis na hindi ko fave na fave si kuya Dave Matthews at ang band niya. Maliban sa kanta na to at Crash Into Me. Pero ultimately, nakakainis na may chokehold powers to sa akin. Haaaay.
(Actually maraming kantang ganyan sa akin bilang ikeclaim ko na Audiophile ako, pero pagiisipan ko i-share. Kasi ayoko mag trigger party sa blog ko)
"The space between
What's wrong and right
Is where you'll find me hiding
Waiting for you"
Saksak puso, tulo ang dugo.
-nyabach0i
PS:
Whats up with politics lately?!
Asan na neck brace ni G