With no particular reason, bigla ko naisip ang mga ganap ko before. Eto ay dahil recently, nabigyan ako ng mahabang air time to think alone. Paminsan, delikado din yun. Pero anyway, ayun na nga.
Let us travel back in college. Naalala ko lang ang isang tao, itago natin sa pangalang "Brand X". Si Brand X, although close kami, may taglay talaga siyang power na napapaniwala akong hindi ko kaya ang mga bagay. Pero close kami ha. Reminder lang siya forevs na hindi ko kaya i-achieve ang mga bagay bagay. Lakas maka detractor.
Anyway, back in college nga, may vivid memory ako na gusto ko sumali sa weird prestigious artsy fartsy group. Sagot ni Brand X in heartbeat hindi ako makukuha dun. So hindi ako nagpasa. Sinabi ko na lang sa sarili ko na malabo akong kunin bilang hindi naman ako sobrang adik na creative and nonetheless, weird.
But, but.
Dumating ang second run ng application ng weird prestigious artsy fartsy group. Naalala ko ang weird feeling na parang kelangan mo gawin? Gets mo? So ginawa ko. And to top it all off, sumali ako sa category na hindi ko naman ginagawa --- ang bonggang bonggang Prose Writer.
Fast forward. Nakuha ako.
So bakit ko shineshare to. Habang nakatulala ako sa blank page ng notebook, every time nakakaexperience ako ng writers block or anything creative things na hindi ko matuloy, iniisip ko si Brand X at kung paano niya sabihin na hindi ko kaya. Then I make sure I make kaya. HAHA labo. Magugulat na lang ako, kaya ko.
So, kaya ko at kaya mo.
Wag maniwala sa mga Brand X.
Asan na si Brand X? Hindi na kami close. Nawala na siya sa phone list ko.
Napalitan na siya ng listahan ng mga tao who push and inspire me (NUKUNUH!)
Sabi niya ni Ateng Taylor, Shake It Off.
Hindi man ako naging writer or creative chuchu, but still, in your face Brand X.
-nyabach0i