Thursday, January 21, 2016

The VERSATILE BLOGGER AWARD 2016 CHENEZ CHENEZ

Ayun na nga...

Ninakaw ko to sa post ni Anonymou Beki

In fairness sa Versatile Blogger Award! In fairness! 

Kinilig lahat ng bilbil na meron ako at narerevalidate ang fact na in a way, may nagbabasa pala ng blog ko. Ako mismo hindi ako bilib sa blog ko. Escape goat ko lang eto kung gusto ko i-stop ang mga kaartehan ko sa buhay. To think na muntik ko na burahin tong blog na to before before. So thank you kay Jep at Anonymous Beki. Pero mas deserve niyong dalawang ang award kasi hindi ako versa. Haha. But seriously. But thank you. But yes. But but but.

Sidenote: Niresearch ko ang mga posts ko kasi may recollection ako na may same same na ganitong award award na uso. Only to find out ang Liebster chenez. And yes, nagshare din tayo dun ng mga about me natin. Sabi na eh. Chos!

At based sa mga basa ko ng posts nilang dalawa, parang kelangan mo magshare ng 7 random facts about you and magnominate ng mga blogger na iba pa. Tapos 15 na i-tatag mong ibang blogger? Shet kayo andami nun. Tatry ko ang 7 random chenez ha. Bilang list to at fan ako ng lists, pupush ko yan. Pressure Lara Quigaman! Tatry ko. Try lang naman. Pwede ko naman siguro charutin lahat ng lalagay ko noh? Chos.

7 RANDOM CHUVAHEYHEY:

1. Matagal na akong blogger. Same blog name, same blog link and all that inarte. Mga early 2000 buhay na ang blog ko. Uso pa nun blogspot at livejournal. Medyo marami na rin akong blog friends nun. Anyareh? Nung 2011 ata or early 2012, binura ko dahil sa life events ko nung mga panahunan na yun. And yes, nagsisi ako ng malaley. Wala tuloy akong ibabackread na mas matagal :(

2. Mahilig ako magself study ng mga bagay bagay. Sabi nga nila Beyonce, "All the women who are independent. Throw your hands up at me." #idol #queenB #destinyschild. For example, musical instruments, microsoft excel, latin words, basic carpentry, pole dancing, etc... HAHAHA. Charoz sa carpentry at pole dancing.

3. Willing ako gumastos sa good food.

4. Malalim boses ko than a normal merlat. Like lalake levels. 

5. In line with number 4, kaya ko i-rap ang rap part ng Breakdown ni Mariah Carey. Break break dooooown steady breakin' me on doooown. Somewhat memorize ko pa siya. Tinry ko just now. Nawirduhan katabi ko.

6. Madami akong weird pet peeves. I will expound on this in a future post.

7. Metaphor is love, poetry is life.

So ayan na ang pito. Sana may natutunan kayo sa akin. Well kung wala, edi wala. Wag kayong magemote. Ay eto na nga pala ang tag part noh? Well wala akong 15 na itatag. Kasi may gut feel ako na eventually magfufull circle at matatag natin lahat ng active sa blogger na naiiwan. Char! But but buttt.

I tag Asyang.

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Saturday, January 9, 2016

GREAT THING

Nov 17, 2015
7:17am

Today, you learned that you are meant for great things.
Someone told you that you can be rich with what you innately have.
So what do you have?

You have a huge influx of sadness which you assume will be with you forever.
This high level of pessimism that overtakes all the decisions and beliefs.
Overprotected feelings over people that you never admit.
Hatred towards people who hurt you inside and out.
And this sense of creativity that you leverage by being influenced by the other four.


Yes, you are meant for great things.
You learn what the floor tastes like and never forget when you touch the sky.
You write heartaches and soundless songs which other people sings in different wordless tunes.
You draw things that you cannot not see and let other people see other things.
You are creative.
You are a great thing.

:(

Sunday, January 3, 2016

Happy New Year And All That Kemekeme

So pano ba yan. Tumawid na naman ng Gregorian calendar.
Looking back... charoz. Hahahaha. Literal na natawa ako nung tinype ko ang looking back.

Sidenote: Ayoko na pala magpost about MissU. Naumay ako ng malaley. Gravity ang post ng mga bakla sa fezbuk. At narealize ko rin na marami akong baklang friends. Yey to baklaness.

Kelangan ko magpost ng HNY chenez bago pa matapos ang 1st week. Nakakahiya naman. Pati year end chenez prinocrastinate ko. See what I did sa word?



O ayan. Screenshot na patunay na inabangan ko ang 2016. Sabi ko magpopost ako ng saktong 2016 blog post but naderail ako sa pretzels at wine. Nakaubos kami ng kapatid ko ng dalawang bote ng wine at isang malaking balot ng pretzel. Yup, kaming dalawa lang gising. Humabol naman nanay ko but then again bilang powered by senior card yun, may discount siya at 20% lang siyang gising at natulog din after one glass of wine.

So happy new year.

2015 wasn't so bad. It was definitely better than 2014. May mga kulang, may mga could have done better mode. Pero nonetheless, better. Hindi na ako naniniwala sa resolutions kasi ayoko ng thought na may kelangan akong iresolve sa sarili ko. Feeling ko "problema" ako in a way so no to resolutions. Why not, promises? Odibah ang landeh ng promises?

I promise to walk more.
I promise to use uber less.
I promise to at least have my credit card stagnant at walang charges for like a good month.
I promise to read more books.
I promise to use less social media (except Instagram, bigay niyo na sa akin yun pakshet)
I promise to write more.
I promise to draw more.
I promise to play video games more.
I promise to be happier.
I promise to be a better person.
I promise to open my mind more.
I promise to listen to my emotions.
I promise to keep promises.

A part of me medyo narealize na yan naman palagi kong sinasabi year by year. E baket? For the better naman ah! Pero promise, benta tong 2015. Imaginin mo ha, from Aldub to Wharton degree to APEC to traffic to Pia Worcestershire to Laglag Bala and so on and so forth. I mean marami akong pwedeng lagay on a very personal level pero wag na. No to dear diary-ish.

Anyway, yes aware ako na walang sense ang post na to.
Gusto ko lang naman mag Happy New Year sa blog ko.
Muntik ko na nga gawing WordArt lang ang Happy New Year at ilagay dito. Kaso baduy naman.
Osha, 2016 na.
Baboo.
-nyabach0i




QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...