... magpopost ako ng blog! Yeheyyy!
Baduy amputa.
At tutal, wala na rin naman sa katinuan ang trail of thoughts ko, pipilitin nating magpost ng kung anuano. Ayoko rin naman kasi magshare ng buhay. Hindi naman dahil sa paimportante ako, kundi dahil tinatamad ako. Wala rin akong balak magpost ala diary mode, kasi mawawalan ng saysay ang totoong diary ko (oo may diary ako, hayknowwrightt?!). Grabe noh, aabot ka talaga sa point na parang puro hangin lang ang laman ng utak mo. Kung makapressure naman ako sa sarili ko akala mo graded ang pagpopost na to. CHE! Hahaha. Ayoko kasi yung feeling na malaki ang gap ng dates sa mga post ko eh. Feeling ko irresponsable ako. WOW. Siguro oc-oc lang talaga ako. Ayoko ng malupit na eye sore.
Ayan. Para hindi mukhang plain ang post na to, naglagay ako ng plain na heart picture. Very basic. HAHA. No, hindi natin paguusapan ang lovelife. Although, mostly ng blogs na patok kelangan matackle ang lovelife topic. Regardless kung masayang lovelife or ang pinaka favorite ng lahat ang bitter bitteran na lovelife. HAHA. Pero deadma. Wala akong pake sa lovelife eh. Malakas ang kutob ko na tatanda ako magisa. Shet sayang ang ganda ko promise. HAHAHAHAHA.
Uyyy in fairness ha, mega lamig ngayon. Naalala ko dati, pinaguusapan namin ng roommate ko yung utong. Tutal malamig ngayon, share ko na rin. Di ba ang utong tumitigas pag malamig. Hindi ko alam kung anong meron nung araw na yun, pero bigla na lang namin napagusapan. Sa umaga ba, or everytime na naliligo ka, nafifeel mo ba or nakikita ang transition ng utong from non-matigas to matigas pagkabuhos mo ng isang tabong tubig sa ulo mo? Ayon kasi sa survey na ginawa namin, tumitigas ang utong pagkabuhos ng isang tabong tubog sa ulo (or kahit sa paa pa raw). So ang ultimate question ko, nafifeel niyo ba? Or nakikita? SO sa susunod na ligo niyo, abangan niyo na yung mga utong niyo.
Gusto ko ulit magpatattoo. Kaso, ang problema ko, hindi ko alam kung saan. Ayoko kasi sa part ng katawan na nakikita kaagad. Ayoko rin naman ng tramp stamp. Or sa balikat. Pero promise, ipoproject ko to. Magpapatattoo ulit ako. Sa utong. JOKE.
Kanina, umuwi akong najejebs. Paminsan tong jebs na to nananadya eh. Syempre alam mo na nga sa sarili mong jebs na jebs ka di ba. Tapos pag malapit ka na sa bahay niyo, kahit sa may guard house pa lang ng village niyo, grabe magpapansin ng sobra ang jebs niyo. I sweeearrr! Extra hilab ng tiyan! Tapos pagdating niyo sa gate niyo, hindi na kayo magkanda gulapay sa pag bukas ng gate at pinto. Tapos promise, lahat ng gamit na hawak niyo, suot niyong damit, nasa sahig! Tapos promise pag upo niyo sa toilet bowl, nakapikit ka. Di ba? Wag na magmalinis, lahat tayo nafifeel yan.
Isa sa pinakamagandang panlalait na narinig ko for the month of July, "Grabe, parang may lupa yung kilikili niya!" Pertaining sa baklang maitim ang kilikili. Wow, may lupa talaga. Pwedeng araruhin.
Hate word of the month - Amilyar. "Nakabayad ka na ba ng amilyar?" A-M-I-L-Y-A-R. Nakakairitang word. Magsama sila ng word na "ala-alakan". GRRRRRR.
Yun lang. Baboo.
-nyabach0i