Parang nakakatawa na nangiinis ang Youtube minsan sa mga lecheng suggested videos niya. Okay fine, usually sa work, nakikinig lang ako ng Youtube songs/documentary/blabbers habang nagwowork. You know, life of an IT.
That particular day, itago natin sa like a day ago (also known as yesterday), habang nakikinig ako ng my choices of songs, biglang bumulaga sa akin ang:
And at that moment...
Napahinto ako.
Naalala ko yung mga panahon dati at ngayon. From 2004, 7, 8, 9, 2012 etc.. etc.
Nakakainis noh? May kanta talaga na powerful.
Pero mas nakakainis na hindi naman triggering ang kanta na to in general. Hindi mabagal. Hindi malungkot ang lyrics. Pero for some reason, natitrigger ako. May own meaning kasi ako? Ewan.
Naalala ko din na meron ako nito sa karag kong iPod tapos every time nahahagip sa shuffle playlist ninenext ko kasi ayoko matrigger.
Mas nakakainis na hindi ko fave na fave si kuya Dave Matthews at ang band niya. Maliban sa kanta na to at Crash Into Me. Pero ultimately, nakakainis na may chokehold powers to sa akin. Haaaay.
(Actually maraming kantang ganyan sa akin bilang ikeclaim ko na Audiophile ako, pero pagiisipan ko i-share. Kasi ayoko mag trigger party sa blog ko)
"The space between
What's wrong and right
Is where you'll find me hiding
Waiting for you"
Saksak puso, tulo ang dugo.
-nyabach0i
PS:
Whats up with politics lately?!
Asan na neck brace ni G
May some overnight fieldtrip thing before back in college.
Naalala ko pa na karag na phone ang gamit ko nun.
3210? Or yung parang Safeguard.
Anyway, naalala ko din na wala pang Sun Cellular nun. Panahon
din yun ng drop calls. Yung first 5 sec per call walang bayad.
“San ka na?”
“Dito”
Mga ganyang conversation tapos walang bayad.
Naalala ko din na mahal ang text nun. Hindi pa uso unli
text. Literal na piso pa ang text. Literal na card lang mabibili mo pang load.
Uso pa nun 1515 na call para malaman mo magkano load mo. Wala pang Autoload Max
nun or whatever. At ang denomination lang ng load ay 300, 500, at 1000.
So going back to the overnight fieldtrip…
Overnight nga di ba. Usually, natutulog ako na may cellphone
sa ilalim ng unan. This certain person, naitatago natin sa pangalang Brand X,
ay katabi ko.
To cut the story short, pag gising ko, PUK locked na ang
phone ko.
Why? I don’t know. How? I don’t know too.
After ng overnight, hindi na kami masyado nagusap ni Brand
X.
Lesson: Wag mangealam ng gamit. Kung gusto mo magbasa ng
phone ng ibang tao, hiramin mo. Papabasa ko naman.
Shinare ko lang. Kelangan ko na kasi burahin sa memory mind
bank ko eh.
Anakngtokwatbaboy, shutangina bes napakabusy ko! Az in. (Hindi pa ba tayo nasanay?)
But anyway...
Dear, Y.
Pano ba yan, November na. Alam ko pinangako mo parang last last week na hindi mo kakalimutan pero kinalimutan mo pa rin leche ka. Ano ba naman ang 7 days late. Pero deadma. Aarte pa ba ako? Buti nga nagkatime eh. Pero sige. Eto na naman tayo.
In fairness, pag iniisip ko compared last year, hindi ko magauge kung ano ang difference. Parang prolonged 2015 lang ba now? Pero alam ko sasabihin mo, at oo, di hamak na napaka layo sa 2012! Ano ba.
Gusto ko lang gawan ka ng letter to answer at remind you ng mga bagay bagay na tinatanong mo sa akin before ka matulog. Baliw ka kasi. Ako mismo pucha naguguluhan sayo. Pero sabi ko nga, aarte pa ba ako? At everytime naiisip mo ang mga kabaliwan mo, eto, listahan. Kelangan mo maalala na may listahan ka ng pampahappy:
Ang Sushi
Ang Bacon
Ang Coco Curry
Ang mga gawa ni Damien Rice
Mga Libro na Gusto Mo
Mga Graphic Novel na Gusto Mo
Mga Gawa ni Neil Gaiman
Ang Poetry ni Sarah Kay
Si Anthony Bourdain
Mga Aso
Mga Composition ni Nobuo Uematsu
Si Hideo Kojima at ang Metal Gear Solid
Ang Youtube
Si Natalie Tran
Si Liza Koshy
Sina Rose and Rosie
Sina Simon and Martina
Ang Matulog
Ang Long Walks
Ang Uminom ng Tubig
Ang 9gag
Ang Magdrawing
PERA
Ang Sabihan ng Thank You
Ang Kape
Ang Pillows and Cotton Sheets
Ang Nature
Ang Aurora
Ang Indigo Skies
Ang Magtravel
AND
Ang Magsulat
Okay fine. Hindi lahat yan super nakakapagpahappy sayo. At okay fine, hindi lang 31. Alam kong mas marami pa at meron ibang hindi natin pwede pareho i-disclose. At meron mga totoong deep deep echos. Pero anyway. Point is, yang mga nasa taas, can keep your mind from wandering and wondering. And oo, wag mo na i-point out na kulang. Like bakit walang family and friends, ibang singers or whatever. Inisip ko lang yan within 5 min.
And oo, aware din ako na mostly ng nasa listahan pampatrigger. Pero ganun eh. Labo mo eh.
But in all honesty, you deserve all 31 and more. We both may have differences.. I may not understand you at times... Sometimes I want to give up on you. Pero ganun talaga. I push, you pull. Ganun tayo di ba? Kaya mo yan.
WE WILL STILL BE USING CAPSLOCK FOR MAXIMUM EFFECT.
MAXIMUM. EFFECT.
PAKAK.
IT WAS SUPPOSED TO BE A VERY VERY ANTICIPATED EXCITING MAKAPIGIL IHI MOMENT. ANG TICKET NAMIN AY PURCHASED SA SALIW PA ATA NG SUMMER HEAT PARA SA BAGYO TIMES NA CONCERT. GANUN KATAGAL, GANUN KAEXCITED. NAGAANNOUNCE PA LANG PALA, LIKE WALA PANG SELLING NG TICKETS, MEGA ABANG NA KAMI. WELL FINE, HINDI AKO 100% FAN, MGA 80% (WHICH IS TO COMPARE SA EXAMS, 80% AY ANG SCORE NA PINAGMAMALAKI MO NA SA PARENTS MO. MAY BUFFET NA SILANG LIBRE SAYO SA WEEKEND). BUT, ANG KASAMA KONG NAGAABANG NG TICKET SALE AY 115% FAN (AND AGAIN TO COMPARE SA EXAMS, AY ANG ADIK NA PATI BONUS POINTS PERFECT).
KELANGAN KO LANG I-ESTABLISH ANG EMOTIONS INVOLVED.
SO ETO NA NGA.
DUMATING NA ANG MOMENT OF TRUTH.
FINALLY, RESERVED SEATING. NO NEED TO MAKE PILA PILA OUTSIDE HOPING TO RUN AND MAKIPAGAGAWAN. NO. GUMASTOS KAMI FOR A GOOD SEAT.
FOUND THE SEATS, SEATED, SEATED BESIDE THIS ATE NA NAKA HOSPITAL MASK. YOU KNOW, ONE OF THOSE PAG OPERA SLASH YUNG MGA SINUSUOT NG MAY LEUKEMIA SA TV.
YOU KNOW, YUNG MGA GANITO:
OKAY, FINE. SO DEADMA. NOTHING SPECIAL. SA MUNDO NG KAHIT KONTENG MEDICAL BACKGROUND, INISIP KO NA LANG NA BAKA MAY SAKIT (LEUKEMIA SABI NG TV) SI ATE AND AYAW NIYA MAMISS ANG CONCERT.
SO WHILE CONTAINING EMOTIONS AND PURCHASING OVER-PRICED CONCERT GLOW STICKS, SI ATE AY MEGA DALDAL SA CELLPHONE. KESYO MAY HIKA DAW SIYA. KESYO HINDI DAW SIYA YUNG NAKA RED. KESYO NAKITA DAW NIYA SI ATE WHOEVER. KESYO MAY INSTRUCTIONS SA ON MY WAY HOME SONG (WHICH IS SO LAST YEAR BTW). AND AFTER THAT CELLPHONE CONVERSATION, ATENG NAKA HOSPITAL MASK TURNED TO ME AND SAID,
"ATE ALAM NIYO NA BA?"
BOOM.
YUNG DUGO KO SA PAA UMAKYAT NA SA ULO AND ANSWERED BACK:
"KAYA NIYO NA YAN."
IF THERE IS ONE THING, I AM NOT A FAN OF TALKING TO STRANGERS. ESPECIALLY TALKING TO STRANGERS WITHOUT AN INTRODUCTION AND ASSUMING CONVERSATIONS. ATENG NAKA HOSPITAL MASK, WE ARE NOT CLOSE. LET US CALL THIS STRIKE #1.
SO CONCERT TIME NA WHICH IS GREAT BUT TURNED GOOD. KASI TONG SI SHUTANGINANG ATENG NAKA HOSPITAL MASK HAS A SCREECHING HIGH PITCH HIYAW VOICE.
PARANG GANITO:
SO DAHIL ACAPELLA GROUP SILA, EDI NAWALAN NG SAYSAY. HINDI NA NAMIN NAENJOY MUCH.
OKAY HOLD UP, BAKA INIISIP NIYO MASELAN AKO. NO. MAY PROOF AKO. ANG MGA NAKASURROUND NA TAO, LIKE KAMING NASA LEFT NIYA, NASA RIGHT, IN FRONT, BEHIND, DIAGONAL, GALIT SA KANYA. SO NO, HINDI AKO MASELAN.
WE WILL CALL SCREECHING BIRD SOUND STRIKE #2.
SO AFTER DEAFENING MY RIGHT EAR AT MAPIKON NG CIRCUMFERENCE OF PEOPLE, PINAKYAW NIYA PA AT PUT IT UP A NOTCH. TUMATAYO SIYA AT HINAHAMPAS ANG GLOW STICKS NA HAWAK NIYA. NOPE, NOT SWAYING. ATENG NAKA HOSPITAL MASK AY USING THE GLOW STICKS LIKE A CAR WIPER NA KALA MO BAGYO NA ZERO VISIBILITY. YES, THAT FAST. YES, THAT MUCH FORCE. YES, TINAMAAN AKO. YES, TINAMAAN DIN ANG KAHARAP NIYA.
This is to prove na nasa concert talaga ako, HAHA
SPEAKING OF KAHARAP NIYA, ANG KAHARAP NIYA AY MAGJOWANG FILCHI. SI BF AY PARANG NAPILITAN LANG NA WALANG IDEA KUNG SINO MAGCOCONCERT. SI GF AY TRUE FAN (ARMED WITH CAMERA AND VIDEO RECORDING IDEAS). SO HABANG NAGPAPAKA BUWITRE SI ATENG NAKAHOSPITAL MASK AND WIPER, TINATAMAAN NIYA ANG BUNBUNAN NI BF. MULTIPLE TIMES. APART FROM THAT, HINDI MAKARECORD SI GF NG VIDEO KASI BOSES BUWITRE LANG MARIRINIG NIYA. NAPIKON SI GF. HUMARAP KAY ATENG NAKAHOSPITAL MASK SABAY SABI:
"DUN KA NA LANG KAYA?!" - WHILE NAGTUTURO SA AREA NA MORE STANDING FANS IN FRONT.
DEADMA SI ATENG NAKA HOSPITAL MASK.
AND ENDING, SI GF AT BF ANG LUMIPAT. SA CLOSER SLASH PHOTOGRAPHER AREA. PALIPAT NA RIN SANA KAMI KASO NAGKUSA SI ATENG NAKA HOSPITAL MASK NA LUMIPAT SA DATING PWESTO NILA FILCHI BF GF.
BOO YOU ATENG NAKAHOSPITAL MASK, BOO YOU.
MARAMING KAMING THEORY ABOUT KUNG PANO NAKASALISI SI ATENG NAKA HOSPITAL MASK SA AREA NAMIN:
1. NAPANALUNAN NIYA ANG TICKET NIYA SA RAFFLE. KASI ANG MGA KAKILALA NIYA AY NASA SLIGHT FARTHER SEATS.
2. ADMIN SIYA NG MEGA FAN CLUB NG PENTATONIX HENCE THE SOME WEIRD PRIVILEGE WHATEVER.
3. NAGIPON SIYA MGA 2 YEARS AGO PA.
OO NA HARSH NA. PERO KASI OUT OF PLACE SIYA SA KINAUUPUAN NIYA. EITHER MEGA CONYO OR SAKTONG PROPER DECORUM LANG. OH WELL. KELANGAN KO LANG I-SHARE TO KASI KELANGAN KO MAGING LIFE GOAL ANG HUNTINGIN SI ATENG NAKA HOSPITAL MASK AT SOME POINT. OR PWEDE KAMI MAGTUOS NG ROUND 2 PAGBALIK NG PENTATONIX NEXT YEAR SA PINAS.
YOU MIGHT BE WONDERING, HAS ATENG NAKA HOSPITAL MASK BEEN WEARING THE MASK THE WHOLE TIME? NO. AT SOME POINT NUNG START NG CONCERT NALAGLAG NA SIYA WHICH AFTER THE CONCERT HINANAP NIYA SA FLOOR AT TINANONG PA NIYA AKO. I WAS READY TO PUNCH YOU SO BAD ATE, I WAS. THIS IS STRIKE #3.
CHAROZ.
WORLD PEACE LANG TAYO ANO BA.
ANO ANG MORAL NG STORY? OBSERVE PROPER DECORUM SA PUBLIC PLACE.
Actually, matagal na tong naka-save sa draft ko. Ang title na HELLER SEPTEMBER. Ang ending, hindi ako nagpost ng anything nung Sept 01. Yey katamaran.
Pero dahil eto na nga at kelangan natin i-welcome ang September, madami akong topic sa utak ko simula Sept 1 until now na sabi ko, "ah bo-blog ko to" but never happened. Well kasi naman, madaming nangyari recently in ALL aspects. HAHA, MAKA CAPSLOCK! E BAKIT LIBRE NAMAN EH?!
ALL LIKE POLITICS, SOCIAL, SHOWBIZ. HAHAHA. PERO PWEDE, PAGUSAPAN NATIN KONTE ANG POLITICS? ANG NACONCLUDE KO LANG SA MGA NANGYAYARI SA POLITICS AY ETO: SI DUTERTE AY PARANG TAXI DRIVER NA MADALDAL NA KAKAUSAPIN KA NG RANDOM ABOUT CONSPIRACY THEORY AT MARAMING ASIM SA BUHAY NA MASHESHARE SAYO.
SANA ONE DAY, MATUTUNAN NILA ANG TERM NA DIPLOMACY.
PERO ANG TANONG KO, ASAN NA ANG NECKBRACE NI ATENG GLORIA?
FOLLOW UP SA QUESTION NA YAN, ASAN SI KUMARS MIRIAM?
PERO BAGO KO TAPUSIN TONG POST NA TO, GUSTO KO I-SHARE TONG POEM NA TO. JUST A QUICK FYI, KUNG ANG PRONUNCIATION MO NG WORD NA "POEM" AY POYM OR POW-WEHM, WE CANNOT BE FRIENDS. I VALUE POEM SO MUCH AND THAT IT MAKES 80% OF MY LIFE. #ARTE
BUT ANYWAYS, THIS IS ONE OF MY FAVES. WALA LANG. LAM NIYO NA, DIPLOMACY AND SHIZ.
"DEAR DENNIS, I STILL THINK OF YOU, DEAR DENNIS." :(
With no particular reason, bigla ko naisip ang mga ganap ko before. Eto ay dahil recently, nabigyan ako ng mahabang air time to think alone. Paminsan, delikado din yun. Pero anyway, ayun na nga.
Let us travel back in college. Naalala ko lang ang isang tao, itago natin sa pangalang "Brand X". Si Brand X, although close kami, may taglay talaga siyang power na napapaniwala akong hindi ko kaya ang mga bagay. Pero close kami ha. Reminder lang siya forevs na hindi ko kaya i-achieve ang mga bagay bagay. Lakas maka detractor.
Anyway, back in college nga, may vivid memory ako na gusto ko sumali sa weird prestigious artsy fartsy group. Sagot ni Brand X in heartbeat hindi ako makukuha dun. So hindi ako nagpasa. Sinabi ko na lang sa sarili ko na malabo akong kunin bilang hindi naman ako sobrang adik na creative and nonetheless, weird.
But, but.
Dumating ang second run ng application ng weird prestigious artsy fartsy group. Naalala ko ang weird feeling na parang kelangan mo gawin? Gets mo? So ginawa ko. And to top it all off, sumali ako sa category na hindi ko naman ginagawa --- ang bonggang bonggang Prose Writer.
Fast forward. Nakuha ako.
So bakit ko shineshare to. Habang nakatulala ako sa blank page ng notebook, every time nakakaexperience ako ng writers block or anything creative things na hindi ko matuloy, iniisip ko si Brand X at kung paano niya sabihin na hindi ko kaya. Then I make sure I make kaya. HAHA labo. Magugulat na lang ako, kaya ko.
So, kaya ko at kaya mo.
Wag maniwala sa mga Brand X.
Asan na si Brand X? Hindi na kami close. Nawala na siya sa phone list ko.
Napalitan na siya ng listahan ng mga tao who push and inspire me (NUKUNUH!)
Sabi niya ni Ateng Taylor, Shake It Off.
Hindi man ako naging writer or creative chuchu, but still, in your face Brand X.
Wrap lang ng emotions and stuff happened. Lam mo na, mga ganyang 10 min blog post lang. Bilang gusto ko ng ibang tinitignan na non-work.
So.
Etong lecheng tuhod ko nagdecide siyang bumigay. Una right knee lang. Matagal ko na to nafeel pero ako kasi yung type na mataas ang pain tolerance (or slightly keri lang ang physical pain due to many events, haha). Dineadma ko. So dahil nag over compensate "daw" ang left knee ko, pareho na sila masakit. One Monday, narandom isip ko, why not gamitin ang HMO card at magpatingin. So eto, may punit daw somewhere like a very athletic person. I-R-O-N-Y. DO not ask me what happened sa tuhod ko. Basta nangyari.
Tapos.
May mga times talaga na nakakatawa at nakaawa na nagseself trigger ka ng bagay bagay. Wala lang. Narealize ko lang. May specific kasi akong Tumblr hashtags? discussions? tags? kung ano man ang tawag sa thing ng Tumblr na finafollow para lang magself trigger. Wala lang.
Paminsan.
Nagpoprogress siya to Youtube para mas matrigger ako. Hindi ko rin gets paminsan. AT hindi niyo rin gets to. Lets leave it at Porn. Yes, Porn ang nagpapatrigger sa akin. Sorry.
Which.
Dapat itigil ko na kasi hindi nakakabuti sa tao ang Porn. #notoporn
And.
To end this short blog post, dagdag ko din ang I think tao ka lang when you feel frustrated over something. Well, pwede mo siyang gawing leverage para i-push ang sarili mo. Wala lang. Naisip ko lang na madami akong pwedeng ibigay, an arm, a knee (lol, reference), both knees or what have you. Then hindi pa rin enough. OR you do not know if its enough. Wala lang ulit. Reference back, this is maybe why I watch #notoporn. Pero, pero, pero, we will make this as a leverage. One day, I WILL give my knee (or both) and maybe an arm. Or even my writing hand.
No. This is not a movie review or movie spoilers kemekeme. Eto ay kwento ni Tito Adam. Si Tito Adam at ang dalawang conyo niyang pamangkin.
Let me give a pasweet na introduction: Me and a favorite person (or favorite person and I kung maarte kayo sa grammar) always makes it a point to do a pakyawan ng movies. Kung drugs or clubbing sa inyo, bigay niyo na ang movies. Last week, naipasok sa banga ang Finding Dory.
So ayun na nga. Usually, ang binibili namin na ticket ay aisle kasi ang pantog ng kasama ko ay close to none. Kahit laway lang ang drinks, sure required maihi. Sometimes iniisip ko, may attendance sa cinema CRs or mini portal going to a different place or time stop then hindi lang natin napapansin kasi nga nastop niya ang time or whatevs (ok enough ADHD mode).
So ayun na nga ulit. Pagpasok sa sinehan, may lalakeng nakatayo sa harap ng dalawang bagets na super english, "What do you want?". Siya si Tito Adam. Kaharap niya ay ang dalawang bagets na girl at boy. Super sigaw ng mga gusto nila ng popcorn or whatevs. Sabi ko sa sarili ko, pag katabi ko sila maglalaslas ako right then and there.
SO yes, katabi ko sila. The kids to be exact. Sabi ko, shet, wala akong blade pano ako maglalaslas? This is going to be a fun movie experience!
Lo and behold, napakadaldal nila. Sa preview ng mga coming soon na movies, walang ginawa ang girl na bata kundi sabihin na "THIS ISN'T FINDING DORY!" every 5 minutes. Ok fine exagged ang 5, lets make it 10. Then nagunaw ang mundo ko nung bumalik si Tito Adam from his snacks run. Umupo siya sa different seat rows than the kids. Sa rows in front of us. Tito Adam why do you have to do this to us? To me? Why buy tickets with kids na hiwalay ka?!? WHHHHYYYYYY??? Btw, hindi pa din tapos i-point out nung batang babae na hindi pa rin finding dory ang pinapalabas. Hanggang sa sitahin siya ni Tito Adam sabay bato ng popcorn kernel at hamon na lalabas silang lahat pag hindi siya tumigil.
Then sabi ko sa katabi ko, "Pag hindi napuno ang sinehan, lilipat tayo!"
But no. PUNUAN.
NYETAKELS.
So nagstart na si Finding Dory. Yes, naipoint out din na nagstart na sabi nung bagets.
Habang sa course ng movie, yung bagets na babae nakaupo sa arm rest not the seat mismo. So nagmistulang 7'3" siya na lalake sa taas. Sinita na siya ng kalikod niyang babae na "Seat properly please". Umupo naman siya. Pero after a few minutes babalik siya. Then sisitahin siya nung bagets na lalake na "Seat properly someone can't see!". Naka tatlong ganun sila.
You might think wala akong reklamo kay bagets na lalake. Nope. Meron. Buong movie nakataas leg niya sa arm rest side ko so dama ko ang shoes niya. Pero ok na yun. Napatawad ko na siya. Kesa naman katabi ko yung bagets na babae baka makasuhan ako ng something. Charoz lang anubah.
But yes, maganda ang Finding Dory. Natune out ko naman thanks to Ellen Degeneres at ang whales.
Sometimes
I would stare at my hand
And be very sad
Close my eyes
Until sleep would come
Wondering about how
My hand would touch
To none
And how none makes
Things sad
Sometimes
Playing with everytime
Maniniwala ba kayo pag sinabi mid year na? Start counting.
Bilis noh.
Kasama ng bilis ng oras na yan, if you turn back, marami kang narealize. Na in years past, hindi mo pa narerealize. Like what I said, "I am the student of the Universe" - nyabach0i | 2016
Anyway, going back.
Ayun na nga.
At this day and age, marami ka talagang maiisip. Sa tulad ko pang favorite ang magisip. Paminsan mapapaisip ka lang, paminsan magtitrigger ng mga bagay bagay, paminsan mapapa "huh, so yun nga yun?". See how fun the brain works? Bonggels.
So, I'll share some that is shareable. And also, to remind myself din. But of course, secret lang natin to. And another of course, in countdown form.
1. Game of Thrones
Yeah, yeah. Late na ako sa ganap na to. Very, very late. Okay fine maganda nga. Wala naman akong sinabing hindi. Pero kasi, hindi ko na talaga pinapanuod ang overly hyped series. Kasi naiinis ako sa clashing of opinions. At sa mga metaphorical scenes unnoticed. Ergo, maarte lang ako.
Back to GoT, kung may narealize man ako diyan ay, buti na lang hindi ako buhay sa mga panahon na yan. Or sa lumang panahon na ang tingin lang sa mga babae ay pakangkang, taga linis ng bahay, at taga gawa ng anak. No. E.K.I. S. Women empowerment. No to rape. No to human rights violation. No to sexism. Yes to woman of power *snap snap*
Favorite character so far? Arya Stark. Woman (or bata) of power siya.
1.1 Realization In Relation
Bet ko ng raven nila. Kaya ng real time message transference. Kung pano nila natetrain. Don't ask.
2. Dumi
Hanggang kelan mo kaya itago ang basura niyo sa bahay? Bawat village, may twice or once a week basura collection. Pero, kung itatago mo? Mga gaano katagal? 1 month? 2? Okay fine, madali kung may sentimental value. Like balot ng bubble gum na kinain mo nung first date mo chuchu. Kaya mo itago sa loob ng isang libro di ba? Makakalimutan mo. Tapos one day makikita mo then boom! Basura ulit. Pero another question, why keep the basura? Why keep it? Dahil may old value? Ganun ba yun? Or is it because, an item will eventually turn a basura? Or alam mong basura siya to begin with? Or is it collector ka ng basura? You love basura so much. The filth. Oh well. Sabi nga nila. Cleanliness is the next to godliness.
3. Confort Zone
Pero totoo nga ba? Na you have to go out of your comfort zone to grow? Kung gagamitin ang analogy ng mga halaman, kung inuproot mo ang halaman sa paso, then tinanim mo sa ibang lugar, dalawa lang yan. Tutubo or mamamatay. But can you choose?
Kung may narealize man ako about that, you can chose to take the risk. And hope that you learned all the things to keep yourself alive. Di ba? Di baaa? Di baaaaaaa?
4. Trigger Warning - Neil Gaiman
Nyeta ka Mr. Gaiman. Nareiterate lang ang galing mo magsulat. Edi ikaw na. I chose to be just like you when I grow up. Charots.
5. THIS HITTING VERY CLOSE TO HOME
We all carry scars. People only see what they can see. Not knowing how deep. Or how long did it take to heal. Or has it even heal? So when people around you starts comparing explaining scars, whether it was self induced or scarred by another person, in your mind you know.
You know how it feel. When explanations start lashing you again. Again. Over and over. But they don't You go home only realizing you have the same scar again.
So so SOOO much things happened. Devah?? I mean pwede ako mag enumerate ng bagay bagay. Madami! Mga 9 kilos. Pero let us save that for multiple intermittent blog posts. Bigyan niyo ako ng chance please. Kokonti na nga lang tayong blogger, hindi pa ba natin bibigyan ng chance ang isa't isa?
Okay moving on.
SO, yes, Dunkin Donuts Story.
Kelangan ko ng kape na everyday. Tinatry ko paminsan na wala. Either nagkakamigraine ako or iritable ako. Nakakainis kasi parang nung bata pa ako or around the inarteng adolescent stage, sabi ko sa sarili ko na hindi ako maadik sa kape. May moment sa buhay ko before na hindi ko gusto ang kape at kahit ang amoy ng kape. I guess it comes with adulthood? Ganun ba yun? Pakshet.
Anyway, dahil ako ay reyna ng night shift, pag weekend nasisira ang Eastern Standard Time sleeping pattern ko. Dahil, again, being ang adult, kasama na dun ang chores mo ng weekends. Chores equals general cleaning. Chores equals grocery.
Time warp to grocery time (I understand napakahabang intro na to, wag ka na umarte. Andito ka na eh. Todo mo na.)
Before grocery time, pinilit ko ang nanay ko na shumombay sa Dunkin Donuts adjacent ng grocery entrance. Bilang naginarte ako nung Sunday morning at hindi ako nagkape. Tinry ko mag mind over matter. Ended up with a headache. So shombay at kabig ng order ng black coffee. As black as my heart. Chos.
At as what society tells us, pag nasa kapihan ka, you can't just drink and run. Kelangan mo shumombay. And also, another thing society tells us, if you are shombay mode, you eavesdrop. So please refer to the accurate picture para marealize niyo ang seating arrangement. Katabi namin ng table ay isang Pujay at Junak niya na very much millennial looking with his hipster bright colored shorts and baby tee. And bilang month of May, natapos ang bonggang bongga election season.
I'll try to narrate the conversation. May iba man sa words, pero same meaning. Labo. Anyway.
PUJAY: Bakit niyo naman binoto si Marcos?
JUNAK: Hindi ako. Yung mga kaibigan ko.
Pujay now has annoyed look.
Junak Added: Medyo sikat si Marcos sa mga millennials eh. Madami siyang nagawa sa Senate.... ****blah blah blah more reason I chose not to hear because of personal reasons
Pujay is now furious.
Junak continues to give textbook platforms and conspiracy theories.
Pujay is steaming hot kamote.
PUJAY: Palibhasa hindi niyo alam ang mga nangyari dati.
JUNAK: Yung Martial Law ba yan? Pero maganda in terms of economics at blah blah blah.
PUJAY IS MAD AS FCUK.
PUJAY: Hindi yun discipline. Meron silang kinuha na hindi na mababalik. Naalala ko dati yung mga kumpare ko. Hinuli. Kasi may tattoo sila. Yun lang ang reason. Kasi may tattoo. Tatlo silang kumpare ko. Pinatay yung isa.
Junak in silence.
PUJAY: Meron pa dati. May mga nagwelga diyan sa may SLEX area for human rights. Anong ginawa ng Marcos mo? Inutusan bombahin. After bombahin, bumalik mga ibang tao naman para magwelga. Inutos ulit ni Marcos bombahin. Hindi na sumunod ang PNP kasi sila mismo, alam nilang mali na talaga.
Junak in kroo kroo.
PUJAY: Anong ginawa natin? NagOFW ako. Anong ginawa ng Marcos mo? Yung remittance na pinapadala ko hindi umaabot sa Mama mo. PNP lang ang bank noon na pwedeng mag wire transfer. Wala. Apat na buwan na sweldo ko hindi nakuha ng nanay mo.
Junak sweating bullets.
PUJAY: Alam ng anak niya yan (referring to Bongbong). Alam niya din nasan ang mga nawawalang pera. Pero hindi na niya mababalik yung mga nawala noon.
BOOM MIC DROP.
Nagsorry naman si Junak. Then I ended my eavesdropping.
Intense.
Ayoko maging political about this. Pero ha, do not give me the "Ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak". Yeah, that might be true. Pero he knows. He knows at mukhang wala sa intensyon niya na ibalik. And do not give me the "Look at Ilocos" bullshit. Trabaho niya yun. Expected of them na pagandahin nila ang Ilocos kaya nga sila nanalo.
I will be leaving this Young BBM pic.
Sino binoto kong VP? Hindi si BBM most def.
Okay enough with the political kemisbar.
Nanghihina lang ako pag nakikita ko tax ko sa payslip tapos ganyan ang ganap. Nakakawalang gana.
Siguro mga ilang weeks na rin tong naka pending sa utak ko. Ang alin? Etong topic na to. Even before ang nasabing exam examan na kinuha ni watashi. Let's call this Epiphany Delos Santos Avenue corner Identity Crisis Center. Pero no, it's not identity crisis kasi mej sure naman ako sa kung anong tumatakbo sa utak ko at mga gusto ko. Teka wait, medyo implying to ng weird different thing. But wait teka explain kong mabuti... Read below. Haha.
May napanuod kasi akong video about Identity. Paki set ang timeline niyo na this is way waaaay way before. Way before the exam, way before the Social media ekis, and around the homophobic Manny Pacquiao issue.
Okay, okay. Una sa lahat, girl crush ko yan si ate. But, hindi ako superfan ng mga videos niya as a Youtuber kasi very out and about shibulibambam siya. Naligaw ako sa video na yan because naghahanap ako ng videos about Identity, Feminism, and Discrimination. Tapos suggested chenez sa gilid siya. Anyway, moving on. (Pero aminin niyo, ganda ni ate?)
After watching, marami akong inisip about me. Ano nga naman ang identification ko? Para we can be categorized in millions of things but still not enough definition (English yan +1 for effort). Like kay ate sa video, nakakaloka ang dulong part na rape survivor and all that. Who would know nga naman di ba? So mas okay ba tayong lahat kung wala na lang identity and lets just be who we are? Im so confused.
Medyo sensi topic ang identity. Kasi maraming pinapatay, nasasaktan, and kinakalimutan because of plain identity. Pero sabi nga sa favorite movie ko "Does it have to be anybody's fault?" Hulaan niyo san yan.
And now that you've hopefully watched the video above, aminin mo, nainggit ka sa kanya at gusto mo rin magenumerate ng mga identity chenez mo. Kasi ako, oo. Gumawa rin ako ng list. Effort to ha, kasi nagtake pa ako ng mga kacheapang online exam just to find out. I-be-base ko to sa list na ginawa niya:
Filipino
Mataba
Pansexual
Fag hag
Agnostic theist
Lonely and depressed
Divergent (LOL) okay fine kung bawal Divergent, Erudite na lang.
In conclusion, bakit ba kelangan natin i-categorize? I mean pwede namang wag na di ba? Mas okay kung wala. Accept na lang and do not categorize. So pano pala sa larong the boat is sinking group yourself into keme? Edi haggard.
Na miss ko to shutangina. Walang sandali na hindi ko inisip ang blog na to. Bawat minuto, bawat labas at pasok ng hangin sa dibdib ko.
Bawat.
Sandali.
Char.
To be honest...
Nope. May mga panahon na humaging ang blog ko. Like mga "ay benta to i-blog". At hindi rin lingid sa mga sinabi ko dito, na inekis ko mostly ang mga walang sense na social media chenez. Inekis ko ang Facebook ko during the study time.
But.
Sorry. Medyo liberating ang walang Facebook pala noh? No jeje posts, no spam of stupid articles na obviously shinare lang ng mga tao because of the title, no politics, no forcing of beliefs... Sarap lang.
So.
Baka hindi pa rin ako maglogin sa Facebook.
But.
I'll still have my blog. Shet. I miss writing at lahat ng mga creative keme ko. Shet my juices! Creative juices kasi ano ba.
And.
I know. I am flying off at a tangent sa thoughts na to (o, aminin niyo ang taray ng highfalutin line ko). Pero kasi 2 min post lang to. So pagbigyan niyo na.
O di ba? What a title. I have 6 minutes to spare before I get back to that bundok of bond papers to read. Akala ko last time na magaaral ako ng wagas at walang pagaalinlangan at nung student mode pa ako. But I guess, we need to learn everyday ang peg ng mga inarte sa work. Or mas emo mode, we are students of the universe. Teka ulitin natin.
"We are students of the universe." - nyabach0i | 2016
In fair ha, ginoogle ko ang line na yan. Wala pang nakakaisip or nakakasulat somewhere. Pwes, I claim that line. Kthanksbye.
SO ano ang title? Sana alam ko para hindi ko na binabasa at pinagaaral. How I wish na nanunuod na lang ako ng TV series, natutulog, nagaadik sa Youtube, or ng porn... but no. I have to a student of the universe. Scratch that, student of this cramming mode for this test that will make or break my career. Tharaaaay. Lakas maka Yuppie.
Okay fine hindi na ako Young. I guess P na lang ako. Pie? Pieppie? Kifi? Kifay? Huh?
So ayun. I only have 2 min left.
Dahil inekis ko ang social media until Holy Week, I am bound to update my blog. Though may exception ako sa social media, kung news and public affair. Like yung Martin Shkreli thing. I hope mag ka AIDS siya at maging mahirap para magets niya. Wala lang. Kung ako lang may biochemical talents or whatever, magpapaka Tesla ako and give back. I don't gets the major business mode na kelangan i-jack up ang prices. Or baka now ko lang sinasabi to kasi payak ang pamumuhay ko? Ewan.
In fairness sa Versatile Blogger Award! In fairness!
Kinilig lahat ng bilbil na meron ako at narerevalidate ang fact na in a way, may nagbabasa pala ng blog ko. Ako mismo hindi ako bilib sa blog ko. Escape goat ko lang eto kung gusto ko i-stop ang mga kaartehan ko sa buhay. To think na muntik ko na burahin tong blog na to before before. So thank you kay Jep at Anonymous Beki. Pero mas deserve niyong dalawang ang award kasi hindi ako versa. Haha. But seriously. But thank you. But yes. But but but.
Sidenote: Niresearch ko ang mga posts ko kasi may recollection ako na may same same na ganitong award award na uso. Only to find out ang Liebsterchenez. And yes, nagshare din tayo dun ng mga about me natin. Sabi na eh. Chos!
At based sa mga basa ko ng posts nilang dalawa, parang kelangan mo magshare ng 7 random facts about you and magnominate ng mga blogger na iba pa. Tapos 15 na i-tatag mong ibang blogger? Shet kayo andami nun. Tatry ko ang 7 random chenez ha. Bilang list to at fan ako ng lists, pupush ko yan. Pressure Lara Quigaman! Tatry ko. Try lang naman. Pwede ko naman siguro charutin lahat ng lalagay ko noh? Chos.
7 RANDOM CHUVAHEYHEY:
1. Matagal na akong blogger. Same blog name, same blog link and all that inarte. Mga early 2000 buhay na ang blog ko. Uso pa nun blogspot at livejournal. Medyo marami na rin akong blog friends nun. Anyareh? Nung 2011 ata or early 2012, binura ko dahil sa life events ko nung mga panahunan na yun. And yes, nagsisi ako ng malaley. Wala tuloy akong ibabackread na mas matagal :(
2. Mahilig ako magself study ng mga bagay bagay. Sabi nga nila Beyonce, "All the women who are independent. Throw your hands up at me." #idol #queenB #destinyschild. For example, musical instruments, microsoft excel, latin words, basic carpentry, pole dancing, etc... HAHAHA. Charoz sa carpentry at pole dancing.
3. Willing ako gumastos sa good food.
4. Malalim boses ko than a normal merlat. Like lalake levels.
5. In line with number 4, kaya ko i-rap ang rap part ng Breakdown ni Mariah Carey. Break break dooooown steady breakin' me on doooown. Somewhat memorize ko pa siya. Tinry ko just now. Nawirduhan katabi ko.
6. Madami akong weird pet peeves. I will expound on this in a future post.
7. Metaphor is love, poetry is life.
So ayan na ang pito. Sana may natutunan kayo sa akin. Well kung wala, edi wala. Wag kayong magemote. Ay eto na nga pala ang tag part noh? Well wala akong 15 na itatag. Kasi may gut feel ako na eventually magfufull circle at matatag natin lahat ng active sa blogger na naiiwan. Char! But but buttt.
Today, you learned that you are meant for great things.
Someone told you that you can be rich with what you innately have.
So what do you have?
You have a huge influx of sadness which you assume will be with you forever.
This high level of pessimism that overtakes all the decisions and beliefs.
Overprotected feelings over people that you never admit.
Hatred towards people who hurt you inside and out.
And this sense of creativity that you leverage by being influenced by the other four.
Yes, you are meant for great things.
You learn what the floor tastes like and never forget when you touch the sky.
You write heartaches and soundless songs which other people sings in different wordless tunes.
You draw things that you cannot not see and let other people see other things.
So pano ba yan. Tumawid na naman ng Gregorian calendar.
Looking back... charoz. Hahahaha. Literal na natawa ako nung tinype ko ang looking back.
Sidenote: Ayoko na pala magpost about MissU. Naumay ako ng malaley. Gravity ang post ng mga bakla sa fezbuk. At narealize ko rin na marami akong baklang friends. Yey to baklaness.
Kelangan ko magpost ng HNY chenez bago pa matapos ang 1st week. Nakakahiya naman. Pati year end chenez prinocrastinate ko. See what I did sa word?
O ayan. Screenshot na patunay na inabangan ko ang 2016. Sabi ko magpopost ako ng saktong 2016 blog post but naderail ako sa pretzels at wine. Nakaubos kami ng kapatid ko ng dalawang bote ng wine at isang malaking balot ng pretzel. Yup, kaming dalawa lang gising. Humabol naman nanay ko but then again bilang powered by senior card yun, may discount siya at 20% lang siyang gising at natulog din after one glass of wine.
So happy new year.
2015 wasn't so bad. It was definitely better than 2014. May mga kulang, may mga could have done better mode. Pero nonetheless, better. Hindi na ako naniniwala sa resolutions kasi ayoko ng thought na may kelangan akong iresolve sa sarili ko. Feeling ko "problema" ako in a way so no to resolutions. Why not, promises? Odibah ang landeh ng promises?
I promise to walk more.
I promise to use uber less.
I promise to at least have my credit card stagnant at walang charges for like a good month.
I promise to read more books.
I promise to use less social media (except Instagram, bigay niyo na sa akin yun pakshet)
I promise to write more.
I promise to draw more.
I promise to play video games more.
I promise to be happier.
I promise to be a better person.
I promise to open my mind more.
I promise to listen to my emotions.
I promise to keep promises.
A part of me medyo narealize na yan naman palagi kong sinasabi year by year. E baket? For the better naman ah! Pero promise, benta tong 2015. Imaginin mo ha, from Aldub to Wharton degree to APEC to traffic to Pia Worcestershire to Laglag Bala and so on and so forth. I mean marami akong pwedeng lagay on a very personal level pero wag na. No to dear diary-ish.
Anyway, yes aware ako na walang sense ang post na to.
Gusto ko lang naman mag Happy New Year sa blog ko.
Muntik ko na nga gawing WordArt lang ang Happy New Year at ilagay dito. Kaso baduy naman.