Wednesday, November 23, 2016

BRAND X - PUK Code

May some overnight fieldtrip thing before back in college.
Naalala ko pa na karag na phone ang gamit ko nun.
3210? Or yung parang Safeguard.

Anyway, naalala ko din na wala pang Sun Cellular nun. Panahon din yun ng drop calls. Yung first 5 sec per call walang bayad.

“San ka na?”
“Dito”

Mga ganyang conversation tapos walang bayad.

Naalala ko din na mahal ang text nun. Hindi pa uso unli text. Literal na piso pa ang text. Literal na card lang mabibili mo pang load. Uso pa nun 1515 na call para malaman mo magkano load mo. Wala pang Autoload Max nun or whatever. At ang denomination lang ng load ay 300, 500, at 1000.

So going back to the overnight fieldtrip…

Overnight nga di ba. Usually, natutulog ako na may cellphone sa ilalim ng unan. This certain person, naitatago natin sa pangalang Brand X, ay katabi ko.

To cut the story short, pag gising ko, PUK locked na ang phone ko.


Why? I don’t know. How? I don’t know too.
After ng overnight, hindi na kami masyado nagusap ni Brand X.

Lesson: Wag mangealam ng gamit. Kung gusto mo magbasa ng phone ng ibang tao, hiramin mo. Papabasa ko naman.


Shinare ko lang. Kelangan ko na kasi burahin sa memory mind bank ko eh.

3 comments:

  1. Para kang gumising sa isang bangungut, mapapamura ka. Hahahaha.. Di ka na lang ginising at tanungin password mo.

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...