See what I did there? Aminin niyo ang witty ng may continuity na title.
So one might ask, "nyabach0i, how do you destress? You always complain about stress but do you even destress? Do you? Do you? Do? You?"
The answer is HELL to the YEAH.
At dahil nasa gitna ako ng stress like now na now na now na, I reremind ko ang sarili ko how I destress para macounterbalance ang post ko a month ago. At dahil ayoko na magisip dahil madederail ako, ano ba naman ang ituloy na naman ang enumeration di ba?
*Sidenote about enumeration: Naalala ko nung elementary -> highschool years, pag nakakakita ako ng enumeration sa exam, nadudugaan ako sa teacher. Parang sa gitna ng pagsusulat ko ng Name 5 Parts of a Flower or Name 10 Saints, nadudugaan ako. Parang feeling ko tinamad ang teacher. Favorite ko ang 3 main parts ng Computer dati. Ang broad di ba? Pero ang sagot daw diyan, Monitor, CPU, at keyboard. E what if ang sinagot ko, Motherboard, Power Cord, at Video Card? Mali pa rin?
Number 1: PAGKAIN
I will be failing my tabach0i self if I don't stress eat.
Before fine, isasama ko ang drinking. Pero for some weird reason, naekis ko ang binge drinking and chain smoking. So I could honestly say, ang bisyo ko ay foodamba.
My main mantra in life ay: "Tipirin mo na ang lahat wag lang ang pagkain"
Number 2: MUSIC
Wait, wait. Basahin niyo muna to. Okay fine, MUSIC ay napaka general. Kelangan ko ilagay na I listen sa mga solo pag naiinis na ako sa stress or sobrang stress na ako. Drum solo, guitar solo, piano solo. Ako na old soul, ako na. Not that you asked, kaya ko makinig ng Moonlight Sonata 1 to 3 na nakaloop at kaya ko makinig ng Sungha Jung on repeat. If I am really really reaaally mad, I listen to Nobuo Uematsu. Hindi niyo siya kilala? Siya ang composer ng Final Fantasy soundtracks. And yes, not that you asked too, kaya ko umiyak on cue sa Aeris' Theme. #geek #nerd
Number 3: STAND UP COMEDY
While working, I usually stream sa background ang comedy shows or stand up comedy whatevs. I love this! Nacacancel out ang galit ko sa work. This is the best discovery I ever made. I like to think na frustrated stand up comedian ako. I listen to Russell Peters, Amy Schumer, Gabriel Iglesias, lumang Ellen Degeneres, Louis CK, Kevin Hart circa before sikat, and ang pinaka bastos na si Dave Chapelle.
Number 4: FASHIONPULIS
HAHAHAHAHAHA. Showbiz chismis is the shiz! Para paminsan matuwa ako sa life choices ko, nagbabasa ako kung gaano kawalang kwenta ang life choices ng mga artista. Lalayo pa ba ako e may fashionpulis naman na? Plus grabe maghalukay ng sex scandal si fashionpulis. Kilala niyo yung last? Ako oo, may uncensored version ako ng picture.
Number 5. YOUTUBE
Natalie Tran is my spirit animal. My BFF. My soulmate.
Hindi ako masyado nahook sa mga hyped Youtuber. But etong Nat Tran na to pakshet. May mga time na hindi siya frequently magpost kaya napipilitan akong manuod ng iba.
Kung wala si Nat, I cheat on her by watching Rhett and Link, Pewdiepie (for my gamer heart), and Wongfu Productions (for my emotional heart).
You might state the obvious, bakit wala Aldub? Here is the answer, its a guilty pleasure. Shhhhh. Wag kayong maingay. Cocombohan ko pa ng PLL and some korean reality TV. Shhhhhhhhh. Be cool, don't judge.
In fairness! Nagenjoy ako gawin ang post na to. Now I am ready to be stressed again.
But to be honest, nagutom ako. Because of number 1 pic. And on that note, kakain ako.
And salamat sa Bloggys nominations kung sino man kayo. And of course, THANKS Asyang!
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i
Natalie Traaaaaan!! BE MY FRIEND!!
ReplyDeleteWow, fantastic baby! Wooohoooo!
Medyo pareho pala tayo. Ganyan din halos ang gawain ko kapag nai-stress out ako.
ReplyDelete1. Nage-stress eating din ako gurl. Toneladang kanin ang nilalantakan ko sa tuwing ako'y stress. Yun nga lang di naman ako tumataba. Payatot pa rin, as ever. Kaya ayun stress pa rin sa figure. char.
2. Napaka-effective talaga ng music. Hindi lang utak ko ang nare-relax kundi pati na rin ang aking soul.
Andami ding 'relaxing music' sa Youtube. For sure magugustuhan mo din 'yun.
3. Mahilig din ako sa comedy and other funny/entertaining shows.
4. Super relate ako. I always have fun reading Fashion Pulis. Kulang na kulang kasi ang pinapalabas sa tv.
I'm sure you will agree on this, katuwa din ang mga commenters diyan na kung minsan may mga times na they are more enjoyable kesa sa mismong post.
Sad to say this past few months di na ako masyadong nakakapagbasa diyan due to busy schedule kaya di na ako masyadong updated. Teka, sino nga pala yung may bagong scandal? Bulong mo naman sa amin oh kahit initials lang. Or much better send mo na lang sa email ko uncensored keme na sinasabi mo. Malay mo 'yan pala ang best way to relieve ourselves. Ahahaha!
5. Ako naman Buzzfeed ang pinapanood ko sa Youtube. Mahilig kasi ako sa mga informative thingies.
May I also add, ang numero uno ko talagang pang-destress ay ang matulog. No need further explanation right?
Fashionpulis! Minsan di ako mapakali pag diko nahuhulaan kung sino yung nasa BI.
ReplyDeleteChocolates pang de-stress tabs! Salamat sa chocolates! -anonymous2
ReplyDelete