I don't really want to talk about it...
Taraaaaaaaaay! Daming inarte ng sentence na yan. But no, we will talk about it. By we, I mean me, and by talk, I mean type.
Umabot na ako sa point na hindi na ako magugulat kung mananapak na lang ako ng tao or kung aabot sa point na pupunta ako sa mountains at maging ermitanyo for like a month. Ewan ko. Baka age? Baka yung workload? Baka yung people and comflicting ideas? Daming hanashi!
Anyway, kelangan ko lang i-compartmentalize lahat lahat ng stress ko sa isang lugar. Parang listahan. Sabi kasi nila, pag iniisa isa mo, you realize. When you realize, you accept. When you accept, you believe. When you believe, there can be miracles. Who knows what miraclessss you can achieveee! When you believeee, somehow you willllllll. From my favorite philosopher Whitney Houston.
So we will make a list. Para sa ending, malalaman ko kung gaano karami at matakot ako sa heart and mind ko. Chos!
1. Work
Well hindi work in general. Specific part lang ng work. Fine, masaya kung sa masaya. Fulfilling. But still, may part talaga na hindi mo maitatanggi na mabuburnout ka. Hindi na bago ang may nalalayoff sa work. E nagkataon lang naman na dalawa sa mga counterpart ko agad agad tinanggal. Ni walang goodbye na nangyari. As in, announced, nawalan ng accesses, then boom. Ako na naiwan sa pinakamatagal. Fine, test of skills keme keme. But no. Eto ang stressful part. Ang pinalit sa mga nalayoff, mga shungabels. Like impostor levels. Hindi ko maintindihan pano nahire at pumasa sa interview ng both techinical and non technical. So kamusta naman ang double the effort, double sa chocolate fudge. Hence the stress.
2. Schedule
Ok medyo nauto ko kayo at related pa rin to sa work. Pero kelangan to hiwalay. Kasi hindi na kaya ng puso ko na najejetlag ako ng hindi ako nagtatravel. Just imagine. Night shift ka. Sasabihin sayo ng night before na "Uy pwede kang pumasok ng hapon kasi may sandamukal kang meeting?" or "Uy pasok kang umaga may training ka". Sige fine, may choice ako. Pero parang clear choice kasi. Kumbaga, trick question. So yeah, jetlag. Hence the stress.
3. Hairfall
At this tender age of 2*, ang hairfall ko malala. Chemotherapy levels. Pwede ako gumawa ng pin cushion everyday. Shutanginabels. Yes, alam ko part ang stress sa hairfall. Pero pano to? Stressed ako sa hairfall so nagkakahairfall ako? So endless cycle? So kalbo na ako? And yes, nagpanic buying na ako ng mga mahal na hair products. Keme protein chorba. Organic keme keme. Biotin chuvaheyhey. E-K-I-S! Hence the stress.
4.Traffic
Nakatira ako sa Juranaque at pumapasok ako sa QC. Nawawalan ako everyday ng 6 hours just to commute back and forth. Madami na sana nangyari sa 6 hours. Nakapanuod na sana ako ng 9-12 episodes ng favorite kong series, 3 movies, nakapagnap AND nagising AND nakapagCR AND back to napping, nakapagcrosstitch, nakapagpaopera at natutulog na sa recovery room, nakabili na ako TV sa Abenson at nakauwi at bumalik ng Abenson para iparefund kasi sira etc, etc. Hence the stress.
5. Pera
Pera is always a stressor. Hindi na to kelangan ielaborate. Hence the stress.
6. Politics
Hindi ba kayo natatawa minsan sa kacheapan ng politics ng Pinas? Pero mas nakakatawa na nananalo pa rin ang obviously ekis. Ewan. As if naman gumagana ang abstain dito. At nakakainis paminsan na pag may nakausap ka na sobrang ekis ang point of view about it. Syempre hindi ka naman pwede magpangaral bilang syempre opinion niya yun blah blah. Pero di ba? It's the same scenario pag sinabi ng someone na bibili siya ng Brand X kasi magaling daw pero alam mong mas nakakaputi ng t-shiretang Tide. Basta. Hence the stress.
Okay fine. Wala na akong maisip. At naiirita ako na nagend tayo sa 6. Pakshet sa ending na even number at may butal. Pero fine. 6 stressors. You might be thinking, 6 lang yan ate gurl. Babaw lang yan ate gurl. Complete pa biyas mo and all that inarte rebuttal. No. I will not accept that. Wag niyo na ipilit idagdag sarili niyo sa 7. Chos! Pero pwede rin naman na hindi ko shineshare lahat. Pwede rin naman na mababaw ako. Either way, stress siya. Hence the stress.
Buti na lang talaga maganda ako. At kahit papano pag nakikita ko sarili ko sa salamin, naiisip ko maswerte pa rin ako. Chos!
Teka maghahanap akong sasapakin na tao para kumalma sa stress.
-nyabach0i
Nyhahahahahhahahahaha. I really enjoyed this. Ok, hindi na nga pala american kausap ko. naku,. lahat yan pala stressing din sakin, lalo na yung pera, at politiko, twing maiisip ko ang politiko, sumasambulat sa mukha ko si jejomar Binay, magkakulay kami oo pero di hamak na mas maitim siya, hahahahha.
ReplyDeletebaka manalo pa yan, kawawa naman tayu, una, stress na tayu sa slitang politics na yan kasi sya agad ang sasambulat, 2., work, hindi ako stressed sa work, ni relate ko lang kasi may-------- sahod. Tama, sahod, anung meron sa sahod? pera, at tennneeeen, TAX! isang malaking TAX! oh alam mo na? umikot diba? somehow in relation silang lahat! hahahahaha.
hay naku! hahahha. pero masaya ako at napandaan ako sa blog mo, medy hindi ako gaanong napaenglish at higit sa lahat, sumaya ako! :)
di baaaa. itsura pa lang ni Binay stressing na!! pag nanalo siya hahanapin kita sa US. charoz.
Deletedaan ka lang ng daan! walang problema dun!
Nakaka-relate ako sa hairfall na yan dahil sa stress... mas lalong nakaka-stress! :)
ReplyDeleteYung tipong pag naligo ka, hinagod mo ang iyong anit at pagtingin mo may mga buhok na sa iyong palad, tapus uulitin mo at meron pa ring nalalagas na buhok, at natatakot ka nang hawakan kasi baka mahulog na silang lahat lol :)
omgggg same na same! umabot sa point na pinapahid ko na lang shampoo sa buhok ko at hindi na ako nagsusuklay! nakakaloka. maiinvest na ako sa wig.
DeleteTabs, mga 150 strands per day daw ang hairfall... Bilangin mo!!!
ReplyDeleteTsaka benta yung when you believe... Kasi sa totoong buhay, ginagawa talaga natin yan. Ang biglang kumakantaaaaa haha push ko na ako si mariah!
more than 150 to. tsaka alarming rate na talaga. kasi there can be miracles talaga when you believe.
Delete1. Work- Ako din burnout na, the moment na pinirmahan ko yung contract ko. hahaha! I hate my job so much na promote pa ako. Pero ganon talaga kapag puro shit ang ibinubuhos sayo ng mga mas nakatataas.
ReplyDelete2. Schedule
Naiintindihan kita diyan. Fast-food chain ang trabaho ko. Minsan ako ang closing, and then later on ako na rin ang nag open ng restaurant. Minsan dalawang restaurant ang isinara ko on the same day. DALAWA YAN. Hindi lang paperworks at reports ang isinara ko. Nandun din ako para magkudkod ng mga fryers at kung anu-ano pa. I am the SUPER-EMPLOYEE.
3. Hairfall
Nakaka cause nga ng hair loss ang stress. iN my case, talaga naman kalbuhin ang linya ng pamiilya namin. So ayun, mataas na kilay ko at ang hair line ko. hehehe!
4.Traffic
Naranasan ko na rin ang traffic sa Pilipinas. Putangina, isinusumpa ko talaga yan, pati ang EDSA!
5. Pera
I could make a book kung paano nagdudulot ng stress, break-ups at gera ang putang inang pera na yan na kung bakit lagin mailap.
6. Politics- nakakainis naman talaga ang politics. Pero gusto ko rin yan. Sabi nga ng Universal Potentate Jessica Zafra mahilig daw tayo inisin ang sarili. Bad trip na nga sa balita dahil sa pulitika, hindi pa rin natin papatayin ang radio o TV, aantabayanan pa rin daw natin.
HAHAHAHAHAHAHA. OMG benta yung comments mo. madami! kinabog ang post ko. chos.
Deleteanyway, rereact ako sa schedule comment. omg totoo fast food chain? naimagine ko sarili ko before na nagtatrabaho sa restaurant or the likes. ang issue ko dun ay parang sa imagination ko mas mataba ako. nafafatshame ko sarili ko sa utak ko.
jessica zafra! i miss her. pero totoo yan. napaka emotional at madamdamin kasi ng pinoy paminsan nakakapikon na. lahat lahat na lang kelangan damhin.
Sorry, pero nawala yung stress ko habang nagbabasa nitong stress issues mo :P LOL.
ReplyDeletePero ayun na nga, nawa'y maitawid mo nang matiwasay at tumubo na ang mga buhok mong nalagas para sa ekonomiya. Anuraw?!
hahahahaha. shet magdilang anghel ka sana at didilaan kita. anuraw nga???!
DeleteRight now school ang pinaka-nagpapastress sa akin lalo na dun sa isa naming subject na may programming eklat. Nakaka-drain talaga ng jutak at minsan parang gusto ko na lang basagin ang computer ng bonggang bongga with fierce. lol
ReplyDeleteP.S. Gusto ko po sana na every time na may new post ka ay ipapadala ito sa email ko. Please??
Punta ka po sa Blogger.com.
Derecho ka po sa Settings > Mobile and Email. Pakisulat po sa box (na may label na Email posts to) ang email ad ko na anonymousbeki@gmail.com
Salamuch.
ay may ganyang ganap pala?! fine sige pupush ko yang eme eme sa email keme.
Deletesalamat anonymouse beki!!! kinilig ako!
ramdam na ramdam kita, teh, especially sa work at sa traffic. 'yung tipong parang gusto mong krompalin lahat ng makakasalubong mo mabawasan lang ang stress na dinadala mo. hahaha. chars.
ReplyDeletetotoo yan teh. natuto na ako ng martial arts kakasakay ng MRT. punyeta talaga. sarap manabunot ng mga mabaho sa tren.
DeletePwede bang pansinin ko ang bloggys nomination??? Please?! I love it!!! Love it!!!
ReplyDeleteNga pla kinanta namin ni gege ng paulit ulit after boards (while waiting sa results)
Yan pg "when u believe" na yan hahahA
-not-so-anonymous2
may factor talaga ang when you believe na kanta. mapapabelieve ka talaga.
Deleteehhhhh tigilan mo na ang bloggys! salamat! i love it too!