Tuesday, January 16, 2018

ETO TALAGA ANG...

Happy new year post ko! Eto na talaga yun! Eto yun! THISHISHIT!

HELLO 2018!
*Splatoom! Splatoom!*
Baduy, I know.

Pero noh, kung iisipin mo, ang bilis at the same time parang feeling mo wala masyadong umandar nung 2017. Pero sa totoo, andaming nangyari, at oo, parang wala masyadong nangyari. Eto ata yung feeling ng change. Lakas maka denial, pero wala kang magagawa.
Pero shrue, madaming nangyari last year. Pucha, news and public affairs pa lang eh.
WHAAAT~~ Trump?! President? WHAAAAT~~ Marcos nasa libingan ng bayani na?! HUWAAAAA~ Who would have thought namputa si Mocha ay some whatever public person na! Naknangtokwa parang kelan lang bisexual lang siya na naka bikini tuwing gabi.

But fine, personally, madami nga namang nangyari. Madami akong work related ticket na nasara. Madami akong lugar na napuntahan. Nakalabas ako ng bansa odevah. At ang pinaka mahalaga, madami akong nakain na masasarap. Life wins kumbaga.

Pero wala akong balak isa isahin for the fact na may weird fact sa blogger. Mas mahaba ang post, mas walang nagbabasa -Charot. Pero syempre, ayoko naman mag unload at gawing dear diary to. Pake niyo di ba? HAHA. Pero for this HAPPY NEW YEAR post, isheshare ko ang mga 2017 discoveries ko. Mundane man to or hindi. Sheshare ko pa rin.

1. GAMING 2017

Ok fine. Hindi rin sandamukal ang nalaro last year. As a gamer, fail yun. Pero meron pa rin naman kahit papano. Nalaro ko finally ang FFX at FFX-2. Nope, hindi ko gusto both. Sakto lang. FF7 forevs.

Pero for some reason, tumatak tong Hollow Knight sa akin. Indie game, first and foremost. May weird liking ako sa mga indie game kasi sure maganda ang storyline. True enough, maganda nga to. Insect kayo at isa kang Hollow Knight. Hindi ko na sospoil ang plot, pero this about finding dreams and learning old tails ganyan. Parang each and everyone may hidden dreams na hindi nababasa nino man.

I'll rate this 4 bacons over 5.

2. MOVIE 2017

OMG, 2007 Nyabs will be surprise kung gaano kadaming movie ang napanuod ko this past few years. Last year 20 plus. Dapat lilista ko lahat, kaso tinamad na ako. Pero madami dun sa list na maganda talaga. Mga tipong pwede nating pagdebatihan over coffee or something. Maraming thought provoking, maraming so so lang.

But, but. Loving Vincent. Hayy starry starry night, paint your palette blue and grey.

Gusto ko i-explain bakit may soft spot to sa akin. Pero may part na gusto ko na lang din solohin why. May melancholic beauty ang life ni Vincent Van Gogh sa totoo lang talaga, pero wala eh. Ganun talaga eh. Hay.

AT PINAKA IMPORTATENG PART, ETO ANG FIRST MOVIE EVER NA HANDPAINTED! I'll rate this 5 bacons over 5.

3. SERIES 2017

Sa lahat ng series na napanuod ko, eto ang pinaka natakot ako for the fact na pwede siya mangyari. Ayoko na i-tackle yung sensitivity ng issues like religion, lgbt, woman's rights, at kung anuano pa. Basta. Leche tong The Handmaid's Tale.

After watching, natakot ako for myself. Kasi sure ako pag nangyari to, first 5 minutes pa lang ng scene, pinatay na ako.

I'm sorry Aunt Lydia.

But cinematography wise, sobrang ganda ng shots ng series na to. As in. Yey for women directors!

I'll rate this 4.5 scared bacons over 5.




4. MUSIC 2017



Nope, not Kpop this time (although, special mention ang Blackpink -nope wala akong balak i-explain now why). Madami akong gustong songs last year. Like si ate Dua Lipa at ang IDGAF, for example. Sama mo na yung Havana ni Camila Cabello kasi nakaka LSS siya. But sa lahat ng nadiscover ko, etong Japanese band na to ang fave ko. Gesu No Kiwami Otome. Also known as, Girl at the Height of Rudeness. Bigyan niyo ng chance ang pakinggan ang video na yan. Kung aarte ka at hindi mo gets ang Japanese, about adulting ang song. At no, hindi ko fave to dahil sa drummer na babae. Pero kung papansinin mo din, cool si ate drummer girl.

5. BOOK 2017

Yes, aware ako na hindi released tong book na to ng 2017. At yes, aware ako na sobrang tagal na nitong sikat. For sure may ibang school na ginawang book report to. Let me explain.

Matagal na tong book na to sa akin. Kasi part to ng panic buying galing sa Book Fair years ago. At dahil idol ko si Rory Gilmore in reading books, kasama to sa binasa niya (tinry kong gawin ang Rory Gilmore challenge sa Goodreads na app, hindi ko kinaya. Pero kasama to sa list.) Anyway, bakit to kasama sa list? Pakshet bore na bore ako sa book na to. Gets ko na sikat siya, fine. Maganda nga naman ang concept ng Catch-22, like pwede pero bawal at bawal pero pwede. Bale ang Catch-22 ang limbo mode ng decision making at rules nila sa military chuchu. Basta boring amputa.

Tinapos ko wag kayong magalala. Kasi wala akong librong sinimulan na hindi tinapos kasi na o-OC ako (except school books. lul wala akong kilala na end to end binasa yun lul.) I'll rate this no bacon at all.

6. VIDEO 2017



Adik ako sa youtube, yes. Napulot ko tong video na to kay Pewdiepie (ang god ng youtube). Sa buong 2017, eto lang ata ang video na naiyak ako kakatawa randomly. Panuodin niyo. Super benta sa akin to. Kupal sobra. Haha. Buti na lang hindi magagawa sa MRT to.

7. FOOD 2017


Lahat ng nakakain at kinain ko sa Taiwan. Wala akong pinagsisisihan sa na-gain ko from Taiwan. Willing ako kumain ulit hanggang hindi makahinga. This is not rateable. Parang painting lang, priceless. HAHA. Baduy. (salamat Asyang sa video. ninakaw ko, yes)

So, ayan. Sisirain ko ang OC keme niyo at hindi ko isasara ng 10 ang list. Hindi rin 8, kahit 2018. 7 kasi nga naman 2017 list. Haha.

Sana madami kayong natutunan from 2017. Ako din naman.
At sana ang 2018 ay maging manigo. Manigo as in from Manigong Bagong Taon. HAHAHA. 
Osha. Kthnxbye.
-nyabach0i

2 comments:

  1. I just want a dick, one stiff cock this year. Kumpleto na 2018 ko. Hahaha! Tigang na tigang na eh. Hahaha!

    Anyway, i was planning to watch Handmaid's Tale. Kasi naman yung season 2 ng How to Get Away with Murder, eh parang softcore porn na. Taena naman, more scenes ng nagdadalihan kesa sa courtroom drama. Tapos na frustrate ako kasi oversexed lagi mga scenes. Ayoko na. I prefer Game of Thrones, rape at incest lang. Chos! Hahaha!

    Happy 2018!

    ReplyDelete
  2. OMG momshiebells lots of ganap but few ang kuda and hanash. Pero its okay as long as na enjoy mo sya ng wagas why not coconut with chocolate spingkles and happy unicorns


    Ano daw? Hahaha

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...