Sunday, December 17, 2017

12:46 AM Drunk Ramblings

From future nyabachoi: sa araw na to (12/16/2017) pumunta ako sa blog ko at nakakita ng draft na post, which is etong post sa baba na dated (11/25/2017). I am happy to say na tanga ang drunk mode ko --Save ang pinindot instead of Publish. So future nyabs, will click Publish. Wala naman self incriminating so go.

Yes. Aware ako. Sunod sunod ang post ko. Pake niyo, blog ko to. Joke lang. Pero ayaw niyo nun? Consistency? Plus, sino na lang ba ang naiwan dito? Lima na lang ata tayong gumagamit ng Blogger?

Anyway, yes, I am drunk. Fine, not drunk. Tipsy. 
Let me explain.
Yung kapatid ko na nasa Japan na, nagiwan ng madaming Whiskey/Whisky sa akin. And yes, Whiskey/Whisky enthusiast siya. Medyo recent found passion niya yun. I think. Anyway ulit, dahil medyo may certain sadness and sabado ko ngayon, why not drown (drown is used in this sentence na very dramatic) myself to sleep. Hindi naman sa namiss ko ang millennial state of mind, gusto ko lang ng stupid decisions such as, blogging while drinking. 

Anyway ulit 2, inunumerical ko ang thoughts ko para hindi ako maguluhan.
Btw, ang iniinom ko ay Singleton na 12 years old. Yes, mahal to. Hindi naman ako bumili. Nope, hindi ko nafifeel ang difference ng years at kung ano mang barrel ang ginamit sa kanila. For me, parepareho lang sila na emperador na sinusuka ko nung college.

1. Habang nagboblog ako at nagpapakalasing, nakikinig ako ng vlog ng some random travel blogger. In this case, si Mina Oh. Nasa Korea siya at kumakain ng Bibimbap. Wala akong nagegets sa pinagsasabi niya maliban sa nasa some random market siya.

2. Nakakatawa kasi sabi ko sa sarili ko kanina, mali ata na nagboblog ako while tipsy kasi mamaya anong sabihin ko. Pero ayaw niyo nun? Raw emotion. Speaking of raw emotion, sorry at medyo flooding ako ng whatever kaartehan na poems. Sorry not so sorry. To be honest, sa poems ko narerelease ang pent up emotions na never ko naman maririnig sa bibig ko in waking life. So have at you. Isama mo na din ang fact na gusto ko talaga maging someone na leading to arts. Nung pumasa ako sa CFAD ng UST, sinabihan ako ng nanay ko na walang pera dun. Hence napunta ako sa degree na maliban sa hindi ko nagamit, hindi ako natuwa. Pero wala naman akong pinagsisihan. Ano pa magagawa ko?

3. May weird feeling ako na mamamatay ako ng at a tender age of 50 of less. Wala lang. Regardless of cause. Naisip ko, kung mamamatay ako, kelangan ko ihabilin sa someone ang mga notebooks ko. Maliban sa self incriminating yun, baka maging Van Gogh eventually. Hmmm.

4. Dinner ko ay tatlong pirasong hotdog. Naappreciate ko naman.

5. May weird urge ako na mag try ng hard drugs. Aware ako sa tokhang, yes. Pero parang gusto ko magbook ng hotel room at magpasama para bantayan ako just to try the hard drugs. Gusto ko kasi mafeel ang euphoria feeling. Although aware naman ako na bawal. Hindi ko naman sianasabi na gagawin ko. Urge lang naman. Plus, sa panahon ngayon, san ka nga naman makakakuha without the fact na baka mabaril ka somewhere. Pero oo may urge naman. Hm.

6. Ok, nagpause ako. 1:27 AM na.

7. Nanaginip ako kagabi ng centipede. Or millipede? Hindi ko na chineck kung anong meaning. Basta hindi naman ako kinagat or something.

8. I was told recently that my life is poetic which is kinda sad but true all the same.

9. Nasa point na tayo na wala nang point ang pinagsasabi ko. Maliban sa namamanhid na ang half ng dila ko, naniniwala ako na wala din naman magwoworry. I mean pwede ako magsulat dito ng mahabang leron leron sinta na walang magtataka or magtatanong. Or, malaking chance na mostly hindi aabot sa point na to. Pero kelangan niyo tandaan, second to the last ay usually ay clincher part. Dito usually sinasabi ang hindi nasasabi. Kumbaga sa joke, punchline before ng closing. Ewan. Walang sense.

10. Anyway, madami pa akong gusto sabihin. End point is, masakit na ulo ko.

No comments:

Post a Comment

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...