Wednesday, August 16, 2017

2:35 am Random Ramblings

1. Pamisan, nahuhuli ko sarili ko na nahuhuli ang sarili na nakangiti. Hindi ko maexplain bakit nangyayari. Either seldom mangyari or ganun ako kaconscious sa pagngiti. In other words, medyo nagegets ko si Kanye West. May nakausap/nakakausap ako about smiling and pagiging happy which they said na baka dahil may konting guilt or worthiness reasons. Wala lang, nashare ko lang kasi nangyari recently while watching livestream ng whatever game.

2. Paminsan, tinatanong ko sarili ko kung may nakakaremember ba ng mga kwento ko or mga moments involving me kung pano ko maretain ang mga bagay bagay. For some weird reason, retentive ako sa mga nangyari before. Inisip ko lang kung may nakakaretain din ba na iba. No, hindi to synonymous sa kung may nakakaalala ba sa akin. Iba yun.

3. Paminsan, naiisip ko talaga magblog. Kasi almost sure ako na konti na lang talaga ang active sa blog. Plus, hindi ko to namomonetize bilang for some arte ni google, nadeny account ko. E kelan pa ba to? 2005? 2007? Anyway, actually, scratch that, madalas ko maisip magblog. Parang kunwari unrequited person lang. One way listener. Unloading area, ganyan. E kaso, life happens. As much I would want to unload, nauunahan ng adulting.

4. Paminsan, gusto ko pumunta sa casino alone. Like randomly lang. May weird gut feel ako na mananalo ako or something. Parang tutal magisa ka at may sadness aura dahil magisa ka, baka maging maswerte ako in terms of casino luck. Dapat gagawin ko to recently. Kaso, dahil sa Resorts World thing, natakot ako. Kasi what if sa sobrang malas ko, mataon na ang alone adventure ko sa casino ay ang panahon na may magnanakaw? So pati ba naman sa death magisa ako?

5. Paminsan, naalala ko na shoulders ang edges ng unan. Try niyo. Pikit kayo then hawakan niyo. Wala lang.

6. Paminsan, pag mainit, like tonight, nakikinig ako youtube ng bagyo video. I know sobrang bad, pero winiwish ko din paminsan na may bagyo. May certain weird gloomy conforting feeling lang ang bagyo slash grey skies.

7. Paminsan, kinakausap ko ang aso na parang tao. Paminsan lang naman. Tas sasabihin ko sa dulo na "Onga pala hindi ko kayo naturuan mag tagalog". Pero, paminsan masaya din magshare sa aso ng emotions. Kasi wala silang magets at nirereply. Or baka gets nila? Joke lang hindi nila gets yan.

Pero,
Paminsan lang naman lahat ng yan.
At paminsan nageend ang list sa number 7. Odd number. Odd kasi iba? Or odd kasi hindi even? Labo.
Osha.
-nyabach0i

4 comments:

  1. Hi tabs! Paminsan, naiisip ko din magblog. Sana gawin ko na. :P

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Paano nga kaya kung naiintindihan pala ng mga aso ang ating sinasabi pero hindi lang nila pinapahalata, creepy ba iyon or no? lol :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. shet onga noh. pero a part of me gusto na maintindihan nila. pero sana 2 way. maintindihan din natin sila.

      Delete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...