Wednesday, July 20, 2016

Walang Title

Wrap lang ng emotions and stuff happened. Lam mo na, mga ganyang 10 min blog post lang. Bilang gusto ko ng ibang tinitignan na non-work.

So.

Etong lecheng tuhod ko nagdecide siyang bumigay. Una right knee lang. Matagal ko na to nafeel pero ako kasi yung type na mataas ang pain tolerance (or slightly keri lang ang physical pain due to many events, haha). Dineadma ko. So dahil nag over compensate "daw" ang left knee ko, pareho na sila masakit. One Monday, narandom isip ko, why not gamitin ang HMO card at magpatingin. So eto, may punit daw somewhere like a very athletic person. I-R-O-N-Y. DO not ask me what happened sa tuhod ko. Basta nangyari.

Tapos.

May mga times talaga na nakakatawa at nakaawa na nagseself trigger ka ng bagay bagay. Wala lang. Narealize ko lang. May specific kasi akong Tumblr hashtags? discussions? tags? kung ano man ang tawag sa thing ng Tumblr na finafollow para lang magself trigger. Wala lang.

Paminsan.

Nagpoprogress siya to Youtube para mas matrigger ako. Hindi ko rin gets paminsan. AT hindi niyo rin gets to. Lets leave it at Porn. Yes, Porn ang nagpapatrigger sa akin. Sorry.

Which.

Dapat itigil ko na kasi hindi nakakabuti sa tao ang Porn. #notoporn

And.

To end this short blog post, dagdag ko din ang I think tao ka lang when you feel frustrated over something. Well, pwede mo siyang gawing leverage para i-push ang sarili mo. Wala lang. Naisip ko lang na madami akong pwedeng ibigay, an arm, a knee (lol, reference), both knees or what have you. Then hindi pa rin enough. OR you do not know if its enough. Wala lang ulit. Reference back, this is maybe why I watch #notoporn. Pero, pero, pero, we will make this as a leverage. One day, I WILL give my knee (or both) and maybe an arm. Or even my writing hand.

Ang labo noh?
Nalabuan din ako.
Osha.
Baboo.
-nyabach0i

Tuesday, July 5, 2016

Finding Dory at si Tito Adam

No. This is not a movie review or movie spoilers kemekeme. Eto ay kwento ni Tito Adam. Si Tito Adam at ang dalawang conyo niyang pamangkin.

Let me give a pasweet na introduction: Me and a favorite person (or favorite person and I kung maarte kayo sa grammar) always makes it a point to do a pakyawan ng movies. Kung drugs or clubbing sa inyo, bigay niyo na ang movies.  Last week, naipasok sa banga ang Finding Dory.

So ayun na nga. Usually, ang binibili namin na ticket ay aisle kasi ang pantog ng kasama ko ay close to none. Kahit laway lang ang drinks, sure required maihi. Sometimes iniisip ko, may attendance sa cinema CRs or mini portal going to a different place or time stop then hindi lang natin napapansin kasi nga nastop niya ang time or whatevs (ok enough ADHD mode).

So ayun na nga ulit. Pagpasok sa sinehan, may lalakeng nakatayo sa harap ng dalawang bagets na super english, "What do you want?". Siya si Tito Adam. Kaharap niya ay ang dalawang bagets na girl at boy. Super sigaw ng mga gusto nila ng popcorn or whatevs. Sabi ko sa sarili ko, pag katabi ko sila maglalaslas ako right then and there.

SO yes, katabi ko sila. The kids to be exact. Sabi ko, shet, wala akong blade pano ako maglalaslas? This is going to be a fun movie experience!

Lo and behold, napakadaldal nila. Sa preview ng mga coming soon na movies, walang ginawa ang girl na bata kundi sabihin na "THIS ISN'T FINDING DORY!" every 5 minutes. Ok fine exagged ang 5, lets make it 10. Then nagunaw ang mundo ko nung bumalik si Tito Adam from his snacks run. Umupo siya sa different seat rows than the kids. Sa rows in front of us. Tito Adam why do you have to do this to us? To me? Why buy tickets with kids na hiwalay ka?!? WHHHHYYYYYY??? Btw, hindi pa din tapos i-point out nung batang babae na hindi pa rin finding dory ang pinapalabas. Hanggang sa sitahin siya ni Tito Adam sabay bato ng popcorn kernel at hamon na lalabas silang lahat pag hindi siya tumigil.

Then sabi ko sa katabi ko, "Pag hindi napuno ang sinehan, lilipat tayo!"

But no. PUNUAN.

NYETAKELS.

So nagstart na si Finding Dory. Yes, naipoint out din na nagstart na sabi nung bagets.
Habang sa course ng movie, yung bagets na babae nakaupo sa arm rest not the seat mismo. So nagmistulang 7'3" siya na lalake sa taas. Sinita na siya ng kalikod niyang babae na "Seat properly please". Umupo naman siya. Pero after a few minutes babalik siya. Then sisitahin siya nung bagets na lalake na "Seat properly someone can't see!". Naka tatlong ganun sila.

You might think wala akong reklamo kay bagets na lalake. Nope. Meron. Buong movie nakataas leg niya sa arm rest side ko so dama ko ang shoes niya. Pero ok na yun. Napatawad ko na siya. Kesa naman katabi ko yung bagets na babae baka makasuhan ako ng something. Charoz lang anubah.

But yes, maganda ang Finding Dory. Natune out ko naman thanks to Ellen Degeneres at ang whales.

Must watch.
Pakisama sina Tito Adam.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...