Wednesday, May 18, 2016

The Dunkin Donuts Story

Well hello there month of May!
So so SOOO much things happened. Devah?? I mean pwede ako mag enumerate ng bagay bagay. Madami! Mga 9 kilos. Pero let us save that for multiple intermittent blog posts. Bigyan niyo ako ng chance please. Kokonti na nga lang tayong blogger, hindi pa ba natin bibigyan ng chance ang isa't isa? 

Okay moving on.

SO, yes, Dunkin Donuts Story.

Kelangan ko ng kape na everyday. Tinatry ko paminsan na wala. Either nagkakamigraine ako or iritable ako. Nakakainis kasi parang nung bata pa ako or around the inarteng adolescent stage, sabi ko sa sarili ko na hindi ako maadik sa kape. May moment sa buhay ko before na hindi ko gusto ang kape at kahit ang amoy ng kape. I guess it comes with adulthood? Ganun ba yun? Pakshet.

Anyway, dahil ako ay reyna ng night shift, pag weekend nasisira ang Eastern Standard Time sleeping pattern ko. Dahil, again, being ang adult, kasama na dun ang chores mo ng weekends. Chores equals general cleaning. Chores equals grocery.

Time warp to grocery time (I understand napakahabang intro na to, wag ka na umarte. Andito ka na eh. Todo mo na.)

Before grocery time, pinilit ko ang nanay ko na shumombay sa Dunkin Donuts adjacent ng grocery entrance. Bilang naginarte ako nung Sunday morning at hindi ako nagkape. Tinry ko mag mind over matter. Ended up with a headache. So shombay at kabig ng order ng black coffee. As black as my heart. Chos.

At as what society tells us, pag nasa kapihan ka, you can't just drink and run. Kelangan mo shumombay. And also, another thing society tells us, if you are shombay mode, you eavesdrop. So please refer to the accurate picture para marealize niyo ang seating arrangement. Katabi namin ng table ay isang Pujay at Junak niya na very much millennial looking with his hipster bright colored shorts and baby tee. And bilang month of May, natapos ang bonggang bongga election season.

I'll try to narrate the conversation. May iba man sa words, pero same meaning. Labo. Anyway.

PUJAY: Bakit niyo naman binoto si Marcos?
JUNAK: Hindi ako. Yung mga kaibigan ko.

Pujay now has annoyed look.

Junak Added: Medyo sikat si Marcos sa mga millennials eh. Madami siyang nagawa sa Senate.... ****blah blah blah more reason I chose not to hear because of personal reasons

Pujay is now furious.

Junak continues to give textbook platforms and conspiracy theories.

Pujay is steaming hot kamote.

PUJAY: Palibhasa hindi niyo alam ang mga nangyari dati.
JUNAK: Yung Martial Law ba yan? Pero maganda in terms of economics at blah blah blah.

PUJAY IS MAD AS FCUK.

PUJAY: Hindi yun discipline. Meron silang kinuha na hindi na mababalik. Naalala ko dati yung mga kumpare ko. Hinuli. Kasi may tattoo sila. Yun lang ang reason. Kasi may tattoo. Tatlo silang kumpare ko. Pinatay yung isa.

Junak in silence.

PUJAY: Meron pa dati. May mga nagwelga diyan sa may SLEX area for human rights. Anong ginawa ng Marcos mo? Inutusan bombahin. After bombahin, bumalik mga ibang tao naman para magwelga. Inutos ulit ni Marcos bombahin. Hindi na sumunod ang PNP kasi sila mismo, alam nilang mali na talaga.

Junak in kroo kroo.

PUJAY: Anong ginawa natin? NagOFW ako. Anong ginawa ng Marcos mo? Yung remittance na pinapadala ko hindi umaabot sa Mama mo. PNP lang ang bank noon na pwedeng mag wire transfer. Wala. Apat na buwan na sweldo ko hindi nakuha ng nanay mo.

Junak sweating bullets.

PUJAY: Alam ng anak niya yan (referring to Bongbong). Alam niya din nasan ang mga nawawalang pera. Pero hindi na niya mababalik yung mga nawala noon.

BOOM MIC DROP.

Nagsorry naman si Junak. Then I ended my eavesdropping.
Intense.

Ayoko maging political about this. Pero ha, do not give me the "Ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak". Yeah, that might be true. Pero he knows. He knows at mukhang wala sa intensyon niya na ibalik. And do not give me the "Look at Ilocos" bullshit. Trabaho niya yun. Expected of them na pagandahin nila ang Ilocos kaya nga sila nanalo.

I will be leaving this Young BBM pic.


Sino binoto kong VP? Hindi si BBM most def.

Okay enough with the political kemisbar.
Nanghihina lang ako pag nakikita ko tax ko sa payslip tapos ganyan ang ganap. Nakakawalang gana.
Osha. Kitakits.
-nyabach0i




10 comments:

  1. dapat sila na lang magbayad ng mga inutang (na ninakaw) mga marcos..

    ReplyDelete
  2. Bet ko yung linyang "Junak in kroo kroo." Hindi ko inexpect na maiintindihan ko iyon at pwede pala yun hahaha :)

    Pag may nakakausap akong pro-BBM, tumatango na lang ako, kasi di ko naman naiintindihan ang mga hugot nila kung bakit super-loyal-die-hard-fan sila ni BBM. Hindi rin naman ako makapagsalita against sa kanila dahil di rin naman ako fan ng mga pulitiko. In short, dedma lang hahaha!

    Kapag meron mang makapagpapabago sa Pinas baka sakaling maging super-loyal-die-hard-fan din ako ng pulitiko na yon... pero sa ngayon wala pa, wala sa kanilang kamay ang pag-asa at paggawa, nasa ating mga mamamayan! Ganyan hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. magandang idea ang ginagawa mo. ano ba naman ang oo both sides! love it!

      Delete
  3. yan ang hirap kapag pulitika (isama na ang relihiyon) ang topic ng usapan.

    ReplyDelete
  4. yan ang hirap kapag pulitika (isama na ang relihiyon) ang topic ng usapan.

    ReplyDelete
  5. Infer, naaliw ako 'teh. Basta alam mo yan, pareho tayo ng opinion. Isa pa pala sa nagpainet ng ulo ko...yung tweet ng junak ni BBM... sarap patulan hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. apir tayo sa same opinion! nakakainit talaga ng ulo shet. oo sarap patulan! kaso syempre, busy tayo sa ganun.

      Delete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...