Monday, December 21, 2015

Ulap

*Okay. Nagreread ako ng mga random notebooks ko, only to find this written. Tapos ako mismo nagandahan at hindi naniniwala na sinulat ko siya. I totally forgot about it! (Arte ng english, shuta ka.) Anyway, kelangan bago matapos ang taon makapagpost ako ng mga sumusunod, Nakakatibo, isang random, at isang dedicated sa Miss Universe. --- Speaking of Miss Universe, kelangan ko irewatch. As a bakla, it is my duty to rewatch it.



hahampas ang malakas na alon
sa gabing ipinipinta paulit ulit
ng panaginip na minsang nagdaan
lalapit ako at isa isa kong kukunin
mga bituin sa gitna ng puso mo
tanong ang sasambulat sayo
matagal nang naitago ng panahon
lalakad tayo sa gitna ng ulan
bawat patak ng ulan
bawat pintig ng puso
...andaming ulap
parang nabibilaukan ang langit

So ayan. Mga ilang beses ko nireread only to realize na oo nga sinulat ko siya before. Wala lang. Nakakagulat ka past nyabach0i. Kasi first and foremost, tagalog yan. As a conyong tabachoi, you mostly make sulat sulat in english lamang! Anyway, ngayon na medyo may vague memory na ako ng when, why, who mo naisulat yan, medyo nag inarte ka na naman ng burberry light.

Pero ha, since I am talking to you past nyabach0i, can I just say haaaa, can I just say. Shuta ka wag mong kalimutan magsulat ng date sa mga sinusulat mo. Puta ka papahirapan mo pa ako. Nagawa mo nang magdrawing ng inarteng ulap pero noooooo, hindi mo nilagay ang date. Hindi ko tuloy alam kung sa beach mo sinulat yan (which I doubt, ano to romcom movie? coming of age movie?) or nag out of body experience ka!

Okay hanggang sa susunod sa inarte mo.
Arte mo puta ka.
-nyabach0i

7 comments:

  1. Replies
    1. nakakadiri noh? ayoko talaga tumitingin ng mga past. pero ang weird kasi sulat naman tayo ng sulat. pero wag mo dispose! tago mo lang! para din sa future self mo yan!

      Delete
    2. Buo na ang desisyon ko na i-dispose ang makasaysayang Diary na iyon. Believe me wala namang kakwenta-kwenta ang mga sinulat ko dun tulad ng daily ganaps like "kumain ako ng ganitez", "nanood ako ng ganiyench", at kung ano-ano pa na wala nang maitutulong sa life ko haha. Siguro ang positive na lang na maidudulot nun sa'kin ay yung tuwa kapag binabasa ko siya ulit. Other than that, wala na. Nakakahiya pa naman yung ibang sinulat ko dun na for me ay hinding hindi ko ipapabasa kahit kanino. haha

      Delete
    3. gagi iba pa rin yung may mareread ka na nakakadiri kasi mega dear diary! pero ikaw. decision mo nga naman yan bakit pa ba kita pinangungunahan? chos!

      Delete
  2. Magaling naman tlga si past nyabachoi, inarte lang tlga. Pero salamat na rin at dahil sa kanya ay nagkapresent nyabachoi at magkakafuture nyabachoi. Salamat past nyabachoi. Puta ka, arte mo.

    -A2

    ReplyDelete
    Replies
    1. apart from all the extra fat! hahaha. salamat present and future A2 at baliw ka!

      Delete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...