Wednesday, October 2, 2013

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAT?

I just skipped a whole month?! 
Odiba ang arte.
Pero seryoso?? Nahurt ako nang makita ko na buong September pinalipas ko lang na parang utut.
So sa mga naliligaw sa blog ko, sorry. Ako na ang best in matumal.

May rarandom thoughts mode ako. Kasi konti lang ang oras na meron ako (parang hindi niyo naman alam na forever excuse ko ang kabusyhan.)

1. Youtube
Adik ako sa Youtube ngayon. As in. Most of the time, dun nauubos ang oras ko (aside from work, pero most of the time work, not unless nagsisinungaling ako.) Not Youtube in general but Youtubers ha. As in crush ko na si Ryan Higa at naiirita ako sa pagmumukha ni Jenna Marbles. Pero ang bet na bet na bet na bet ko ay si Nat Tran. As in. Kahit paulit ulit pa.

2. OhDaughter
Shet tong indie slash emo eklavur British band na nadiscover ko recently. Sobrang tagos na tagos sa heart. As in gusto ko humagulgol sa isang corner kakaiyak everytime naririnig ko sila. As in curl sa isang corner. Alam ko naexplain ko na to before (either eto or yung nabura/binura kong blog), pero gusto ko yung mga indie, sad, depressing, etc etc band at mga singer. Naiimagine ko pa lang naiiyak na ako. Naiimagine ko pa lang na kinakanta ni Elene Tonra (vocalist ng OhDaughter) kanta ni Damien Rice gusto ko umiyak at maglaslas sa sobrang emo! Lovet!

3.8Tracks
Eto yung app kung san ko nadiscover si OhDaughter na kasama ni Bon Iver at Ed Sheeran. Kung sino man ang nagisip ng app na to promise nakakaloka ka. Kung may app kayo, spottan ang Indie+Sad na mix. Boom!

4. Gymnastics
Specifically women's artistic gymnastics. Not rhythmic. Kung may sport man akong sinusubaybayan, eto ay ang WAG. As in whole heartedly na sinusubaybayan. And kung nagegets niyo sinasabi ko, team USA ako. As in OA. Ako mismo sure akong adik ako. Nagegets ko na ang nafifeel ng mga sports fanatic na mega follow sa mga basketball players or what not. For some reason nageenjoy ako manuod ng WAG competition. Katulad sa mga panahon ngayon, Worlds Championship. Parang equivalent ng Olympics feeling ng gymnastics. Shet, Kyla Ross. Shet. Aliya Mustafina. Shet.

5. Adobe Illustrator
Eto ang ultimate goal ko. Matuto nito. Hindi yung pasweet na matuto lang ha. As in proficient. Pasensya na. traditional pen and paper drawing mode lang kasi ako. Shet may mga online eklat ba to?

6. Wordpress.
Gumawa ako ng account sa wordpress. Dun so supposedly lalagay mga poem or prose na gawa ko. But no. Eto ngang Blogger hindi ko maupdate regularly yun pa kaya? Wala nganga si Wordpress.

7. Upbringing
Naniniwala ba kayo na kung ano ang puno siya ang bunga? From a 3rd person's point of view, mga ilang beses na kayo nakakakita ng mga kaibigan niyo na medyo humahawig na sa ugali ng magulang nila? At pinaka funny pa na part dun ay yung fact na ayaw nila ang certain ugali na yun. Ako kasi napapansin ko na na pareho or hawig na kami ng ugali ng nanay ko. Bongga lang.

8. Chito Miranda + Neri Whateverherlastname
Bakit may feeling ako na sila na mismo nagpakalat ng pangalawang sex video na yan. Exhibitionist much?

9. PDAF
Bakit may feeling ako na ang gagawin na lang nila Revilla at Estrada ay magreresign kunwari para matapos na ang PDAF issue? Resign ala Zubiri na pagkaresign hindi na iinvestigate? Etong Tito Sotto na to bakit feeling ko echusan lang ang 14th month pay kasi alam niyang galit lahat ng tao sa kanya bilang tatangatanga siya? Parang to win back ang mga tao? Feeling ko lang naman.

10. Noise barrage
Sa lagay ba eh gusto mo pa ba ng Rondalla sa labas ng bahay niyo? Or magpapanoise barrage ako for 1 hour? Ano pa ba ang gusto mo? Flare gun? Mga ganyan na signs? Parang nagpasurvey naman ako at ang resulta ng survey ko ay wirdo ka lang. NKKLK. Pakilabas ang black book. O, hindi lahat about sayo ha. (I bet you think this song is about youuuu dont chuuuu dont chuuuuuuu?)

Anywayyyyyyy
Sa mga nanunuod ng Shingeki no Kyojin, OMG NKKLK noh??? First time ko manuod ng Anime at hindi ako nagkamali sa pagpili. Crush na crush ko na si Mikasa. Shet gusto ko maging ganun kagaling na killer.

Ayun lang. Till next month. Charoz.
-nyabach0i

13 comments:

  1. 1) Subscribed din ako kay Ryan!

    2) Nakakaemo nga yung boses nila.

    5) Search mo lang kay pareng google, maraming lalabas.

    6) Anong url?

    7) Nakarelate ako. Haha.

    8) May 3rd video pa nga daw eh lol.

    11) Eto ba yung mga titan yung kalaban?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Sobrang crush ko talaga siya promise!
      2. Oo grabe sa emo levels. Plus yung lyrics pa tagosnsa heart.
      5. Puro may bayad eh.
      6. Secret. Pilitin mo pa ako.
      7. Apir!
      8. Omg papansin na sila promise.
      11. Korekkkk! Yan nga!

      Delete
  2. Deadma na lang sa chito neri at pdaf. Wahahaha masearch nga yang band na yan briton pa naman dagdag points!! Hahaha at wag black book ang ilabas. Death note dapat!! Hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Namiss rin kita! Hug!
      Sobrang bet ko yang briton na band na yan. Promise.
      Speaking of death note, papanuodin ko siya. Malapit na.

      Delete
  3. Shingeki no Kyojin! Apir! Si Eren 'di mo crush? The Titan Eren haha. Galing ni Mikasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir back! Ekis hindi ko siya crush. Si Levi at Mikasa crush ko!

      Delete
  4. Hoy kelan mo ba kami bibigyan ng mga bagong pagpapantasyahan?! hahaha! Demanding! Ano ba ang racket mo lately?


    1. Youtube- Youtube is my staple. Dito ko sinusubaybayan ang paborito kong teleserye- My Pork's Lover- ang mga grandstanding speeches at walang kwentang senate hearings sa bwakanang pork barrel na yan.


    2. OhDaughter- I looked it up sa youtube. Cool. Like it.


    3. wala ako ma say dito. Can't relate na.

    4. Gymnastics- I used to watch gymnastics with enthusiasm for some other reasons. Hahaha!

    5. Adobe Illustrator- not my thing.

    6. Wordpress- i used to have a wordpress blog account. I deleted it, kasi naging controversial ako sa community namin. I decided to go to blogspot kasi parang mas manageable ang blog using blogspot at the same time mas maraming features at visibility. At siyempre dito na ako sa blogspot nagtago.

    7. Upbringing- not much about the character pero sa tingin ko yung mga virtues at yung mga nagiging principles nila. For example, Queen Victoria was one heck of a sex animal, and she longs and desires to have sex with her husband always, but not with other men. Nakuha ng mga anak niyang lalaki ang sex drive niya pero not her virtue and principles, kaya they humped everything that moved other than their wives. Malinaw ba?

    8. The f*ck! Nagpasikat na nga lang din yang mga yan. Sinundan pa nung kay wally. As if we're all interested to see him give a poor bitch a creampie. Duh! Can't they do something else? Like twerking like a pathetic whore?! Sorry bitch Miley.

    9. PDAF- P***NG*NA NILA MGA SENADOR AT KONGRESISTA SILA, with sobrang todo na feelings.... Tang na dis!

    10. Noise barrage- Bakit kelangan magingay?

    Ano ba? You have to wake up when September ends!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malapit na ako magpost ng mga kung anekanek! Kelangan ko lang magresearch ng more and more. Alam mo naaaa, nauubusan rin ako ng crush. Hahahaha.

      Bet na bet ko ang reaction mo anout upbringing! Totoo yan. Sapul na sapul.

      At regarding sa noise barrage, paminsan kasi may mga tao na paimportante na gusto pa mg noise barrage in their honor mapansin lang sila. Che!

      Delete
  5. Sa Shingeki lang ako magco-comment lols, next year pa ang next season so hintay much lang ang peg. Kakaloka lang! LOL

    Gusto ko din si Mikasa kasi ang astig astig lang niya especially pag mathreaten na si my loves Eren niya. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakalokang tunayy! Ano na pala pagkakaabalahan ko aber tuwing sunday? Mag blog ganun? Charoz.

      Grabe gusto ko kung gaano kapassionate si Mikasa pumatay at kay Eren. Peg na peg!

      Delete
  6. Nyabachoi... Post mo na request ko.... Alam mo na ibig kong sabihin...

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...