So sa mga oras na to mega flood ang twitter na kesyo nagearthquake kemekeme raw. Tapos parang lahat naman ng mga tao mega retweet ng bagay bagay. Kala mo first hand experience. Tapos may mga nagjojoke pa. Bongga.
Pero fine. Hindi ko nafeel ang earthquake na yan.
Ako na ang sanay sa mga paguuga ng kalamnan. CHAROZ.
Hay naku. Tagal na akong hindi nagblog. Well busy ako. (Parang forever ko naman tong excuse). Maliban pa dun, maraming kaganapan sa panahon na to. Maliban sa busal busal ang bibig ko bilang kakapabraces ko lang, ikakasal pa ang isa sa mga supah close kong friend. E ang ate niyo ang maid of honor. Sabi ko papayag ako sa isang kundisyon. Kelangan bongga ang entrance ko. So sabi ko nakaharness ako papunta sa altar tapos ang entrace song ko ay Bad Romance ni Lady Gaga. Tapos kelangan yung mga KOA ay magiging back up dancer ko pagdating ko dun. At syempre kelangan may spotlight sa akin.
Yup kakabugin ko ang bride. Moment ko yun eh. CHAROZ CALDO.
Maliban sa busy ako diyan. Malaking part rin sa akin ang tamad tamaran portion. Parang bet ko lang magemotera mode. Although may ganun naman talaga akong side. Maliban sa baklaan festival side ko, meron akong malupit na emotera, deep, with a pinch of seriousness mode. Naappreciate ko lately ang solitude mode. Gusto ko lang ng magisa. Ayoko makipagkita sa mga friends ko. Bet na bet ko nga yung kumakain sa foodcourt magisa. Gusto ko yung ganung feeling. Ayoko ng kinakausap ng mga tao. Nung nagsabog ng perkiness at congeniality, either tulog ako or kumakain ako. Deadmabelles. Ako na. Ako na ang inarte at wapakels.
Pero isa sa mga araw na to talaga kelangan ko magpost ng emoemo shit. Namimiss ko na rin ang ganung writing keme.
Oh sha. Yun lang. Gusto ko lang ishare sa lahat ang naiisip ko sa 5 min na nakalipas.
Back to kemehan na ulit.
Baboo.
-nyabach0i
dapat mas vunggah ang sout mong gown.... yung mala monique lhuillier wedding gowns ganyan..... tapos pagmukhain mong flower girl yung bride pag-itinabi na sa yo... :)
ReplyDeletekorekkkk! yan talaga ang ultimate goal ko. maging kabogera ng wagas sa bride. hahaha. ay naku day, tatadtarin ko ng swarovski crystal ang balat ko. very lady gaga ang peg.
Deletedi ko alam ang earth quake na yan... dito pa ako na update ng news hehehe
ReplyDeletebuti nakabalik ka sa blog....
hindi naman ako mawawala sa blog ko. kumalma ka lang. hahaha. well kung mapapansin mo nagboblog lang ako pag may news. echusera kasi ako. hahaha.
Deleteneenjoy ko pa rin ang sulat mo kahit paminsanminsan lang.
ReplyDeletetalaga? kinikilig naman ako sa comment mo. hihi.
Deleteabangers akekang sa "nakakabading" moments....
ReplyDelete:)
push mo ang abangan portion na yan. nangangalap pa akira ng mga contenders sa larangan na yan.
Deletepapic ka na naka maid of honor. nakakaloka nyabachoi version! hahaha...XD
ReplyDeletesige sesend ko sayo lang. ano email mo? hahahahahaha.
Deletechiriko19@gmail.com
Deletesino ba ang kumanta ng shadam da dam, shandadam? nasa dulo ng dila ko, naalala ko lang. :D
ReplyDeletedi ko nga naramdaman na nagka earthquake pala, tapos 5 pa ang intensity
kapag tumibok ang puso by donna cruz. hahahahahahaha.
Deletehi ate, nasan na yung gagawin mong picture sa title ng blog ko? hahahhaha
ReplyDeleteanong picture tong pinagsasabi mo burigs? hahaha.
Deleteyou never fail to make me smile or laugh mae. pasok na pasooook!
ReplyDeleteikaw rin naman teh. pasok na pasok ka rin!
Deletegusto mo pa talaga talunin ang bride. ahaha! ang kulet lang.
ReplyDeletemay times nga ang sarap lang mag-isa. yung tipong kahit kasama mo sa bahay pag kinausap ka, titingnan mo lang tas dika magsasalita. ginagawa ko yun paminsan, kasi, nakakatamad magsalita.