Ako na. Akong ako na. Ako na ang best in busy. Ako na rin ang best in tamad magblog. Isama mo na rin na ako ang walang pera award. Akong ako na. Kasi naman. Parang this past few weeks best in hikahos sa buhay ang peg ko with a very maximum levels of busyness. Buti sana kung kasabay ng yun ay nakakahanap ako ng harhar or nawawala ng ilang pulgada ang waist line ko. Charotzzzz.
In fairness ha. Kahit sobrang busy ako. Kelangan ko pa rin payanigin ang katawang lupa ko (wag tayong bastos, kung bastos, edi fine bastos). Pero dahil online lang ang life ko (dahil loser ako), wala na akong ibang option kundi isaisahin ang mga yemi na tao. Ganern talaga. Tinanggap ko na na parte na talaga siya ng buhay ko. Ang maging babae by day at bekbek by lifetime. MEHGAHNUNGKACHEAFUN.
On that note, iseshare ko ang mga flavor of the month ko. Bilang matagaltagal na rin akong hindi nagpopost.
1. Chaiwat Thongsaeng
Odevah. Very pinoy looking! Pero siguro naman nafigure out niyo na sa namesung niya na hindi siya Pinoy. Not unless pinagtripan siya ng magulang niya.
Pero aminin niyo, ang yummy ni kuya. May right levels of hairyness si Tob. Oo Tob ang nickname ni kuya. Not unless bet niyo siyang tawagin ng paulitulit na Chaiwat. Ako wala akong balak. Effort yan.
Sumikat si kuya sa Bangkok bilang taartits na straight na pumapayag mag gay roles. Hindi na lang kasi umamin na bekbek. Charots.
Pero aminin niyo ulit, napatitig ka sa ugat ugat niya sa bolex. Sumasabay pa sa init ng Summah!
2. Dominic Lau
OMG. Eto ang literal na levels na sarap ipakilala sa buong angkan. Etong si Dom (kung makanickname kala mo mega close) VJ sa Channel V at mga kung ano anong anik anik niya sa E!
Pero di ba. Yung itsura niya sobrang Ely Buendia slash isa sa kambal na anak ni Bembol Roco. Devah?? Pero wala akong pipiliin kay Ely at sa kambal. Hindi ko sila bet. Pag combined fine. Why not. Haha.
And what a name is Bembol??? Ano yan mga pinagsamang name ng magulang? Ganun? At mga 10 min akong nagpause sa part na to kasi wala akong maisip na Bem at Bol na name. Bemmelyn at Boltron. Baduy. Shet sana may makasagot kung san galing ang name na Bembol.
3. Leandro Okabe
OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG.
Sa lahat ng nakita kong Japanese-Brazilian halfsies etong si Leandro na ang bet na bet! Kabog na kabog niya ang mga anditeysung sa Pinas! Baby puh ang face. I swearrrrr.
Wala na akong gustong sabihin kasi parang nauubos lakas ko bawat tingin ko sa pic niya.
Pero gusto ko siyang tanungin kung ano ang hawak niya.
In fairness sa recent events ha. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Sa sobrang dami. Wala akong gustong isipin. Gusto ko lang iconfirm ko truelagen ang Hailstorm sa QC kamakailan lang. If yes, may pics ba ako na pwedeng makita?
Yun lang.
Miss you all and I miss myself.
Parang peg ko ang drama anthology sa next post (siguro mga next month to, charots.)
-nyabach0i
worth it ang paghihintay sa nakakabading edition mo teh! super duper nawala antok ko dito sa office. teh bakit ganon sila? ang gwapo at machoooooooo wahhhhhh i lust them all haha yan ang mga tipo kung lalaki LOL
ReplyDeleteoh ehm gee... may nabasang something sa pagkatao ko lalo na sa number 3...hyyy... hahahah
ReplyDeleteayun oh! nagbalik.. namiss ko tong nakakabading edition haaaay.. nakakapanlambot ng tuhod and mga titig ni Dom! hindi ko bet ang mga ugat ni kuya Tob haha!
ReplyDeletewelcome sa pagbabalik hehehe
ReplyDeletenakakaunmotivate magpamacho kapag ganitong kagwapo mga nakikita ko.
ReplyDeleteAHAHAHAHA... namiss ko man tong "nakakabading" moments....
ReplyDeletealiw ako ke Tob... maganda din yung Bangkok Love Story kaso kung gaano kaganda, tikas at laki ng bulto ng bodyburey ni otoks eh sing liit naman ng kepyas ang boses..
:)
kems na sa voice..... go na lang ng go sa barda meals!
abangan ko nga ang drama na iyan sa susunod na post, para kasing naiintriga ako sa drama na iyan :)
ReplyDelete