Bumalot sa akin ang pagod.
Kinakain ako ng kama.
Palubog akong bumababa.
“Kung tutuusin, hindi ako dapat nasasaktan.
Sa totoo lang dapat wala tayong nararamdaman.
Magulo ang mundo, saksi ako dito”
Lumapit isa isa, ang mga ulap sa taas ng kama.
Matutulog ako, ng mahimbing, hanggang bukas.
Haplos na hindi matiis.
Ano ang sinisigaw ng bawat isa.
Ngayong gabi, wala na talaga.
Nakikita ko ang kalabuan ng mga mata mo, mata ko.
Bakit sa pagkakataon na to, umiiyak ang mga tala
Nakapinta sa mga dingding ng kama ko.
Hindi lahat ng gusto natin nasusunod.
Kahit anong pilit mo, anong ibigay mo,
Mararamdaman mo ang butas sa gitna ng puso mo.
Sa puso ko.
“Oo nga, tama nga naman,
Laging may mas,
Laging may salitang mas.”
Mas mahal ng isa ang isa.
Mahal mo ang tingin mo tama.
Mahal niya ang sobrang mali.
Mahal ko ang mas mali.
Ay bago ko pala makalimutan. Pinuyat ako ng husto niyang RHbill na yan ha. Buti na lang hindi ko kayo followers sa Schwitter. Baka nairita kayo sa mga posts ko. Promise lahat ng bumoboto ng NO sarap lunurin sa placenta at amniotic fluid! Heller??? Filipinize the world? World domination?? Kairita much. Basta affected ako. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong balak mabuntis or whatever, affected pa rin ako. HAHAHAHA.
At yung labang PacMarquez na yan. Mageexplain rin ako isang araw. Pero sorry, medyo hiniling ko na matalo siya (wag niyo ako dumugin please.) Malaki ang hatred ko kay Manny. Pero OA ni Justin Bieber ha. Mukha pa ring paa si Justin Bieber. Basta explain ko to minsan lahat. HECTIC AKO, HECTIC. WAHAHAHA.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i
Isa ka rin pala sa mga napuyat at nag-abang sa makasaysayang botohan ng #RHBill na iyan. Sino ba naman ang hindi maiinis kay Rep. Almario sa kanyang "Filipinize" chenez! Nakaka hiyang na-elect pa siyang representative ng bayan niya. Hula ko eh takot ang mga bumoto ng "NO" na mawalan ng boto mula sa church sa darating na eleksyon. Dumating pa si Manny, tayuan ang mga kongresista! Lol, pero expected na NO talaga ng stand niya sa RH bill. Si Rep. Torres-Gomez voted NO din :(
ReplyDeletenaiintindihan ko kung bakit NO ang sagot ni lucy torres-gomez. although personal ang opinion niya about dun, fine bibigay ko na sa kanya.
Deletepero deadma na. panalo na ang yes eh. hahaha.
nawala ang first comment ko! sayang! asaress!!
ReplyDeleteanyways, hindi ko nasundan ang reading ng rhbill na yan dahil baka ako ay atakihin sa puso dahil kung makapagreact din ako ay wagas na wagas!! makikibalita nalang ako sa mga updates ninyo hahaha
mukhang winner na ang peg ng rhbill! sayang napaisip naman ako kung ano ang meron sa 1st comment mo. ulitin mo nga. charots.
DeleteNaks makata ang peg a Ahaha at lovelife ang theme **sana tama ang interpretation ko** tapos nb ang 3rd reading ng RH bill? Babawi daw ang NO kasi 60 reps ang absent sa last botohan!
ReplyDeletemukhang bang lovelife yan? hahaha.
Deleteoo tapos na ang 3rd reading at panalo pa rin siya. toroy ni pia cayetano!
Ano nang updates sa RH Bill? Ang emo-emo mo lately. lol Makata ka ngayon girl ah :P
ReplyDeletehindi ako emo. nagiinarte lang. hahahaha.
Deletemay pagka-makata ka rin pala ehehe..
ReplyDeleteuu nga nababasa ko mga updates mo sa chwirer..dont wori i understand..suportado kita ;)
hay naku naloka ako sa rhbill na yun. gusto ko manampal ng mga tao. hahahaha. huy salamat sa pagfollow sa schwitter!
DeleteAng lalim ng tula mo Ate. Akalain mo may ganyan ka pala ng side. Akala ko noon eh mahilig ka lang talaga sa gay porn LOL. Nice to know na may seryosong side ka pala. Kahit lagi kitang napagkakamalang Kuya. At aaminin ko hindi ko talaga naintindihan yung tula kasi ang lalim ahihi. Pero ang sarap basahin nang malakas.
ReplyDeletesalamat naman at may mga ganyan ganyan kang comment. haha. pero wala, mahilig pa rin ako sa gay porn. WAHAHA. pero ganern talaga, tawag ng panahon paminsan magkakaseryoso side ka. ayoko lang karirin kasi hindi na maniniwala yung mga nagbabasa na ako yun. haha.
Deletetaamaaa! Hindi lahat ng oras masusunod ang gusto natin!
ReplyDeleteAno nmn ang masmalalim n napag alaman mo sa RH bill? Pasado na ata as of now?
pasado na. pwede na tayong kumalma. hahaha.
Deletehindi rin ako nakapg-focus sa work dahil sa RHBill na yan... maganda ang tula... i feel the emotion...good read...well written...bravo! malalim nga
ReplyDeletesalamat senyor. hindi naman masyado malalim yan. onteng inarte lang yan. hahaha.
Delete