Oo na, oo na. Alam ko. Wala pa ring akong post na Nakakatibo or Nakakabading. May shortage kasi ako. So sa mga gustong magvolunteer na masama sa list, pakisend na lang sa email ko ang nakatopless na picture niyo. Magpapasurvey ako kung pasok kayo sa jar or hindi. HAHAHA. Charots lang. Next na post promise. Uulitin ko na naman ba na busy ako? HAYNOWRAYT?
So bakit nakakairita kemerloo ang post ko? Una sa lahat, yung word na "Ka" diyan ay hindi to single out ang isang tao. Kasi pag "Kayo" ang ginamit kong term, magmumukhang galit ako sa mundo at baka basagin ang feslak ko ng mga strangers na tatamaan. Charots. Mas bet ko lang talaga ang singular kesa sa plural. Hahahaha.
Kasi naman. Umamin tayo. May mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at kung ano man na automatic nakakairita na sa atin wala pang nangyayari. Teka may term dito. Petpeeve. Arte ng petpeeve! Lakas maka uptowngirl ang term!
So ano ang silbi ng post kong to? Wala. Walang silbi. Charotology. Sa totoo lang, gusto ko lang ishare. Kasi napapadalas na ang petpeeve moment (naks! magamit lang ang term na petpeeve sa sentence!) ko. Effect ata to ng pagiging single nga at madalas online (please refer to previous post). HAHA.
PULUBI.
Teka kelangan ko muna magkwento para magets. Last last week inaantay ko ang friend ko sa kanto kasi taxipool ang peg namin para makapasok sa office. So nananahimik ako with my boombastic sounds sa tenga nang biglang may lumapit sa akin na pulubi na may hawak na sulat kesyo may sakit si chuva at badjao daw siya or something. E kinalabit ako ni kuya!! Wala na! Auto-NO na yung sagot ko. Hindi tumigil si kuya! Kaloka. So hindi ako ng hindi. Syempre like everyone else, ignore ignore look away ignore ang peg na. Aba! Consistent si kuya! Hanggang sa sumagot na ako with a very galit tono! "Wala nga eh!" So ano ang ginawa ni kuya?? Minura ako in badjao (inassume ko na mura or something bad ang sinabi niya kasi nakikita ko ang galit sa face niya).
Sa loob loob ko. REQUIRED?!?!???? MAY PATAGO?!? Kaloka! Kung kaya ko lang mag flying kick ginawa ko na. ----Yan ang ayoko. Mga mapusok na pulubi. Yung umaasta na kala mo may utang na loob ka sa kanila kung manghingi ng monelya. Kaloka.
HAND GESTURES NA HINDI DESERVE.
Natweet ko na to I recently. Kairita I schwear ang mga ganyan. Alam mo yung nagpipicture nang nakaganitong "surfer" hand gesture na to. Gets mo yun? Maiintindihan ko to kung alam nila mismo ang history ng hand gesture na to. Kung Hawaiian sila. Kung surfer sila. Kung taga Brazil or whatever. Pero yung alam mong hindi, wow. Kung may picture kang ganyan, wag niyo na share sa akin. Tago niyo na lang sa ibang mga tao. Hehehe. Kung hindi niyo alam na "Shaka sign" ang tawag diyan wag niyo gawin. Kung hindi niyo alam na "hang loose" ang meaning ng sign na yan wag niyo na gawin. At no, hindi lang to limited sa sign na to. Marami pa tong iba ei yung mga jejemon sign. HAHAHA.
PRESSURE.
Hindi naman pressure in general. Okay lang yung pressure. May lalo na sa...
Pero ang ayoko talaga ay pinepressure sa banyo. Alam mo yung sumisigaw sa labas na "Dalian mooooo!" tapos after 5 sec "Tapos ka naaaa?" tapos after 2 sec kumakatok na ng sunod sunod sa pinto. WOW! Promise. Sasadyain ko nang bagalan yan. Wapakels kung magalit ka or taeng tae ka. Ayusin mo ang pressure moment sa akin. Malamang pag sinabi mo na nung una, noted na. Wag mo ulit ulitin kasi magmamadali naman ako eh. Naiimagine ko pa lang umiinit na ulo ko. HAHAHAHA.
Ayan. Tatlo na muna. Hindi ko na kaya magisip ng iba kasi umiinit ulo ko. Ganun ako kaaffected. WAHAHAHA. Plus nagmumulti task ako. Pero marami pa yang listahan na yan. Hindi ko pa nasheshare yung galit ko sa mga taong gumagawa ng photo album sa social media chuchu ng mga gamit na bagong bili. Yabang much? Hahaha. Ayoko na. Ititigil ko na to. Hindi ko rin kung ano ang motivate sa akin na magpost ng ganitong level ng rant. Pero promise next post Nakakabading or Nakakatibo na (nakalimutan ko kung ano na talaga ang next).
Sana ang mga nasalanta ng Pablo ay matatag pa rin sila. Kaloka na ang mga bagyo. Lakas maka end of the world! Shet kelangan ko abangan kung guguho na ang mundo sa 21.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i
kahit rant ang post mo may natutunan ako yung meaning ng shaka sign LOL
ReplyDeletebuti naman kahit papaano may natututunan ang mga tao sa posts ko. haha.
DeleteMahilig pa naman ako maghand gesture dati, buti natanggal ko na. Haha. Ganyan na mga pulubi ngayon, demanding.
ReplyDeletenako wag mo pakita sa akin ang picture na yan. hahaha. joke. oo nga kairita ang mga pulubi na yan!
Deletebadtrip din para sa akin yung minamadali ako sa banyo. hindi ako makakanta ng maayos. choz. sa hand gestures, trip ng mga jejemon yun, hayaan na lang natin. dun sila masaya :D at ang panalo sa lahat ang mga makukilit na badjao na galit pa kapag hindi nalimusan. minsan nga may sumakay na ganyan habang umaandar yung jeep, paano na lang kung nakabitaw yun. kalat utak nun sa kalye...
ReplyDeletepero promise. ayoko ng pressure sa banyo. mananapak ako ng tao. hahaha. kinakarir na talaga ng mga badjao ang pagiging pulubi.
Deleteyun pala ang meaning ng hand gesture na yun, buti nalang wala pa akong picture na naka ganyan ang aking kamay haha.
ReplyDeleteNakakainis na rin minsan yung mga pulubi lalo na yung mga umaakyat sa sasakyan, masyado na silang marami nakakapagtaka at nakakaalarma na sila at kung saan man sila galing!
di ba? malakas kutob ko may isang buong organization ng mga ganyan eh. weird talaga. hahaha.
Deleteang dami ko talaga natutunan sayo mareng nyabatch0i. kahit hindi nakakatibo at nakakabading ang post mo, panalo pa rin.
ReplyDeletekorek, yan talaga ang hand gesture na hindi deserve ng nakararami lalo na kung hindi pa nila alam kung ano ang meaning nyan. ano daw? kalog? mukang tang lang.
oo tama! mukha lang talagang tanga. parang pacool na ewan. kacheapan.
DeleteLOL sa pressure sa banyo. Ayoko din nyun. dami kong naiisip. dyuk!
ReplyDeleteNaks informative ang post mo ngayon ah :) Nakakapanibago... Lapit na end of world, nagbabago naba?
Sana'y maging matatag nga ang mga nasalanta ng bagyo.
hahaha. grabe naman. most of the time wala kang natututunan sa posts ko? hahaha. joke.
Deleteramdam kita teh..kairita talaga yung mga pulubi na makapangalabit eh wagas na wagas..
ReplyDeletehindi ko alam yang gesture na yan..kaya di ko ginagamit laging japan japan lang gamit ko sa picture hehehe..
ay naku di pala tayo pwede magsama kasi ganyan ako eh..wagas ako mangatok lalo pag naje-jebs na ko tapos ang tagal tagal nung nasa banyo..minsan winawasak ko na yung pinto pag matagal pa rin lumabas..hahaha..charot!
hay naku hindi tayo pwede magsama sa isang bahay! isa sa atin mamamatay! hahahaha.
Deletedami kong natuklasan... ung iba kasi di ko pa alam hehehe
ReplyDeletemay ganyan talagang pulubi... nakakainis nga ung ganun... parang sila pa ang galit...
sana next time... ung nakakatibo at nakakabading eh mga bloggers ang laman hahaha ^__^
ilalagay kita minsan. pahingi ng picture. haha.
Deletehahahaha.. ngayon ko lang nalaman yung hand sign.. anyway.. angkulit lang talaga kapag minamadali ka sa cr.. pakshet lang!
ReplyDeletenow you know! hehehe. pwede mo na ishare sa iba ang shaka sign! haha.
DeleteHOHOHO! Nakakairitang pulubi e yung pag di mo nabigyan e galit pa. Hulu! Compulsory? HAHAH!
ReplyDeleteAt yung gesture, ngayon ko lang nalaman. Pero wala akong ganung pic. ^^
At yung panghuli.. ramdam kita. HAHAH!
prerequisite?? hahaha. talo pa nanay ko kung manghingi ng pera!
Deletetawa ko ng tawa! Ang babaw talaga ng kaligayahan ko. Kahit rant post 'to na aliw me habang kumakain ng bayabas at popcorn.
ReplyDeletehaha. kalokang combination ang bayabas at popcorn ha. pero sige fine. kung anong trip mo. charots. salamat at napatawa kita! benta rin naman sa akin ang posts mo. :D
Delete