Dear You,
Naalala mo pa ba nung gumapang tayo sa ilalim ng computer table tapos dinrowingan mo yung baba? Hanggang ngayon sure ako na wala pa ring nakakakita kung ano ang dinrawing mo dun. Naalala ko pa na black crayola lang gamit mo dun. Although sobrang "dark" ng drawing na yun, at an early age napakita mo ang galing mo sa mga ganyang larangan. Idol talaga kita.
Natutuwa rin ako sa kung pano ka magkwento paminsan. Natatawa ako na nauutal ka sa mga bagay na madali dapat ikwento. Tapos magdedefault answer ka na "basta yun!". Tapos pagagalitan mo sarili mo kasi parang hello! dapat sobrang dali na lang na kwento nahihirapan ako. Nakakatuwa rin yung fact na sobrang bilis ng utak mo. Parang andami mong naiisip na bagay. As in nagooverflow ang ideas mo na paminsan hindi na kinakaya ng bibig mo. Patawa yun sobra.
Grabe. Gaano na ba tayo magkakilala? Tagal na rin noh. Alam ko ilang beses ka na rin umiyak. Syempre, ilang beses ko rin sayo sinabi na, "kaya pa yan." Pero naalala ko last year na muntik na rin ako sumuko. Kasi kitang kita ko sa mata mo na hindi mo na rin kaya. At hindi ko na rin kaya makita kang ganyan. Pero buti na lang talaga noh? Grabe ang bilis ng panahon! 1 year older ka na!
Natatandaan mo ba yung unang beses na uminom ka? Pinagtatawanan mo pa sa loob loob mo yung kaibigan mong nalasing ng wala pang 5 mins. Tapos parang biglang naging open forum ang event ng inuman na yun. Nagtago ka pa para hindi makita ng nanay mo. Benta yun.
Pero ang pinakagusto kong side mo, ay yung mga sinusulat mo. Alam kong iba iba na ang mga nagawa mo, hobby mo, at larangan mo. Pero bumabalik balik ka sa pagsusulat. Nakakatawa ka pa nga eh. Sinasabi mo na wala kang pake kung hindi maganda or pang writer ang sinusulat mo. Sayo ko natutunan na kelangan mo magsulat hindi para mabasa ng iba. Napaisip ako dun at ginaya kita.
Marami pa akong gusto sabihin sayo. Gusto kitang titigan sa mata at sabihin na "everything turned out okay". Kung pwede lang kita i-hug ginawa ko na. Deadma na sa iba, at deserve to. Deserve. Kaya happy birthday sayo. I-push mo na yan.
PS, magdrawing ka na ulit. Utang na loob. Kasi marami kang regalo na related sa drawing.
PSS, magipon ka. Para rin sa ating dalawa yan. Yang lovelife na yan, tutal trauma ang peg mo, i-pause mo muna!
Lovelots, nyabach0i
Ayiii... Lumalablyp. Sino si You? Happy birthday sa kanya at sana ay yumabong pa ang inyong pagmamahalan.
ReplyDeleteLovelots, Archieviner
Pra din to "syo'-natatandaan mo ba ung ngdrawing k sa whiteboard sa training room and ung mukha ni mae eh havey na havey na ginawa p nyang profile pic un??:) at ung tinulungan mo kong magisip ng mga bitch quote to throw at dun sa ábmormal kong kaaway na bingot?!hahahah!thanks for the frienship kamo..kht na breakeven ang sweldo ntn!hahahaha!belated happy birthday!basahin mo na ulet ung kapalaran ko...:)
ReplyDelete