Solomot sayo Pink Line :) |
Salamat sa pag tag :). Promise. Naisip ko na mali rin tong pag tag tag na to ng mga post sa blogger. Kasi parang mabubuko ka kung sino talaga ang wala masyadong followers (bitter sa mga maraming followers ng iba). Parang matatag ka, kasi hindi ka popular. No choice. HAHAHA.
Pero in a way, parang advertising keme mo na rin to. Charots.
SO siguro getsung na rin natin ang All I Want for Christmas post na to. Medyo weird to for me kasi, hindi "ganun" na sinecelebrate ang pasko sa amin (i know its wrong, i know) at wala akong special someone other than friendships. Naalala ko last year pinasadahan ko lang ang pasko. Hindi ko rin maintindihan sarili ko. HAHA. Fine ako na weird.
Pero sige. Kahiya naman kung hindi ko to susundin. Ineffortan naman si kumars Pink Line ang best in tagging.
This tag post has rules.
1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.
2. List 6 things that you want to receive for Christmas.
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
4. Send me the link so I could check it out too.
Nahihirapan ako kasi may weird akong feeling about wishlist. Para kasi sa akin, ang mga wishlist wishlist na yan ay parang yabangan portion. Dun mo malalabas ang likes mo (na parang artista mode or ala stylist mode) or dun mo rin mapapakita ang price range ng keme mo or most commonly, parinig sa mga asawa mo at mahal sa buhay. Pero dont get me wrong, may mga wishlist na masayang basahin or makita. Siguro this applies sa mga stalker mode mo or sa mga harhar mo (crush = harhar). Or yung mga generally like mong tao tapos makikita mo same kayo ng gusto? Basta mahirap iexplain. OO WEIRD NGA KASI AKO.
Pero sige. Para sa spirit ng pasko, gagawin natin to. Baka sabihin niyo KJ ako. Charaughts. Hahahaha. Tutal nung nabasa ko na rin yung tag, nagisip na rin ako. Wahahaha. (Grabe promise, wirdo ba ako?)
Chuck Taylor
FAVORITE KO TO.
Gusto ko gumawa ng Xmas tree na gawa sa Chucks. Or gumawa ng whatever ornament. Gusto ko kabugin si Bianca Gonzalez sa collection niya ng Chucks.
Lamang ka lang ng monelya ate! Lamang ka lang. Hahaha.
(monelya = pera)
PSP
Nope. Hindi magkaPSP.
Matapos ang nilalaro ko sa PSP. Kasi marami na akong nakapila. HAYMZOBUSY!
Shet kelangan ko na i-push to. Puussssshhh.
Magbasa
Namimiss ko na magbasa. Pucha best in pending kasi ako ng mga bagay bagay. Etong No Longer Human na yan, pagkatapos kong suyurin ang lahat ng mga bookstore sa maynila (nakita ko siya sa gateway dahil pinareserve siya ng friend ko for me) hanggang ngayon hindi ko pa rin nababasa.
Kung bibigyan niyo ako ng libro, mga ganyang level ang bet ko (yan ay kung nabasa niyo ang mga sulat ni Osamu Dazai)
Bakit ba kasi ang hectic ko???
Oras
At dahil andami kong reklamo sa pagiging hectic...
Mabibigay ba kung winish kong maging 72 hours ang isang buong araw?
Kung hindi, relo na nga lang.
Online
Magkalaptop. Charots.
Makita lahat ng kina kikiligan ko online. Eeeeeehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Wag niyo na ako tanungin kung sinusino.
Bastttaaaaaaaaaaa. Mapa-lalake, babae, bading, pornstar or cartoons. Makita or makainteract man lang pwede na akong mamatay (OA!).
Monelya
MARAMING MARAMI.
Gets naman siguro kung bakit.
Pamimigay ko sa mga tao. Mas lalo na pag sumasayaw sa stage. JOKE LANG!
Hindi naman ako mahilig sa mga gamit gamit eh. Gusto ko lang talaga ng simpleng bagay. Basta naalala ako, keriboom na. At oras. Gusto ko ng maraming oras. Hahahaha. Grabe hindi ko talaga magets bakit wala akong oras. Kamote. Wirdo ko i-swear! Hahaha.
So pano ba yan, ganito na lang. Basta nabasa mo, tagged ka na. Hehe.
Kthanxbye.
-nyabach0i
kulet ng wishlist mo kasing kulet mo! gusto ko rin ng chuck t. pero kahit 2 lang pwede na saken...
ReplyDeletefeeling ko nga wala kang time pero sana magkatime ka ng magpost ng nakakabading..
goodluck at sana makita mo na at maka-interact ang mga harhar mo online ;)
wag kang magalala teh. ipipilit natin ang nakakabading na yan! sa ayaw at sa gusto ng mga taonetchi!
Deleteshet ultimate wish ko yan. makita at makainteract!
Failed ako. Kala ko una mong hihilingin ay lalake. dyuk!
ReplyDeleteNaks napakapractical ng mga wishes mo. Sosyal lang ng Xmas tree makipagconfict ba kay bianca gonzales. lol Gusto ko rin ng maraming oras at Monelya.
Sana'y matupad lahat ng wishes mo na to.
ang lalake hindiyan hinihiling! dumadating yan. hahahaha.
Deleteoo kelangan maging praktikal. hindi naman talaga ako materialistic na tao. pero gusto ko ng maraming pera. weird ba? haha.
kung nagkataong lalaki yung una mong pinili mag-aaply sana ako.
ReplyDeletenapacurious ako sa third wish mo kaya sinearch ko sya at mukang maganda nga yang book na kinaaaliwan mo. sana may mahanap akong mga pdf format ng books nya.
teka palitan ko. gagawin kong lalake ang number one wishlist ko. hahahaha.
Deletemagaling siya na writer promise. not sure lang kung may mga pdf chuva chuva.
Ako din gusto ko ng limpak limpak na salapit! Lol
ReplyDeleteabisuhan kita pag nagkaroon ako. iinggitin lang kita. charots.
DeleteMahilig din ako sa Chucks, may customized akong chucks galing sa isang matalik na kaibigan :))) Lotto ang sagot sa instant na maraming maraming pera
ReplyDeletecustomized na chucks??? weehh?? teka kelangan ko magkaroon niyan!
Deleteako ang tanging wish ko lang ay magkaroon ng isang bilyong salapi, okay na yan para sa akin. hahahaha
ReplyDeleteako rin promise. kahit nga 1 million lang okay na ako eh.
Deletena curious ako sa no longer human..... magkano yung ganyang book?
ReplyDeletemaganda siya promise. 800 bili ko. wala na ata to dito sa pinas.
Deletekala ko true love din?!! hahaha!
ReplyDeletepareho tayo sa mga pending na libro grabe dami kong nakatengga! wahahah! hanggang umpisa lang ako tas di ko na matapos-tpos! baliw lang!
ayoko ng lovelife! hindi ko yan priority. hahaha. shet yung mga pending na libro kasi na yan! bili ako ng bili hindi ko naman binabasa!
DeleteHAHAHA ang haba masyaado ng 72 hrs para sa isang araw... :) pero syempre, depende pa rin yun sa taong kasama mo :D
ReplyDeleteYung last wish mo. Sana matupad at mabiyayaan din kame (FC lang po ^^). HAHAHAH!
Oh eto, isang dagdag sa followers mo:)
uy salamat sa pag follow. :)
Deleteok fine 48 hours na lang ang isang araw. hahahaha. pag nagkaroon ako ng pera cocontact kita para abisuhan at inggitin. joke lang.
parang okay ung limpak limpak na salapi.. sana yan ang unang matupad...
ReplyDeleteGoodluck sa mga wishes..... ^__^
salamat! sana talaga magkapera akooooo! at ikaw riin!!
Deletepinipigilan kong tumawa sa list mo eh pero nung mabasa ko to. "...Mas lalo na pag sumasayaw sa stage. JOKE LANG!" bumigay na ko napahalakhak na ko ng bongga. kulit mo talaga. =D
ReplyDeletesalamat naman at napatawa kita! hehehe. gusto ko lang maggiveback sa mga taong kumakayod ng pera. wahahaha.
Deletewuy gusto ko din ng laptop pero hindi ko na sinama sa wishlist ko ngayong pasko, dahil alam ko naman hindi matutupad...
ReplyDeletesalamat sa pagbisita sa blog ko, nais din sana kita handugan ng pasasalamat... pwede po ba? kung pwede send mo lang name and address mo sa uberjessicalopez@gmail.com... hihihii thanks :)
More games, more fun! Mukang maganda yung book. Itatanong ko na kay pareng google.
ReplyDeleteKanina mo pa sinasabing wirdo ka. Haha. Lahat naman tayo may kanya-kanyang kawirduhan. :D
ikaw na ang busy.. hahaha.
ReplyDelete