Well, well, well well, aware ako na ohmygah ang tagal na ng last blog ko. Mahirap kasi magmeynteyn (hindi ko kinacount ang post ko borderlining between depressive and dark pit of someone's soul). I mean, adulting. Adulting with work, adulting with social media, adulting with PS4, adulting with books, adulting with food, you know? The usual. Kaya eto ako, bumabalik. Parang mens lang yan. Paminsan andyan, paminsan wala. You know? The usual.
Plus, hindi monetized ang blog na to. So walang motivation ng slight, charot.
So kamusta? What's happenin'?!
Sa akin? Wala naman pero parang madami din ng slight. Pero dahil nasa gitna ako ng work today (tonight, nightshift forevs ako eh), sheshare ko ang panaginip ko kagabi (kaninang umaga, nightshift nga di ba?)
Napanaginipan ko si Gretchen Ho.
Nakakatawa kasi yung caption ng pic na yan ay Gretchen Ho: The face of modern Chinoy youth
Ayan ang pic niya, just in case hindi niyo siya kilala. Pero teka, konting background, may meds akong tinetake (tinake) recently na nakakaapekto ng dreams ko. Everytime tinetake ko yun, wala akong dreams (hindi dreams na my-dream-one-day-is-to-be-an-astronaut ha. wag tanga). As in wala. Like black lang, which sobrang gusto ko kasi satisfying long black sleep lang. Yung paggising ko, may laway pa ako sa pisngi. Ganung level. So anyway,
This time, hindi ko tinake yun obvs and napanaginipan ko si Gretchen Ho. Nothing sexual but something malabo and benta sa akin sa waking hours.
Sa panaginip ko daw, naglalakad ako pauwi sa village namin tapos apparently kapitbahay ko daw si Gretch (i feel lang pwede ko na siya tawagin sa nickname niya dahil close kami sa panaginip ko). Tinawag ako ni Gretch na pumasok sa bahay nila, edi pumasok ako sabi niya eh. Tapos yung bahay daw nila, tadtad ng Last Supper items. Last Supper painting, Last Supper sa mug, Last Supper sa walls, pictures, sofa, doors, etc. Tas ang feeling ko sa dream ay parang hindi weird, meaning nakita ko na to before feeling kasi nga close kami ni G. G na lang kasi haba pa din ng Gretch eh.
Anyway, so naalala ko tatlong floor ang bahay daw nila na tadtad ng Last Supper tapos naalala ko na masakit likod ko habang umaakyat sa stairs kasi nga may bad back ako. Tapos nagagalit daw ako sa kanya about it. Tapos tinanong kung ano ba kasi meron bakit niya ako tinawag. Apparently nagpapatulong siyang hanapin ang red na tsinelas niya.
Tapos sumagot ako:
"Akala ko ba One Big Fight? Bakit red?"
Tas nagising na ako.
So kung sino willing maginterpret, by all means. Ayoko magpaka Joseph, son of Jacob at alamin ang meaning ng dream na yan about Gretchen Ho.
But, but, but, I have to admit, hindi na masama mapanaginipan si Gretchen Ho. It could have been ibang some random ugly af babae! Charot.