Ayun na nga.
Its been a while in all fair of the fairnesses...
Pero pero pero.
Siguro mga ilang weeks na rin tong naka pending sa utak ko. Ang alin? Etong topic na to. Even before ang nasabing exam examan na kinuha ni watashi. Let's call this Epiphany Delos Santos Avenue corner Identity Crisis Center. Pero no, it's not identity crisis kasi mej sure naman ako sa kung anong tumatakbo sa utak ko at mga gusto ko. Teka wait, medyo implying to ng weird different thing. But wait teka explain kong mabuti... Read below. Haha.
May napanuod kasi akong video about Identity. Paki set ang timeline niyo na this is way waaaay way before. Way before the exam, way before the Social media ekis, and around the homophobic Manny Pacquiao issue.
Okay, okay. Una sa lahat, girl crush ko yan si ate. But, hindi ako superfan ng mga videos niya as a Youtuber kasi very out and about shibulibambam siya. Naligaw ako sa video na yan because naghahanap ako ng videos about Identity, Feminism, and Discrimination. Tapos suggested chenez sa gilid siya. Anyway, moving on. (Pero aminin niyo, ganda ni ate?)
After watching, marami akong inisip about me. Ano nga naman ang identification ko? Para we can be categorized in millions of things but still not enough definition (English yan +1 for effort). Like kay ate sa video, nakakaloka ang dulong part na rape survivor and all that. Who would know nga naman di ba? So mas okay ba tayong lahat kung wala na lang identity and lets just be who we are? Im so confused.
Medyo sensi topic ang identity. Kasi maraming pinapatay, nasasaktan, and kinakalimutan because of plain identity. Pero sabi nga sa favorite movie ko "Does it have to be anybody's fault?" Hulaan niyo san yan.
And now that you've hopefully watched the video above, aminin mo, nainggit ka sa kanya at gusto mo rin magenumerate ng mga identity chenez mo. Kasi ako, oo. Gumawa rin ako ng list. Effort to ha, kasi nagtake pa ako ng mga kacheapang online exam just to find out. I-be-base ko to sa list na ginawa niya:
Filipino
Mataba
Pansexual
Fag hag
Agnostic theist
Lonely and depressed
Divergent (LOL) okay fine kung bawal Divergent, Erudite na lang.
Geek
Nerd
Gamer
Gaymer
Bookworm
Audiophile
INFP sa 16 personalities
Melancholic sa 4 Temperaments
And so on.
In conclusion, bakit ba kelangan natin i-categorize? I mean pwede namang wag na di ba? Mas okay kung wala. Accept na lang and do not categorize. So pano pala sa larong the boat is sinking group yourself into keme? Edi haggard.
So yun lang naman. Equality for all.
Mwahuggzzz.
-nyabach0i