Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2015

Nakakatibo - Miss Universe Edition

Hindi ko to sinasadya. Promise nagkataon lang talaga. 2014 ang last Nakakabading post ko, 2013 ang Nakakatibo. So di ba, malamang due date na ng Nakakatibo. Pero kasi di ba?! As a bakla, kelangan natin pagusapan ang mga nangyari sa Miss Universe. Pero sige, unahin muna natin ang finger worthy na mga babae nung Miss Universe.
1. Kaci Fennell - Miss Jamaica OO! Hindi na tayo magpapaligoy ligoy pa. Uunahin ko na ang pinaka ikinaloka ko nung pageant na yun. Pero bago ang lahat, background muna. WALANG LAHING PINOY si Miss Jamaica. Kung sino mang siraulo na nagimbento niyan ay magtae sana ng 3 days. Si ate gurl ay supermowdel sa Jamaica. Siya ang nanalo sa Jamaica's Next Top Mowdel. So malamang that explains the Haute Couture bob kemez at ang bubbly na parang naka snort ng cocaine na attitude sa stage. At ang runway walk ni ate gurl! Parang natrain ni Miss J Alexander at pinagalitan with wagayway na "That is your signature walk duhrlin!".
Pero ha, putangina nito kung sino man…

On Being Alone and Lonely

Meron akong weird principles sa buhay. Which I am aware na hindi norm and some parents and oldies might think wrong and very liberated and borderline insane. First and foremost, I have a very unconventional belief about religion. I am Pro Choice and not Pro Life. Pro RH bill. Ayoko nakikitaan ng being emotional, being mushy, and certain kind of sweetness publicly and sometimes privately. Ayoko rin ng PDA. Most especially, I am okay of me being single.
Siguro my choices and opinions were because of past experiences, yes. Or maybe because of what I have seen of others, yes. Pwede rin because I am weird and unstable, yes. Sometimes I would think to myself asking if me being alone is because "eto na yung sure akong hindi ako masasaktan" or is it because "wala rin naman kasi". I actually don't know. It could be both. It could be none of those.
So para san tong post na to? This is to remind myself na there are times I can feel very lonely. Despite my own "belie…

Queen of the Night

Coz haym da queeeeeeen of da naaaaaayt! Queeennnnn of the naaaaayTTT! OH YEAAAAH! OH YEAH! OH YEAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Aminin mo kumanta ka.
Anyway, oo, ako na ang queen of the night. Night shift. Pinatapon na ako ng night shift. Well, well, well, deadma lang naman. Saktong solitude mode lang at push ang groggy mode. You know, the sheez.
And part ng pagiging night shift ay ang pagsakay sa public transportation ng rashar (rush hour pero yan ang pronunciation ng mga masa #sorrynotsosorry)
Gusto ko lang ishare pet peeve ko sa napaka prestigious na MRT ride. Hindi na ako magrarant out about sa kung gaano siya kasikip, kung gaano siya maraming magnanakaw, kung gaano malalamog ang dede mo, kung gaano mamamatay ang kuko mo kakapak ng mga tao, kung gaano hindi naman totoo ang senior slash buntis area kasi susugod din naman ang mga tao dun, kung gaano kahaggard sa lalakeng area na parang magagang bang ka any any, or kung gaano I wish na 80 pesos ang ticket para may filtering factor. Nope, hindi …

Crayola 64 Colors

May mga moment talaga na lakas maka senti. Take note, nagboblog ako sa saliw ng live concert ni Damien Rice sa Youtube. What is torture di ba? Push ang redundant. Saksak puso tulo ang dugo.
May weird "fascination" ako towards sadness. Kasi pag malungkot ako, dun ko naiisip ang mga ideas na nagiging artistic mode. Kaya pag may trigger ng sadness, push ko ang tulak pa more. Kaya eto si Damien Rice sa tenga ko. (Speaking of Damien Rice, palagi akong naluluha sa kanta niyang Blower's Daughter at Dogs. Plus super idol ko siya. Pag yumaman ako, hahuntingin ko siya sa Ireland at papakasalan.)
Well anyway, hindi ako nagblog ngayon para sabihin na malungkot ako. Gusto ko lang ishare ang incident na nasaksihan ko few days ago. Tutal bagong taon naman, share ko na rin ang proof ko na iba na talaga ang mundo ngayon. (Happy new year nga pala!)
One time, nasa tricycle kami ng Mujayra ko. Ang tricycle dito sa amin, animan. Dalawa sa harap, dalawa sa likod ng harap, at dalawa pa sa lik…